CHAPTER 9

107 80 38
                                    

As bursts of colourful fireworks light up the sky outside my window, the loud booms and laughter of the crowd fade away. Amidst the celebration, my heart feels like it's breaking in silence, overshadowed by pain.

Natigil lang ako sa 'king pag-iisip nang bumukas ang pinto at pumasok si Kim. She smiled at me pero bakas sa mga mata niya ang pag-aalala sa 'kin. Sa mga araw na lumipas ay nandito lang ako sa kwarto ko. Pinili kong hindi muna maglalabas dahil ayokong mas mag-alala sila sa 'kin.

"Haru girl, want to head to the park? I heard there's going to be a live band performance later! Tapos may mga sikat din daw na artistang pupunta!" excited niyang sabi habang nagba-bounce-bounce sa aking kama.

Tipid naman akong ngumiti sa kan'ya. I know she's just trying to cheer me up pero ang hirap talaga. Parang nawala na lang bigla lahat ng energy at pagiging masayahin ko.

"Kayo na lang muna siguro."

Pabiro siyang umirap at sumimangot sa 'kin habang naka-cross sa dibdib ang dalawang braso.

"Kailangan mo ring magsaya noh! Ilang dats na lang balik school na naman tayo kaya pansamantala mo munang kalimutan 'yang mga problema mo."

I offered a timid smile, wishing it were as simple to erase all the problems and pains. If only there were an effortless way to forget the burdens and hurts that weigh on me now. Sadly, there's no shortcut to ease the pain.

Napabuntong hininga si Kim saka lumapit sa akin.

"Hindi pa rin ba kayo nakapag-usap ulit?"

Tipid akong umiling. Hindi naman nawala sa isip ko ang huling pag-uusap namin pero ibang sakit pa rin pala talaga kapag pag-uusapan ulit.

"You two really need to talk. Clear things between you both by explaining everything to him. If he won't listen or believe you, then it's his loss. Do your part so that, no matter what happens in the end, you will not have any regrets."

Napatingin ako kay Kim na nakangiti sa akin. Tama siya. Bakit pa ba ako maghihintay ng ilang araw kung pwede namang ngayon na? Kung gusto kong maayos kaagad namin 'tong gusto na 'to, kailangan kong gumawa ng paraan.

Hindi ko lang talaga maiwasang panghinaan minsan lalo na sa tuwing naiisip ko na kailan man ay hindi nag initiate si Chrixian na mag-usap kami. Kahit text or chats wala. Pero naiisip ko rin na baka tulad ko ay nagpapalamig din siya. I'm aware of his past; he too came from a broken relationship. His ex-girlfriend cheated on him, and even though he may not have loved her, that event likely caused trauma for him, and I empathise with him, as I've experienced similar thing.

I've come to realise that if we aim to mend a broken relationship, we must be ready to set aside our pride and take the initiative to start the conversation. Gender should not dictate who pursues or chases. Hindi ito kung sino ang babae o lalaki kung 'di kung sino ang mas handang makipag-ayos at willing mag initiate. May kung ano anong bagay ang gumugulo sa aking isip, kasama na ang mga sinabi sa akin ni Kristine at bago pa man ako tuluyang lamunin ng mga kaisipang 'yon, mas mabuti nga siguro kung mapag-usapan namin ni Chrixian. Bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan basta mapag-usapan lang namin.

"Pakinggan n'yo ang isa't isa. Explain everything to him and hayaan mo rin siyang ilabas ang nararamdaman niya at kung ano man ang kalalabasan then at least masasabi mong you did your part at hindi ikaw ang unang sumuko."

Iyan din, I am willing to listen to him pero paano nga kung hindi naman siya handang makinig sa akin? Pero at least nga sinubukan ko 'di ba?

"You think?"

"Yes, at tamang tama kasi nasabi sa 'kin ni Dace na pupunta raw sila kasama si Kyzer mamaya sa park kaya mas kailangan talaga nating pumunta. Grab that chance na makapag-usap kayo."

Rain in Summer Where stories live. Discover now