Chapter 4 (Blind date)

42 2 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 4 𝗕𝗹𝗶𝗻𝗱 𝗱𝗮𝘁𝗲

      𝗕𝗮𝗰𝗸 𝘁𝗼 𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

 
“𝗧ita Farra ba't gising ka pa po? ” naalimpungatan ako sa boses ni Xeun, katabi ko kasi siya matulog, nagising siguro siya dahil sa paglikot likot ko, kinikilig kasi ako sa binabasa ko.

“Sheesh matulog ka lang jan Xeun, matutulog na din naman ako. ”

“Okay po. ” magalang niyang tugon at ipinikit na ang mata.

Nagbabasa kasi ako ng kwento na dumaan lang din sa news feed ko, kaso pabitin ang dali lang natapos, kaya ito nakasimangot ako kakatingin ng mga comment, wala na daw ka dugtong.

Actually mag di-deactivate na sana ako kanina pa kung hindi lang dumaan ang kwento na'to, pero edi-deactivate ko naman talaga 'to.
gusto ko kasi ng peace of mind no more social media dahil kung dito ako hahanap ng boyfriend, for sure sa cheater ang bagsak ko.

Nagpunta na ako sa settings, napapikit nalang ako ng mata at dumilat ulit, wala na sa messages nalang ako mag t-text kila ate.

Pinatay ko na ang ilaw nang matapos iayos ang kumot ni Xeun, at nahiga narin ako at ipinikit ang mata.

 
NAGISING ako ng wala na si Xeun sa tabi ko, kaya nagtungo na ako sa banyo para maghilamos, pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto ko.

Pagkarating ko sa sala ay wala ding tao, kaya sure ako nasa sala sila.
hindi nga ako nagkakamali nasa sala sila at sabay pa silang kumain na parang close.

“Gising ka na pala Tita Farra tikman mo ang niluto ni Tito Kunno ang sarap. ” sita naman ni Xeun ng makita ako.

Umupo na ako sa tabi ni Xeun, “Good morning. ” bati naman ni Kunno, tumango nalang ako.
pagdating kasi sa pagkain dalawa kami ang gagastos, at iisang kaldero lang.

Napatingin naman ako sa ulam, gulay 'yon ewan kung kailan pa naging mahilig sa gulay si Xeun na 'to.
napatango tango nalang ako ng matikman 'yon.

“O diba Tita masarap? ”

“Oo nga ang sarap. ”

“Pag wala kaming pasok, dito na ako tatambay. ” mahina naman akong natawa. katulad din niya si Xeus ang daldal.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko ng hinatid si Xeun sa bahay nila.
pagkarating ko sa bahay nila Ate ay bumungad agad na bumungad si Xeus na umiiyak.

“Xeus ba't ka umiiyak? ” tanong ko dito ng makalapit sa kanya.

“Wala *sob* ayaw akong bigyan ni Mama ng pera *sob*.” mahina naman akong natawa at pinisil ang ilong niya.

“Oh Farra nandito ka pala. ” sita ni Kuya Xens.

“Ah hinatid ko lang si Xeun kuya. ” tumango naman si Kuya.

“Pa! saan si mama? ” singit naman ni Xeun.

“Sa kusena nagluluto. ”

“Ay ako kumain na, masarap pa kila Tita Farra, hindi masarap ang luto ni mama. ” walang preno na sabi ni Xeun at naupo sa sofa, mahina kaming natawa ni Kuya Xens.

Pumunta ako sa kusena at nadatnan si Ate Harra na nagluluto.
“Hmm ang bango ah adobo. ” papuri ko na kinagulat niya at napalingon sa'kin.

“Oh ikaw pala bunso? kumain kana ba sumabay ka nalang sa'min. ” sumimangot lang ako at yumakap sa likod niya.

“Kumain na ako Ate uuwi na nga ako e hinatid ko lang si Xeun. ”

“Doon daw natulog sayo si Xeun? ”

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now