Chapter 1 (First meet)

163 1 0
                                    

  𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 1  𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗺𝗲𝗲𝘁

        
           𝗙𝗮𝗿𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

𝗜lang parinig na ako sa Facebook pero wala man lang nag first move sa'kin ng 'send pic my day ko'

“mga walang kwentang fb friends” pag wawala ko dito sa sala.”

feel ko talaga tatanda akong dalaga, v*rgin, nbsb, etc

Dahil nga makapal ang mukha ko, eninvite ko lahat ng boy fb's ng 'Flex mo naman ako, ako na 'to'.

pero wala parin, no effect.

Kailangan ko pa ata mang gayuma

Mag-isa lang ako sa bahay, kaya sino hindi malulungkot, ni hindi ko nga na try ang pinagsasabi nilang kiss na 'yan pvtakte.

[Flex niyo na ako, tapos ligawan din]

[cancel gf day, walang magf-flex sa'kin]

[chat mo'ko, pag-usapan natin, my day mo'ko]

[Flexxx niyooo ko t4ngina!]

Sunod sunod kong post pero hindi manlang gumalaw, tumunog ang notification ko, ang galing talaga.

'4500 friends' tapos ni isa wala sa kanila ang magiging Boyfriend ko?.

yabag!

Malakas kong tinapon ang cellphone ko sa sofa.

“ayoko na bounce na'ko. ”

Agad akong dumukot ng pera sa wallet, at padabog na lumabas ng bahay.

[Date kami ng sarili ko, baka ako talaga para sa'kin] post ko pa ng kunin ang cellphone at tinapon ulit sa sofa.

Kahit anong parinig ko hindi nila papansinin 'yan.

Agad akong lumabas ng bahay ko, at naglalakad, madami akong nakikitang mag on na nakaholding hands.

para akong masusuka o maingiiit.

Natigilan ako bigla at bumalik sa bahay, at kinuha ang cellphone ko.

hindi ko pala kaya pag hindi ko kasama cellphone ko.

[baka cellphone ko talaga ang para sa'kin] post ko naman.

Naglalakad lang ako at pinagsipa-sipa ang mga nadadaanang maliliit na bato, harang harang kasi sa dinadaanan ko.

Tumigil lang ako ng makita ang bagong tindahan, mukhang kakagawa lang bago nga diba.

“pabili”

“pabili!”

“pabili poo!”ilang beses na akong tumawag wala parin, pati ba naman tindahan ayaw sa'kin.

Dahil nga makapal ang mukha ko pinasok ko 'yong bahay, ako nalang magpabili sa'kin.

“tabi tabi po. ” pumasok ako sa loob ng tindahan at kumuha ng ice cream sa freezer.

“hindi ako nagnakaw ah bumili ako.” mahina kong bulong sa mga paninda at nilagay ang pera, sa lalagyan  ng candy, dahil hindi ko alam kung saan ilalagay, saan ang lalagyan.

[Hindi ako nagnakaw bumili ako]post ko at aalis na sana ng may babaeng bumili.

“Pabili nga teh.” parang kinikilig niyang sambit?

[ba't 'to kinikilig hindi naman ako tomboy] [post ko ulit at inilapag ang cellphone.

“Anong bibilhin mo?”

“Kapatid kaba ni Kuno? ang ganda mo naman” kinikilig niyang sabi.

sinong Kuno? ah baka 'yong tendero

Finding my first boyfriend               [Mafia series #2]Where stories live. Discover now