Chapter 5 (Bed)

38 1 0
                                    

     𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 5 𝗕𝗲𝗱
 
  
      𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩
 
  
𝗡agising ako dahil sa sinag ng araw natumama sa mukha ko.

Ito 'yung umaga na parang katamad bumangon, parang gusto ko nalang matulog habang buhay.

Joke wala pa akong boyfriend.

Nagligpit na ako ng higaan ko at tumungo sa banyo para manghilamos at magsipilyo.
Pagkatapos kong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako ng kwarto.

Nakarating ako sa sala at napangiti dahil sa nakita, nagluluto naman si Unno ng almusal namin.

Napalingon siya sa akin na pansin niya seguro ang presensya ko, ngitian niya ako ng matamis na ngiti at binati.

“Good morning Ms. Flight attendant. ”

“Good morning too Mr. Kunno Engineer.” pabalik kong bati at napatawa ng mahina.

Pagkatapos niyang magluto ay inilapag na niya sa mesa ang Pagkain.

Sabay kaming kumain at parang sana'y narin ako na kasabay siya lagi sa pagkain.
pagkatapos naming kumain ay siya rin ang humugas ng plato, nahihiya na ako sa kanya, mukha na akong palamunin dito sa bahay.

“Paano ba 'yan isang linggo na wala parin akong nahanap na para sayo.” ani niya naman dahil nandito ako sa sofa nagmumuni muni.

“Oo nga. ”

“Mukhang kailangan ko ng gumawa ng paraan para mahulog ka sa'kin.”

“Kaya mo kaya? ” natatawa kong pag hamon sa kanya.

“Oo mukhang madali lang naman.” pag ngisi niya pa.

Paano kong mahuhulog nga ako sa kanya? paano kung hindi niya ako gusto tapos ginagawa niya lang 'yon para may tirhan siya pansamantala?

paano kung sa huli ako din ang masasaktan dahil sa deal na'to.

bahala na.

*toink*

“Aray!” napadaing naman ako ng ipinitik ni Unno ang noo ko.

“Lutang ka? ” natatawa niyang tanong?

“May nakita ka bang tubig dito? ta's nakalutang ako?” pamimilusopo ko at tumawa ng mahina.

Mahina lang siya natawa.

“Hindi kaba magtatrabaho sa bahay mo ngayon? ” tanong ko naman sa kanya pero nakatingin lang siya sa'kin.

“Hindi staka may trabahador naman ako do'n e kaya na nila 'yun. ” sabat niya naman.

Nakatunganga naman ako.
“Ikaw nalang muna dito pupunta ako kila Mama at Papa. ” ani ko at tumayo.

“Pwede sumama?” napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

Gusto kong basahin ang iniisip niya pero 'di ko kaya, ba't naman kasi siya sasama?

“Ah okay, maliligo muna ako bago tayo pupunta do'n. ” tugon ka at tumalikod na.

Pagkarating ko sa kwarto ay naghanap na ako sa closet ng masusuot at pumunta na sa banyo.

Naligo na ako,at pagkatapos kong maligo ay napangiwi ako dahil hindi ko pala nadala ang towel ko.

“Hindi naman seguro papasok 'yun dito sa kwarto ko? ” tumango tango ako habang kausap ang sarili.

Dahan dahan kong pinihit ang door nub at pagkabukas ng pinto ay dahan dahan akong naglalakad papunta sa kama ko dahil do'n ko nailapag.

Nanlaki naman ang mata ko ng makita si Unno na ngayon ay nasa nakatayo malapit sa kama ko mas lalo akong nanigas ng lumingon siya sa'kin at nakanganga din sa gulat.

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now