Chapter 34 (Tom and Jerry game)

14 1 0
                                    


𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 34 𝗧𝗼𝗺 𝗮𝗻𝗱 𝗝𝗲𝗿𝗿𝘆 𝗴𝗮𝗺𝗲

                 𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗞akatapos lang naming mag dinner at hito na naman kami.

Sunod sunod kaming nakaupo sa buhangin na nakaharap sa dagat.

Si boyfiey tapos ako at si Sie katabi ko sa kabila at kasunod naman si Cion at Kuaro bago si Kei.

Sunod kaming na-upo sa buhangin na para bang malalim ang iniisip.

“Alam ko na kung ano gagawin na'tin.” sambit ni Siea habang nakatayo na ngayon.

“Ano 'yon love? ” tanong naman ni Cion.

“Maglalaro tayo. ” napabuntong hininga naman si Cion.

“Love maghapon na tayong naglaro? hindi ka parin ba napagod? ako pagod na kiss mo nga balik—”

“Edi huwag kang sumali pagod ka pala e. ” sabat agad ni Siea.

“Joke lang love hehe, sasali ako.”

Iwan ko sa dalawang 'to kung tatagal ba sila.

“Sasali ako, ano bang klaseng laro? ”
sabat ni Cion.

“Madali lang naman, exiting pa. ” tugon ni Siea.

Ano naman kaya naiisip nito?

“Sasali kami syempre. ” sambit ko naman.

“Ano pa hinihintay niyo, tayo na kayo.” nagsitayuan nga kami.

“Syempre hindi tayo makapaglaro dito kung hindi tayo marami. ”

“Paano 'yan anim lang tayo? ” tanong ni Kuaro.

“Edi mag-invite. ” sabat din ni Kei.

“Ano bang laro Sie? ” tanong ko.

“Tom and Jerry game. ” sagot naman niya na kinakunot ng noo ko at gano'n din sila.

unfamiliar game 'to ah.

“Tom and Jerry game? ngayon ko lang narinig 'yan. ” saad ko.

“Ako rin ngayon lang. ” sabat ni Kei.

“Bago ba 'yan? ” dagdag pa ni Kuaro.

“Hindi ko alam basta may naglalaro din ng ganito, hindi niyo lang alam kasi 'di niyo pa alam ngayon palang. ”
saad naman ni Sie.

Mayamaya pa ay umalis si Siea, wala akong ideya kung saan siya pupunta, siguro magiinvite siya?

Maya maya pa ay may dala na siyang mike at soundbox. siguro sa kanya 'to dinala niya.

“HELLO MGA KAWONDER SINO GUSTONG SUMALI SA LARO NAMIN?
FOR YOUNG PEOPLE ONLY! SALI NA KAYO MASAYA 'TO!”

Tatlong beses kong narinig ang paguli-ulit niya sa sinasabi niya at hindi nga siya nabigo.

May mga dalaga at binata ang lumapit  subra bente sila.

“Hello po ano po bang klaseng laro?” magalang na tanong ng isang cute na babae.

“ Tom and Jerry game. ” sagot naman namin.

“Ano po 'yon? ”

“Hindi din namin alam tanong mo sa kanya. ” saad namin at tinuro si Siea.

“Ahm, madali lang naman, mafoform tayo ng bilog at nakahawak kamay lahat at dikit dikit, Kailangan nating maghanap o pumili kung sino ang gaganap bilang si Jerry at tom.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now