21st CHAPTER

291 31 5
                                    

Amethyst's POV

Inayos ko na ang mga pinamili ko sa kitchen counter at nailagay ko na ang mga chocolate sa ref. Nagulat pa ang mga kasama ko dahil sa ginawa ko. Sinabi ko naman na pwede silang kumuha doon kung gusto nila. Ang bag ko naman na pinaglagyan ko ng mga gamit ko ay inilapag ko lang sa may kama ko. Inilagay ko ito sa parte ng uluhan para hindi masyadong magalaw.

Masyado pang maaga para magronda at isa pa ay may pagpupulong mamayang alas-siete kaya naman napagpasyahan kong bumaba na muna at sumali sa mga nag-eensayo. Marai ang nag-eensayo sa palibot ng mansyon, mabuti na lamang at malawak.

Nang una ay naglakad-lakad lang ako habang nagmamasid hanggang sa dapuan ng mga mata ko si Aaron na tinuturuan ng isa sa mga myembro. Nilapitan ko sila at napansin ang napakaraming pasa sa mukha at katawan nya. Mukha syang binugbog ng sampung katao sa itsura nya.

Nang mapansin nya ako ay ngumiti sya, "Amethyst!" sigaw pa nya.

Nginitian ko lang sya at sinenyasan na ipagpatuloy ang ensayo. Ang plano kong mag-ensayo ay nauwi sa panonood ng ensayo. Nakita kong nag-improve na ang kakayahan ni Aaron kumpara sa kakayahan nya noon, mukhang magaling ang nagtuturo sakanya.

Madami namang pasa.

Iniwan ko na sya doon at ipinagpatuloy ang balak kong gawin na mag-ensayo. Pagdating sa likod ay may nakita akong mga kagamitan. May mga pana, dagger, espada, punching bag at kung ano ano pa na sa tingin ko ay gamit pang-ensayo. Lumapit ako dito at naunang pinulot ang pana at palaso. Ipinuwesto ko ang sarili ko at napangisi dahil sa pares ng mata na nararamdaman kong nakatingin saakin mula sa ikalawang palapag. Binitawan ko ang palaso at tumama ito sa pinakagitna. Tumingala ako at nakipagtitigan sa pinuno ng bayan at grupo na ito.

Hadeus the Alpha

Hindi ko inalis ang tingin sakanya hanggang sa sya na ang bumitaw at tumalikod para pumasok sa loob. Habang nakikipagtitigan sakanya ay naroon parin ang kaba at kakaibang pakiramdam pero mukhang nasanay na ako doon.

Pagtapos sa palaso ay pinagdiskitahan ko naman ang punching bag. Nang una ay magagaan lang na suntok ang binibitawan ko hanggang sa lumakas ito ng lumakas. Hindi ko pa man nailalabas ang pinakamalakas na suntok ko ay bumigay na ito. Nahulog ito sa kinabibitinan at sumabog ang laman.

Wala na, sira na.

"Shit ka Amethys, nakasira ka pa." Bulong ko sa sarili ko. Napakamot nalang ako sa sarili ko dahil doon.

"What do you suppose to do with that?" Rinig kong saad ng sino mang tao na nasa likod ko.

Umikot ako para makita ang nasa likod ko. Bumungad saakin ang isa sa mga lalaking pinuno ng Fightun na hindi ko alam ang pangalan. Sya yung palaging tahimik lang.

"Papalitan ko?" Patanong na sagot ko na mukhang hindi sigurado.

Nagkibit balikat lang ito at nilagpasan ako. Hindi pa ito nakakalayo nang marinig ko ang boses ni Sapphire.

"You Johneus!!! Comeback here you jerk!" Mataray na saad nito. Mabilis itong naglakad upang sundan ang lalaki na Johneus pala ang pangalan. Nang matapat sya sa kinaroroonan ko ay inirapan pa nya ako.

Kung di ko lang alam na mataray talaga sya, sinundot ko na mata nya.

Napabuntong hininga naman ako dahil sa naisip. Unang tingin palang talagang mataray na, normal na ang pag-irap niyon. Halos lahat ata ng tao iniirapan nya. Ewan ko lang kung hindi sya nahihilo.

Dahil sira na nga ang punching bag ay ang dagger naman ang pinagdiskitahan ko. Tinignan ko ang hitsura ng dagger at nakitang matalim ito. Ibinato ko ito ng malakas sa target at nakitang bumaon ito sa pinakagitna, napangiti naman ako dahil doon.

MYSTERIOUS PURPLE EYED GIRLWhere stories live. Discover now