CHAPTER 5

171 115 45
                                    

All Japanese translations presented herein are made with the assistance of Google Translate; hence, anticipate potential translation inaccuracies. —I.S

I don't really like waking up early in the morning as I am not a morning person, but today is different, so I woke up early without getting irritated. It's seven in the morning, and I've already finished taking a shower. Now, I'm choosing which of my fancy dresses I will wear. Any moment now, that handsome egg will arrive, and, of course, even though I'm already beautiful, I still want to be more extra for him. And I ended up choosing a baby blue casual dress that reaches above my knees. I put light makeup on my already gorgeous face and wore my three-inch white sandals.

Nag text din kasi siya kahapon na may pupuntahan kami pero hindi niya naman sinabi ang full details kaya sinimplihan ko lang ang ayos ko.

At nang makuntento na ako sa aking ayos ay kaagad na akong bumaba at dumiretso sa dining room. Naroon na ang kapatid ko at nagbi-breakfast kasama ang aming pinsan na kaedaran lang din ni kuya, si kuya Keiz. Kadarating niya lang kagabi galing Manila at mag i-stay siya rito ng isang buwan para sa isang photoshoot.

"Ohayo!" masiglang bati ko bago naupo sa aking pwesto. Kaagad namang nag lagay ng pancake si kuya Keiz sa aking plato habang ang aking magaling na kapatid ay focus lang sa kaniyang sariling pagkain.

"Haru-chan, itsumo asa ga kirai na hito to omotte ita kedo, kyō wa nande hayaku okite iru no?" napanguso ako sa tanong ni kuya Keiz. Sinabi niya lang naman na kilala niya ako bilang taong ayaw ng morning kaya bakit daw ako maagang nagising ngayon.

"She's likely gonna go on a date with her boyfriend now." Ang kapatid ko ang sumagot habang punong puno ang bunganga ng pancake.

Gwapo 'tong kuya ko eh, marami ring nagkakagusto sa kan'ya pero siguradong mati-turn off ang lahat ng girls na may gusto sa kan'ya kung malalaman nila kung gaano ka takaw 'tong lalaking 'to. Dugyot dugyot pa.

Pansin ko naman ang mabilisang pag baling sa aking ni kuya Keiz habang magkasalubong ang mga kilay.

"You have a boyfriend?"

Napalunok ako. Sabi ko na nga ba ganito ang magiging reaksyon niya. Sa totoo nga lang mas kuya pa siyang umasta sa 'kin kumpara sa totoo kong kapatid. Kapatid na rin ang turingan naming dalawa since sabay kaming lumaki kaya nga napaka-protective niya sa akin lalo na't may dalawa rin siyang kapatid na babae.

"Hey, man, I already mentioned on the phone that your little girl's got herself a boyfriend already," tumatawang sabi ni kuya habang tinatapik pa ang balikat ni kuya Keiz.

Lalong nalukot ang gwapong mukha ng pinsan ko saka inis na bumaling kay kuya. "And you just let her? She's still a baby!" inis niyang sabi sa kapatid ko na ikinairap ko na lang.

Kung mag usap sila ay para bang wala ako rito sa harap nila. Napaupo naman ako ng tuwid ng humarap muli si kuya Keiz sa akin.

"Haru-chan, ano hito ni aitai na. Kare ga ii hito ka, kimi ni totte yoi hito ka, shiritai." Agad naman akong napalunok. Muntikan ko na ngang malunok ng hindi nangunguya ng maayos ang pagkain sa bibig ko dahil sa pagkabigla dahil sa sinabi ni kuya Keiz, mabuti na lang at kaagad kong nainom ang juice ng kapatid ko na ngayon ay masama na ang tingin sa 'kin.

Dahil sa sinabi ni kuya Keiz ay bumalik na naman sa 'kin 'yong kaba nang ipakilala ko si Kyzer kina mama. Ngayon naman sa pinsan na parang kapatid ko na naman siya ipapakilala. Bukod kasi sa over protective siya sa akin, masyado rin siyang straightforward magsalita, pero medyo nakampante rin ako nang maalala kong makapal naman pala ang kalyo sa mukha ni Chrixian kaya siguradong sisiw na lang sa kan'ya na harapin itong pinsan ko.

Rain in Summer Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon