26th CHAPTER

280 29 4
                                    

Amethyst's POV


Tanghali na nang magising ako ngunit ganoon parin ang kaganapan sa kwarto, mas maingay na nga lang sila at medyo mas madami na ang nandito kumpara kagabi. Nanatili akong nakahiga dahil tinatamad pa akong bumangon at medyo inaantok pa ako dahil madaling araw na akong natulog.

Dumiretso agad ako sa banyo upang mag-ayos ng sarili. Pagkalabas ay kinuha ko na rin ang bag ko dahil balak kong palitan ang laman nito, puro maruruming damit na ang laman ito.

Pagkababa ay dumiretso ako sa kusina dahil nagugutom na rin ako, baka sakaling may pagkain. Hindi nga ako nagkamali dahil may mga ulam na natakluban na hindi ko alam kung sino ang nagluto pero mukhang masarap naman.

Kumuha na agad ako ng plato at kutsara bago kumuha ng pagkain at kumain. Anong oras na kaya ramdam na ramdam ko na ang gutom ko ngayon. Parang ilang araw akong hindi kumain dahil sa mabilis kong pagnguya at paglunok ng pagkain ko.

Nang matapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko. Idinamay ko na din na hinugasan ang mga pinagkainan ng iba na nasa lababo. Kalahating oras lang naman ang ginugol kong oras para sa paghuhugas.

Napagpasyahan kong dumaan upang tignan saglit si Vince sa kulungan bago umuwi. Baka hindi pa kumakain yon, kawawa naman pag nagkataon.

Nakayukong si Vince ang bumungad saakin nang makita ko sya. Naroon parin ang pananggalang at di ko pa tinatanggal. Wala akong balak tanggalin ito hanggat hindi natatanggal ang sumpa na binigay sakanya ng bruhang kumukontrol sa kanya.

"Vince..." mahinang tawag ko sa kanya. Unti-unti naman nyang iniangat ang ulo nya nang marinig ang boses ko. Lumiwanag pa ng kaunti ang mukha nya at tila nabuhayan nang makita ako. "Kamusta? Kumain ka na ba?" tanong ko dito.

"Hindi pa, wala pa akong kain simula kagabi. Tila nakalimutan na nila na may bihag sila dito sa ibaba." saad nya at medyo tumawa pa ngunit halatang pilit naman. Tinignan ko sya ng mabuti at sinuri ang hitsura nya. Mukhang hindi din nagamot ang sugat nya mula sa pagkakalatigo nya kahapon.

"Hintayin mo ako dito. Ikukuha kita ng makakain at panggamot na din sa sugat mo." saad ko at tumalikod na upang kunin ang mga sadya ko.

Pagkabalik ko ay iniabot ko kaagad sakanya ang pagkain na mabilis nyang kinuha at nilantakan. Mukha ngang hindi sya nagsisinungaling dahil halata naman sa pagkain nya na gutom na gutom sya.

"Ito, mga panggamot sa sugat mo, gamutin mo mamaya pagkatapos mong kumain." saad ko na tinanguan nya.

"Maraming salamat." sagot nya habang kumakain.

"Kagabi ay dinalaw kita, kung naaalala mo." saad ko.

"Wala akong maalala sa mga kaganapan sa nakalipas na gabi. Pero hindi mo man sabihin ay sigurado akong mukha akong baliw kagabi." saad nito.

"Mukha nga..." saad ko, "Pero nagkaroon naman ako ng pagkakataon na makausap ang bruhang kumukontrol sayo at hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung paano ka maalis sa sumpa nya." dagdag ko.

"Mukhang imposibleng makawala pa ako sa kanya. Matagal nadin nya akong nakokontrol. Simula nang mabihag nila ako at magawang katulad nila ay madalas na akong walang kontrol sa sarili ko. Tila nga hindi ko na pag-mamay-ari ang sariling katawan ko." saad nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko dahil sa sinabi nya.

"Hindi ako orihinal na katulad nila. May kinabibilangan akong pangkat nang mga bampira at sa pangkat namin, hindi kami nananakit ng ibang mga nilalang." saad nya.

"Paanong nabihag ka nila?" tanong ko naman at umupo na sa lapag paharap sa kanya ngunit mayroon paring distansya dahil nga sa pananggalang na ginawa ko.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now