"Are you sure? You... you almost killed yourself lately."

"H-hindi ko naman natuloy."

"Kahit na, Illara. What If I didn't come home earlier? Tangina, baka natuloy mo ang balak mo. Baka... baka naabutan kitang---" pinutol nya ang sasabihin. Namumula na ang kanyang mata sa hindi ko malaman na dahilan. Makailang ulit din syang mariin na lumulunok na para bang nagbabara ang kanyang lalamunan.

"Please don't do this again, Illara. I'll do anything, I'll give everything you want. Just don't... don't do this again." he pleaded "I understand that you are in so much pain because of what have happened. But there are still people who love you, who care for you. So, just keep on living. Continue living, Illara. You have me, sasamahan kita. We'll find reason to stay."

Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi nya iyon. Kumirot ang puso ko sa tanawing nakikita ko sa kanyang mata. Naguguilty ako. Hindi dapat sya nadadamay sa problema ko.

Kahit na durog na durog na ako ay ngumiti ako. Gusto kong ipakita sa kanya na kaya ko, na malakas ako at hindi nya kailangang mag alala.

"I'll get through all of this." I said.

Ngumiti sya and nodded his head. "Yeah, you'll get through all of this." he said, assuring me that I can do it.

Tumayo sya, "I'll just get the first aid kit."

Tinanguan ko lang sya bilang sagot. I watched him exit the door. Pakalipas ng ilang segundo ay muli syang pumasok mula roon bitbit ang isang first aid kit.

Naupo sya sa tabi ko and start cleaning my wound with alcohol and cotton. His jaw clenched nang makita ang pagdaan ng sakit sa mukha ko.

"I'm sorry." naiusal nya.

I shook my head. "Wala kang kasalanan,"

"No, this is all my fault. If I didn't allow them to have their day off, this wouldn't have happened." pagsisi nya sa sarili.

Kaming dalawa lang ang tao sa mansion dahil umuwi ang mga katulong at maging si kuya Nyx sa kani-kanilang mga pamilya dahil bisperas ngayon ng pasko.

"M-may pamilya silang kailangan uwian, Akill." I wish I have too. "Sino ba naman tayo para pigilan silang makasama ang pamilya nila? I-iba rin kasi sa pakiramdam kapag h-hindi mo kasamang magcecelebrate ng pasko ang pamilya mo."

Bumalik sa aking isipan ang mga litrato nila mama't papa kasama ang bago nilang pamilya. It hurts. It hurts a lot... Sana kagaya ko ay kaya ko ring maging masaya nang wala sila, sana kagaya ko ay masaya ko ring sasalubungin ang pasko. Pero putangina ang hirap!

"You have me, Illara." bigla ay sabi nya, tila nabasa ang mga iniisip ko. "And stop thinking about it. You'll just hurt yourself more."

Wala sa sariling tumango ako.

"I can't bear seeing you like this. I would prefer to see you smiling, laughing, telling silly jokes, " ngumiti sya na para bang may naalala. "and saying weird stuffs, even though I can't understand it sometimes."

Hindi ako umimik. His words is like a lullaby to my ears, it's so comforting...

"T-thanks." nasabi ko nang matapos sya sa paglagay ng bandage sa mga sugat ko.

Hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko kaya takang tinignan ko sya.

"Bakit?" halos mabulol na tanong ko. Nakakalunod ang mga titig nya.

"I understand that this your way of coping with your problems, but please..." he rubbed his thumb on my wrist gently before uttering. "please try not hurt yourself again, okay?"

Parang batang tumango ako at sumilip naman ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Akill is... such a good comforter. Parang sa pamamagitan ng mga salita nya lumulutang ako.

I feel like I've finally found my solace.

I've finally found the rainbow in the rain.

My sunrise, my tomorrow.

For someone na paulit ulit na nag se-self-harm, you shouldn't tell them to stop hurting themselves kasi pakiramdam nila ay naiinvalidate sila, and sometimes mas nakakapagtrigger pa lalo iyon sa kanila. Naiisip rin nilang itigil yon, they just don't know kung saan at kung paano sisimulan. You don't have to say anything, you just need to listen and understand them no matter how hard it is. Gusto lang nila ng taong makakaintindi sa kanila, ng dadamayan at ipaparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa.

"What is your comfort food, Illara?" he asked suddenly.

I bit my lower bago sumagot. "I-ice cream and... jollibee." parang batang saad ko. I could see the amusement on his face, leaving his lips parted after he heard my answer.

Ngumiti sya sa akin bago seryosong nilabas ang kanyang cellphone at nagtipa roon. Ilang segundo matapos nyang gawin iyon ay tumunog ang kanyang cellphone.

Tinapat nya ang telepono sa kanyang kanang tainga, hindi pa rin sya umaalis sa tabi ko.

"Just follow what I've said, Renglour." maawtoridad nyang sabi. Nakatitig lang ako sa kanya habang may kausap sya. Hindi ko naman marinig ang pinag-uusapan nila dahil hindi ito nakaloud speaker.

"Yeah, I'll give you 10 minutes to bring all of that here in the mansion. Kapag lumagpas ka kahit isang segundo, beg for your life." walang pakundangan nyang sabi bago patayin ang tawag.

When he look at me, lumamlam ang kanyang mata. Nagbaba rin sya ng tingin sa kamay ko.

"Masakit pa?" he asked, pertaining to my wound. May bahid ng pag aalala sa boses nya.

I shook my head. "Hindi na gaano,"

Tumango sya. Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan kaya hindi ko naiwasang laruin ang mga daliri ko sa kamay. Habang ginagawa iyon ay may naisipan akong itanong. Tumagilid ako ng upo para bahagyang harapin sya.

"Nagsisisi ka na ba?" panimula ko para unti unting mangunot ang kanyang noo. "Nagsisisi ka na ba na ako ang pinili mong pakasalan para... para hindi sayo kunin ang kompanya? Nagsisisi ka na ba ngayong nakita mo kung gaano kagulo---"

"No." he cutted my words off. Isang salita pero sapat para sagutin ang mga tanong ko.

Tinanguan ko lang sya at saka ako umayos ng upo. Muli kaming binalot ng katahimikan, ang tanging naririnig ko lang ay ang bawat paghingang ginagawa namin. Rinig na rinig rin ang mga kuliglig sa paligid.

"Illara," pagtawag nya.

"Hmm?" tinignan ko sya, nakapatong sa hita nya ang dalawang siko at magkasalikop ang kamay. Bahagya rin syang nakayuko at nasa baba ang tingin na para bang may malalim na iniisip.

"What if you found out..." tila nahihirapan sya sa sasabihin. "how cruel I am? And what is the truth behind my world? What would you do?"

Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot. Ilang segundo ang lumipas, wala pa rin akong maisagot.

Narinig ko ang mabigat na pagbuga nya ng hangin bago tumayo.

"A-akill," pigil ko sa kanya ngunit hindi nya ako tinignan.

"Forget I asked you that." malamig ang boses na sabi nya bago nagsimulang maglakad.

"I'll..." I started. Huminto sya sa paglalakad ngunit hindi nya ako nilingon. I clenched my fist in nervousness. "I'll dance with your demons." makahulugan kong sabi.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon