18th CHAPTER

298 33 3
                                    

Amethyst's POV

"Ang sandaling pagtitipon na ito ay para sa pagsalubong sa ating mga bagong miyembro. Sila ang sampung pinakamataas sa naganap na buwanang palaro na ginanap nito lamang at natapos lang kahapon. Ang nag-iisang babae ang syang hinirang na kampyon." Mahabang saad ni Hadeus bilang pagpapakilala saamin at pagtangap sa amin sa Fightun.

Hindi ako ngumingiti at blangko lang ang ekspresyon ng aking mukha pero sa aking kaloob-looban ay masaya ako dahil nakuha ko ang nais ko at pinaghirapan ko ito kahit papaano. Dahil sa tinatago namin ang katauhan sa bawat isa ay nahirapan naman kami kahit papaano sa pagpipigil palang. Mahirap din labanan ang katamaran kung alam nyo lang.

"Maaari na kayong bumalik sa inyong mga ginagawa." Saad ng Alpha kaya bahagya pa akong nagulat.

Iyon lang??! Wala man lang bang paparty?

Nagsibalik naman sila sa kanilang mga ginagawa. Ang iba ay nanatili at marami ang umalis na sa tingin ko ay magroronda o baka naman uuwi? Di natin sure.

Lumapit naman saamin si Mark, "Sumunod kayo, pupunta tayo sa opisina ng Alpha." Saad nya at nagpatiunang maglakad.

Pagbungad sa pintuan pa lamang ay batid ko na ang karangyaan. Malawak na salas ang bubungad at may pintuan na sa tingin ko ay patungo ng kusina. Umakyat kami sa hagdan paakyat at nagtungo sa pinakadulong kwarto. Pagbukas ay bumungad ang prenteng nakaupo na Alpha.

Nagtama kaagad ang mga mata namin dahil saakin sya nakatingin kaya't naramdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam na iyon na hindi ko maipaliwanag. Agad ko namang iniwas ang paningin ko at nagkunwaring tinitignan ang kwarto, o mas tamang sabihin na opisina, na syang kinaroroonan namin.

Malawak ito at maganda. Magkahalong puti, itim at brown ang kulay ng kabuoan ng opisina. May malaking salamin sa kaliwa na nagsisilbing harang o pader mula sa veranda. Sa kanan naman ay isang malaking shelf na umabot hanggang kisame at puno ng libro. May sofa, center table at TV kaya nagmuhang salas ang gawing iyon ng kwarto.

Nagpatuloy sa paglilibot ang mga mata ko at napansin  na may dalawang pintuan maliban sa pinasukan namin. Mukhang ang isa ay banyo at ang isa ay kwarto. Mas lalo pa akong namangha ng makita ang maliit na ref sa isang sulok at katabi ang maliit na kusina.

Ang kwarto na ito ay nagmistulang bahay sa isang bahay. Napaisip tuloy ako kung ano ang meron sa ibang kwarto at kung sino ang mga nakatira dito. Malayong mas malaki ang mansion na ito kumpara sa bahay na tinutuluyan ko ngayon.

Pero mas malaki naman ang palasyo namin.

"Nandito kayo upang malaman kung saang parte ng Heimta ang babantayan ninyo..." may inilabas syang papel na mukhang listahan ng mga pangalan namin, "Ikaw Lucas at Ivan ay kasama sa grupo ng mga nasa hilaga, si David at Jake ay sa silangan, sa kanluran naman ay sina Samuel at Liam habang sina Manuel at Antony ay sa timog." Tuloy tuloy na saad nya. Magtatanong na sana ako dahil wala ang pangalan nami ni Aaron nang maunahan na nya ako. "Si Amethyst at Aaron ay nakatoka sa centro." Saad nito.

Mariin syang tumitig saamin isa-isa. Nang tumama saakin ang mga mata nya ay nandoon nanaman ang di ko maipaliwanag na pakiramdam. Sumenyas sya at tumango naman kami bilang senyales ng paggalang bago lumabas.

"Ang mga myembro ng fightun ay halos tumira na dito, may iba pa nga na literal na dito na nakatira." Biglang saad ni Mark habang naglalakad kami palayo sa kwarto. "Sa ikatlong palapag ay may limang kwarto at may kanya-kanyang kwarto ang bawat grupo o distrikto. Dito sila nagpupulong at minsan natutulog." Dagdag pa nito.

Akala ko ay bababa kami nang makarating kami sa hagdanan ngunit umakyat naman pataas si Mark sabay sumenyas na sundan namin sya. Gaya ng sabi nya ay may limang kwarto sa ikatlong palapag. Bawat pintuan ay may nakasulat na pangalan ng distriikto.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now