Chapter 13 (First boyfriend)

23 1 0
                                    

𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 13 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗯𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱

 
  𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

“𝗚awin niyo agad ang mga report jan, kailangan matapos na agad 'yan pagbalik ko. ” dinig kong sabi ni Unno sa katawag niya sa phone niya.

Kibit balikat nalang akong umalis kahit pala nandito siya hindi niya parin pinapabayaan ang trabaho niya.

Napahiga ako sa kama ko at nagiisip ng gagawin ko.
Napakagat labi ako at tinungo ang hidden box ko sa ilalim ng desk na malapit sa kama ko.

Subrang daming notes ang nakikita ko kaya hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa notes niya na binibigay sa'kin binabasa ko 'to pag boring ako o wala akong magawa sa buhay.

Ngayon ko kasi pinagiisipan ang pagsagot ko sa panliligaw niya.
Lahat ginawa niya para lang mapasagot ako, binibigyan niya ako ng tulips tuwing umaga at sunod sunod na note. walang araw na wala akong natatanggap na tulips at note galing sa kanya.

Nilalabhan niya rin ang mga lalabhan ko lalo na ang mga lalabhan kong may bahid ng dugo dahil sa menstruation ko kahit hindi naman talaga gawain ng manliligaw ang labhan ang mga lalabhan ng nilalagawan niya.

Ni hindi ko nakita na nandiri siya tuwang tuwa pa siya at masaya pa sa ginagawa niya.

Napangiti nalang ako ng makaisip na nang gagawin ko.
Inayos ko ang loob ng kwarto ko inalis ko ang mga kaunting kalat.
Binuhos ko ang mga notes sa kama at kumuha ng mailiit na panakbit sa kurtena tinali ko iyon sa bawat pako sa pader hanggang nasa ginta na ito.
           Kumuha ako  ng maraming clip sa kabinet tools ko kumuha rin ako ng scatchtape at inilagay din sa kama.
Kinuha ko ang mga tulips  na nakalagay sa mga buteng lalagyan ng bulaklak na nasa gilid ng pader halos madami rin ito 'yung iba nasa labas ng Terese at yung tatlo naman nasa desk ko.

Kumuha ako ng isang notes at clinip iyon sa tali na nakalutang pinadikit ko rin ang isa pang notes sa ibaba nito hanggang sa lima ang dinugtong ko.

Lima lima ang dinugtong ko hanggang sa maubos ang notes, inilagay ko rin ang mga tulips sa gitna at naglagay ng Christmas lights sa bawat sulok ng notes.

Kumuha din ako ng ilang litrato na kasama siya at dinikit ko rin sa gitna ng mga notes lima rin do'n ang dinugtong ko.
Kinuha ko na ang mga pitas na bulaklak na nakalagay sa plastic at binuhos sa sahig ng pakunti at sumulat gamit ang kulay pulang nga bulaklak.

𝑊𝑒𝑙𝑐𝑜𝑚𝑒 𝑡𝑜 𝑚𝑦 𝑤𝑜𝑟𝑙𝑑 𝑚𝑦 𝑓𝑖𝑟𝑠𝑡 𝑏𝑜𝑦𝑓𝑟𝑖𝑒𝑛𝑑

Napangiti nalang ako ng matapos ako sa mga pakulo ko.
Agad na akong lumabas ng kwarto pagkatapos kong magbihis well kulay dress Ang sout ko ngayon at nakaheels.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto ni Unno ay huminga muna ako ng malalim at walang alin langang binuksan ang pinto.

Nadatnan ko siyang tutok sa computer niya napanguso nalang ako dahil baka busy siya kaya, tumalikod nalang ako.
“Ehem!” peke nitong ubo na kinalingon ko.

“You're so gorgeous. ”papuri nito kaya hindi ko maiwasan mapakagat labi.

Sabay niyang ginalaw ang ring and middle finger niya na para bang sumisinyas na lumapit ako sa kanya.
Pagkalapit ko sa kanya ay nagtama ang paningin namin tiniklop niya ang laptop niya at inikot ang upuan niya paharap sa'kin.

“May date ka? ” tanong nito kinailing-iling ko.

“Busy ka ba? ”umiling iling din siya sa tanong ko.

“Nanliligaw kapa ba sa'kin? ” pinatung niya ang siko niya sa desk at nilagay sa labi niya ang gitnang daliri niya.

“Yeah.” malambing niyang tugon.
Natigilan nalang ako ng biglaan niyang hinatak ang bewang ko dahilan ng paglapit ko sa kanya masyado.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Onde histórias criam vida. Descubra agora