Chapter 61

7.2K 284 345
                                    

Chapter 61: Closer to Fonder

#DittoDissonanceWP

Hello! Thank you for waiting <3 If gusto ninyo ng playlist ng caizern, mayroon sa message board ko. :)

Enjoy! <3 Don't forget to vote ^^

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hinahagod ko ang likuran ni Caiden habang mahinang tinatapik-tapik. Nakasubsob siya nang maigi sa dibdib ko at mainit ding nakayakap sa akin.

Hindi ko na siya nakayanan titigan habang humahagulgol siya kanina, kaya iginiya ko na siya pahiga para mai-rest niya ang katawan niya at mayakap ko siya nang mabuti.

Hindi pa rin siya tumigil nang niyakap ko siya, iyak pa rin siya nang iyak. Hindi ko alam kung gaano siya katagal iiyak, kaya sinuklay ko lang ang buhok niya habang marahang tinatapik-tapik sa likuran hanggang sa hindi ko na lang din namalayan na nakatulog na siya.

Kumikirot pa rin ang dibdib ko hanggang ngayon. Nasasaktan pa rin ako para kay Caiden. He must be really so afraid. Ang tagal niyang tinago 'yung bigat na 'yon sa dibdib niya kaya siguro siya iyak nang iyak.

Nagi-guilty din ako sa mga ginawa ko sa kaniya noon. Ang dami kong nasabing masasamang salita sa kaniya. Kaya siguro mas nati-trigger siya dahil palagi niya akong nakikita at kung ano-anong sinasabi ko sa kaniya.

Though, I can't blame myself for protecting myself from him. Hindi niya rin puwedeng gawing excuse 'yung trauma niya para i-project lahat ang galit niya sa akin.

Nonetheless, we're both at fault. We're both clueless. Naging impulsive kami at hindi kami nag-isip nang tama no'ng mga panahong 'yon. Pinangunahan kami ng nararamdaman namin. We're both immature.

Napabuntonghininga ako't mas hinila si Caiden palapit sa akin para mas mayakap siya nang maigi. Pinakiramdaman ko ang malaki niyang katawan na nakadikit nang mabuti sa katawan ko. Napapikit ako't hinalikan si Caiden sa ulo.

He'll be safe from now on. I will never let him experience that turmoil once more. I will love him for that's what he deserves. I'll fill in the gap inside his heart and forever cherish him.

Napangiti ako bago bahagyang umurong para maabot ko ang baba niya. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha niya para makita ko ito nang mabuti.

Caiden is sleeping peacefully, and he deserves it. I can't stop my heart from melting as I stare at his innocent, handsome face.

I'm so in love with him. 

I slide my index finger on his cheek smoothly. Until it slowly went to his rested, pinkish lips. Sobrang guwapo. . .

"I love you. . ." I whispered.

My lips formed a sweet smile before giving his forehead a long kiss.

Marahan kong iginiya ang ulo niya pabalik sa dibdib ko 'saka siya niyakap ulit. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hinagod kong muli ang likuran niya habang nakangiti pa rin.

I should probably rest, too. I can't wait for another day with Caiden. I want to see his smile in the morning. . . my handsome, precious Caiden.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Ditto Dissonance (Boys' Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon