Tiningnan namin ang price ng mga alak dito. Napangiwi ako sa sobrang mahal. Kaya pala kaonti lang ang nandito. Pang mayaman pala dito. Mas gusto ko 'yung magulo at maingay talaga. Music lang maingay dito, walang maingay na nakiki-party. Boring! Boo!

"Tama ka, Zern. Oras na para lumayas dito," sabi ni Leroy at sabay-sabay talaga kaming nagmartsa palabas ng club na 'yon.

"Ang mahal ng drinks!" napasinghal na rin si Ashton 'paglabas namin.

Humalakhak ako. "Pangit na nga no'ng pa-welcome sa atin dito sa may labas, amboring na nga, at ang mahal pa no'ng drinks!" Sabi ko habang nakangiwi.

"Malalanding hampaslupa lang talaga tayo. Si Ashton lang mayaman sa atin. Doon ka na, Ashton. Ang daming tumitingin sa 'yong babae kanina, e," sabi ni Leroy.

Umiling agad si Ashton. "Nah, ang mahal ng drinks. Baka mas mauna pang maubos laman ng wallet ko bago ako malasing," sabi ni Ashton at natawa.

Nakatayo kaming tatlo sa pavement at parang bigo agad. Kung gano'n kamahal 'yung iinumin ko, parang mas gusto kong enjoy-in 'yon kaysa malasing. Pati yelo nila may bayad! 200 pesos isang pack! Golden ice ba yan? Pinatigas sa golden freezer nila gamit ang royal premium water, gano'n? Pota.

"So, ano? Do'n tayo sa usual na lang?" Sabi ko.

Leroy hissed. "O sige, marami rin namang mga bading do'n. Mas mataas ang chance na maka-take home for tonight," sabi ni Leroy.

"Paano 'yung kotse ko? Hayaan ko na lang naka-park diyan sa gilid ng gintong night club na 'to?" Sabi ni Ashton at natatawa pa rin dahil sa sobrang mahal ng nakita naming mga drinks.

Tumango kami parehas ni Leroy. "Oo, pabayaan mo na diyan. Ang daming naka-park dito sa Razor Night's Cherry. At saka magkatabi lang naman sila, so hindi naman tayo mahihirapan puntahan kung sakaling pinagsakluban na ng langit at lupa 'tong si Leroy sa sobrang lasing," sabi ko.

"Nakakahiya naman sa 'yo. Sinukahan mo kami ni Ashton last sem," sabi ni Leroy sa akin.

"Sorry, hindi counted kapag hindi ko maalala," sabi ko at ngumiti na parang baby bago naunang naglakad papunta sa kabilang night club.

Tulad ng usual naming nakikita sa RNC, sa labas pa lang ay matao na. Compare ro'n sa kabila, maluwag ang guard at may mga baliw sa labas pa lang. Dito sa RNC ay mahaba ang pila at chini-check talaga ang mga papasok.

Tinawag 'tong pangit ni Leroy kanina dahil 'yung last niyang naka-hook up dito ay hindi maganda ang naging experience niya. Straight dude at na-attach siya. Deserve. Landi pa more sa straight. Alam naman niyang straight, tapos do'n pa siya nagkagusto. Gusto niya raw kasi 'yung thrilling at mala-telenovela ang magiging outcome. Ayan, hello iyak siya bigla.

"Hi, Jack!" Sabi ni Leroy sa bouncer na kakilala na naming tatlo at nakasasama rin namin minsan dito sa RNC kapag hindi niya working days.

"Oh, ngayon ko na lang ulit kayo nakita, ah?" Sabi niya sa aming tatlo habang malawak na nakangiti.

"Miss mo ako?" Sabi ni Leroy sa malanding tono pero boses lalaki.

Ngumisi nang nakakaloko si Jack. "Gusto mo na naman akong harutin. . ." ganti nito sa malandi ring tono.

Nagkatinginan kami ni Ashton at sabay napailing. Ayan na naman siya na tuma-target ng straight, tapos iiyak sa amin. Although, naglalandian talaga sila minsan nang pabiro kaso. . . nakatatakot magbiro ng ganiyan. Baka madala ng alak tapos mauwi sa kung saan. Mahirap na.

Pinapasok na kami ni Jack matapos nilang magbiruan ni Leroy. Maingay pa rin ang RNC tulad ng last kong punta rito, which is last semester pa. Maingay at matao ang dance floor kagaya ng gusto ko. Affordable rin ang drinks at masarap gumawa ng cocktail ang bartender. Marami ring puwedeng maka-hook up. Meet up-an kasi 'to ng mga gusto makipag-sex after mag-usap sa dating app. Tapos minsan bigo kaya naghahanap ng ibang makaka-make out. Puwede na 'yon. Laban na 'yon. Basta mabango hininga.

Ditto Dissonance (Boys' Love) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon