II - IKALAWANG KABANATA ~ BOND

7 1 0
                                    

Goshh finally nakarating narin ako sa condo

Inaasahan ko na nakauwi na si Jennifer sa condo ngunit pag pasok ko ay wala parin iyong babaitang iyon, hayss nako naman talaga malalagot ako nito kay tito niyan pag nagtanong

Pagkadating ko sa condo ay inilagay ko na agad ang mga pagkain sa ref, ang iba naman ay sa pantry

Time check - 10:30 am

Maaga pa naman tsaka wala pa naman si Jennifer kay iidlip muna ako

May susi rin naman sya ng condo tsaka kung magutom sya kaya nya na magluto malaki na sya. Pero sesermonan ko talaga yon pagkauwi nya juice colored.

Ang paalam non sa akin ay pupunta lang daw sya ng Xylo at uuwi sya ng 9 pm tapos kinabukasan na wala parin?!

Nilaplap pa ba nya lahat ng mga lalaki doon kaya ang tagal nya umuwi

Tutulog na sana ako subalit biglang nag ring ang cellphone ko dahil mayroong tumatawag

Bruhh gusto ko nang matulog eh grr kakatayin ko talaga to kung sino mang tumatawag

"Hello?! Sino ba to ha?! Tutulog na yung tao e tapos tatawag ka. Mamaya kana tumawag after 1 hour che!"

Nilagay ko na ang cellphone ko sa table na malapit sa kama at ipinikit na ang aking mga mata

Maya-maya pa ay may kumakatok naman sa pinto ng condo. Bruhh tf gusto ko lang naman talaga umidlip kahit 30 minutes lang oo

Tinakpan ko na lamang ng isa sa mga unan ko ang aking tenga para hindi na marinig ang pag katok

Pero nakakainis talaga kasi katok parin ng katok yung taong nasa labas. Like bruhh consistent yarn 5 minutes na syang nakatok oo binilangan ko. Since ayaw nyang sumuko edi ako nalang ang sumuko

Tumayo na ako sa aking kama ang naglakad papunta sa pinto na medyo nagdadabog

"Ano ba kasing problema mo huh. Kanina ka pa katok ng katok sinusubukang matulog nung tao eh" Banggit ko habang kinukusot ang aking mata

"Calm down princess"

Nagulat ako sa narinig kong boses. Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Alexandro na kasama si Maddison

"A-alexandro?! Bakit kayo nandito?! Tsaka pano nyo nalaman ang address ko?!"

"Before answering your questions papasukin mo muna kami"

"Wow demanding ha ikaw na nga tong nang istorbo ikaw pa may ganang utusan ako" I rolled my eyes

Wala na rin naman akong nagawa, since nandon na sila eh pinapasok ko na rin. Nangigigil ako kay Alexandro e apaka bossy, tirisin ko sya dyan e. Ay char lang baka kung ano pang gawin neto sakin

Nang makapasok sila sa condo ay lumapit sa akin si Maddison at hinila ang aking oversized shirt

"Ate I'm sorry po if na bother ka po namin ni kuya. I just really wanted to see you po ulit so I convinced kuya Noah and kuya Alex"

Kaya naman pala sila pumunta dito kasi gusto na ako makita ni Maddison. Well, I can't blame her kasi ang bait bait ko naman talaga

"It's okay baby, gusto mo pala akong makita eh sana sinabi mo para naipagluto ka ni ate" I smiled and caressed her hair

"We supposed to tell you na pupunta kami dito at magpapasundo sana kami kaso pinatayan mo agad ako ng cellphone"

Lumingon ako sakanya at sinamaan sya ng tingin

"Eh malay ko ba na kayo pala yung tumawag"

"If you let me spoke first at hindi ka muna nag reklamo edi sana nasabi ko sayo to let you know that we're paying a visit"

Beneath The Clouds Where I Met You (Destiny Series l) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum