29th CHAPTER

244 23 6
                                    

Amethytst's POV

He knows… maybe because of the kiss. Now I'm blaming myself, I shouldn't have done that. Dapat hindi ko sya hinalikan that time and dapat umiwas ako sa halik nya kahapon. Arghh! So tanga Amethyst.

"I'm waiting…" saad ni Hadeus habang nakaupo sa sofa.

Maghintay ka lang, wala kang mahihintay.

"Amethyst, I'm waiting for your explanation." saad ulit nito.

"Nag-explain na ako kanina. San ka ba pumunta? Dapat nakinig ka kanina." saad ko at umirap. Nahahawa na ata ako kay Sapphire.

"I heard your conversation with them earlier pero kulang. I have lots of unanswered question." saad nito habang diretso lang ang tingin saakin.

"You'll have your answer but not today." saad ko naman at nakipaglaban ng titigan sakanya. Magkaharap kami ngayon na nakaupo sa sofa dito sa salas. Good thing lumayo din sya saakin kanina pagtapos nya akong icorner sa likod ng pintuan.

"Who are you, really?" tanong nito ngunit hindi ko sinagot. "Yes, you explained to them and answered their questions ealier but it feels like there are still missing pieces about your identity that makes you still mysterious to me." mahabang dagdag nito.

"I told you, you'll have your answer but not today." saad ko at tumayo na.

"Ayokong magkaroon ng relasyon sa hindi ko sigurado ang katauhan." saad nito na nakapagpatigil saakin.

"Then don't, walang pumipilit sayo." saad ko at tinalikuran na sya. "Please lock the door when you leave." dagdag ko pa bago naglakad upang umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay kusang tumulo ang luha ko. His words were painful since there's a bond that connects us.

Ayaw nya daw ako maging karelasyon. Hah! Edi don’t!

Napairap nalang ako sa hangin bago punasan ang luha ko. Well, ayaw nya lang naman makipagrelasyon sa hindi nya daw sigurado ang katauhan, hindi naman nya sinabi na ayaw nyang makipagrelasyon saakin.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa naisip. Para naman akong nagpapaka-martyr. No way!

Pero tama nga naman sya, bakit nya gugustuhing makipagrelasyon sa hindi naman nya gaanong kakilala. Parang ako lang, hindi ko gustong magpakasal sa hindi ko naman kilala.

Pero pwede naman nya akong kilalanin habang may relasyon kami!!!

So pwede ko ding kilalanin ang mapapangasawa ko pag kasal na kami?!

Pabagsak at padapa akong humiga sa kama. Nakakabaliw, ayoko na. iiwasan ko nalang munang mag-isip tungkol sa mga bagay bagay sa ngayon para maipahinga ang utak ko.

Makikilala din nya ako pero hindi pa ngayon. Isa pa, malakas ang bond namin bilang mag mate dahil isa syang taong lobo at higit sa lahat sya ang Alpha.

Hah! Sinong tinakot nya?

Kumpara sa aming dalawa ay higit na apektado sya. Base sa nabasa ko, mas possessive sila sa mga pag-aari nila lalo na sa mate nila. Napairap nalang ako sa hangin at umayos ng higa.

Gusto kong matulog, kailangan kong matulog, dapat akong matulog. Half vampire lang ako, kailangan ko paring matulog bilang isang salamangkera. Pero nakailang ayos na ako sa kama, nakailang ikot na ako, hindi parin ako dalawin ng antok kaya minabuti ko nalang na bumangon.

Nagulat ako dahil pagbangon ko ay nakita ko sa Cast na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. May isang linggo ko na din 'tong hindi nakikita.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. Kanina pa ako dito ni hindi mo man lang naramdaman ang presensya ko." panimula nito nang mapansing nagulat ako sa kanya.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now