39th CHAPTER

94 9 4
                                    

Amethyst's POV

It's been weeks mula nung umuwi kami galing sa labas at nakipaglaban sa mga bampira. Cast is still here and staying at my house. The barrier is still up, thanks to him. Today's the first day of buwanang palaro which means that it's been two months since I came here and almost one month since I won the last buwanang palaro.

"What are you thinking about?" biglang tanong ni Hadeus. We are in his office right now.

"Just things." sagot ko naman.

There are already humors circulating the town about me being their Luna. The leaders and members already knew that it's a fact, but we did not publicly confirm it yet, not until I'll reveal my whole identity to Hadeus.

Naglakad sya palapit saakin at niyakap ako. "Are you ready?" tanong nito saakin, tumango naman ako bilang sagot.

Lumabas kami ng office nya at bumaba, bumungad naman saamin ang mga pinuno na nakaupo sa sofa sa sala.

"Let's go." saad ni Hadeus kaya nagsitayuan na sila.

Pagkarating namin sa may arena ay marami pa ang pumapasok. Ang mga kasama kong nanalo last year ay nandito. May ilan ding myembro na nandito pero mas madami parin ang nagroronda sa paligid.

Napakakulay ng paligid, puno ng banderitas na nakasabit. Tanaw ko mula dito ang makukulay na mga tindahan, nagkaroon kasi ng paligsahan sa pinakamagandang dekorasyon ng tindahan dahil mayroon iyon sa suggestion box. May mga nagkakantahan din sa isang gilid, mukhang mga nag-iinuman gayong maaga pa.

Nagmistualng piyesta ang ganap dito sa bayan. Mas makulay at mas naging maingay ngayon kesa sa nakaraang buwanang palaro, thanks to the suggestions of the people. Mapapanood na din ni Hadeus ngayon mula sa umpisa di gaya nung nakaraan.

Narinig ko ang pagtunog ng gong senyales na mag-uumpisa na. Nakatayo lang kami dito sa labas at naghihintay na tawagin kami para pumasok.

"Mag-ingay para sa pagpasok ng mga pinuno at miyembro ng Fightun!" rinig kong sigaw ng emcee. Bumukas ang pintuan kaya pumasok kami. Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang punong puno nanaman ang arena gaya ng dati.

Pagkadating sa upuan namin ay nagsiupo na kami. Lilipat na sana ako upang umupo sa likurang bahagi ni Hadeus ng hilain nya ako at pinaupo sa tabi nya kaya wala akong nagawa. Sa halip na si Mark ang katabi nya ay ako na, umusog si Mark kaya pinagigitnaan ako ngayon ng dalawa.

Mag-uumpisa ng ipakilala ng emcee ang mga kalahok sa buwanang palaro ngayon nang biglang sumulpot si Cast sa harap ko na ikinagulat namin kaya napatayo kami at napatigil ang emcee sa pagsasalita. Naalerto ang mga kasama ko at akmang susugurin na si Cast nang magsalita ako at tanungin sya.

"What's wrong Cast?" tanong ko dito nang may halong pag-aalala. Hindi naman sya basta basta susulpot dito kung walang problema.

"Vampires! Dark vampires and dark witches are entering the town! Madami sila!" pasigaw na saad ni Cast saakin. Narinig ito ng iba kaya naman medyo nagpanic na sila. Ilang segundo lang ay nakarinig kami ng pagsabog.

Nakarinig ako ng mga sigaw galing sa labas ng arena, bulungan at nagpapanic na mga boses naman ang maririnig dito sa loob may ilan din akong naririnig na humihikbi. Makikita na din ang usok na galing sa labas paakyat sa kalangitan.

Nagpalit na ng anyo ang mga kasama ko. Hadeus roared and they get out from the arena para tumulong. Bumaling ako kay Cast para magbilin, magsasalita na sana ako ng sumulpot si Vince sa tabi nya.

"Great, you're here. Cast, put a protective barrier around the arena, don't let the enemy enter. Vince, you'll help Cast, kill the enemy who'll try to enter." utos ko sa dalawa na tinanguan naman nila.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now