19th CHAPTER

264 34 4
                                    

Amethyst's POV

Mabilis ang pagbigkas ko ng mga salita upang mabago ang itsura ko at matakluban ang mukha ko. Sa isang iglap ay ang buhok ko na kulay itim na may kaunting highlight na red at blue ay nabago. Bumalik ito sa dating kulay na golden brown at nadagdagan ang highlight nito, nagkaroon din ng puti puti sa dulo ng buhok ko. Ang natural na buhok ko ay nakatali ng isa lang. Nagkaroon din ako ng maskara na itim na may halong lila na ang natatakluban ay mula sa ilong hanggang sa itaas na parte ng mukha ko. Litaw na litaw ang mga mata at ang mga pangil ko.

Pagkarating ay nakita ko ang isang dalagita na pilit na nanlalaban sa itim na bampira ngunit halata naman na hindi nya kaya. Mukha na lang syang pinaglalaruan ng bampira dahil tuwang tuwa ito na makita ang takot sa mata ng dalagita. Agad na natigilan ang bampira ngunit hindi ko na sya binigyan ng pakakataon para lumingon saakin dahil agad ko na syang sinugod. Parehas lamang ang abilidad namin ngunit mas lamang ako. Hindi na ako nagpipigil ng kapangyarihan kayat alam kong ramdam na ng buong bayan ang presensya ko at alam kong patungo na sila dito.

"Princess Violet..." Nanguuyam na tawag nito saakin. Hindi na ako nagulat ng tawagin nya ako sa pangalan na iyon dahil sa buhok at mata pa lamang ay makikilala na agad ako ng kahit sino na galing sa aming mundo. Ngumisi lang ako at agad na sumugod.

Iwas lang sya ng iwas ngunit nagagawa ko parin syang masugatan gamit ang dagger na binili ko kay lolo Fabian. Sinusubukan nya din ang lumaban ngunit mabilis kong naiiwasan. Pagdating ng mga myembro ng Fightun ay agad ko syang hinila at ibinato sa kinaroroonan nila. Bumigkas ulit ako ng chant upang hindi nya magawang manlaban. Agad naman syang tinalian nila Mark sa kamay at paa para masiguradong hindi sya makakatakas pa.

Nakita kong kumpleto ang syam kabilang na si Hadeus na maiigi akong tinititigan. Kahit ang ibang myembro ng Fightun ay kinikilatis ako sa kanilang tingin at para bang handang sumugod saakin kahit sa isang maling galaw lang.

Ibinaling ko ang tingin ko sa dalagita na muntik ng mabiktima kanina. Nakita ko ang mga sugat nya dulot ng panlalaban nya. Nanghihina sya na nakatingin saakin habang inaalalayan ni Xhyra na makatayo. Ikinumpas ko ng mahina ang kamay ko at mahinang bumigkas ng chant para gumaling ang mga sugat nya.

"S-sa-salamat..." Mahinang bulong nya bago mawalan ng malay. Agad naman syang nasalo ni Peter bago pa man sya bumagsak sa lupa.

"Sino ka? Magpakilala ka!" Utos saakin ni Hadeus ngunit tinitigan ko lang sya, kinikilatis kung sya ba talaga ang nakatadhana saakin.

Ibinalik ko ang dagger ko sa bewang ko habang nakikipagtitigan parin sakanya. Kinakalkula kung magagawa ko ba ang plinaplano ko na nais gawin sakanya. Pagkabalik ko ng punyal sa lalagyan ko ay inisang iglap ko lang ang paglapit at paghalik sa labi nya. Tumagal iyon ng ilang segundo bago ako humiwalay at bumalik sa kinaroroonan ko kanina.

Tumitig ulit ako sakanya ngunit sa pagkakataong ito ay sigurado na ako na sya nga ang destined partner ko. Mahiwaga akong ngumiti labas lahat pati pangil.

"I am your Luna." Saad ko bago tumakbo papalayo sa kanila.

Itinago ko na ang presensya ko at binalik sa dati ang itsura ko. Sa itsura ko na kilala nila dito. Pagkatapos ay tumakbo na ako pabalik sa kung saan ko naramdaman ang panganib kanina at nakunwaring tahimik parin na naglalakad at nagmamatiyag. Ibinalik ko na din ang amoy ko para hindi sila magtaka kung bakit hindi nila ako maamoy.

Ilang saglit pa ay natanaw ko sila na pasalubong habang bitbit ang itim na bampira at ang dalagita. Tumakbo naman ako papunta sa kanila at kunwaring nagtataka.

"Anong meron? Anong nangyari?" Habang ang tingin ay kunwaring kinikilatis ang nakagapos na bampira.

"Bakit ka nandito at bakit ka mag-isa?" balik naman na tanong ni Mark na may pagkaistrikto taliwas sa nakasanayan ko na maloko.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now