CHAPTER 2

188 117 28
                                    

The teacher started discussing about her lesson after niya kaming talakan. Kimberly, as usual, was snoozing next to me while I tried my hardest to take notes, not just for myself but also for her. I'm really giving it my all to concentrate because the topic is quite challenging, and my not-so-genius brain struggles to grasp it easily. But no matter how hard I try to listen, I can't seem to focus because I'm also doing my best not to stab this annoying monkey next to me.

"Psst, bakit ang sungit sungit mo? Ganiyan ba dapat tratuhin ang tanong nag ligtas sa 'yo?" bulong ng demonyong itlog sa tabi ko.

At anong sabi niya? Niligtas niya ako? Nasisiraan na ba siya ng bait at hindi niya maalalang sila ang sumagasa sa akin?

Kalma, Haru. Hindi matutuwa ang parents mo pag nalaman nilang nakapatay ka ng isang gwapong unggoy.

Tumunog ang kaniyang upuan nang iniusog niya ito palapit. Ngayon ay nakadikit na ang braso niya sa aking balikat at nanginginig na ang mga kamay ko sa pagpipigil na saksakin ng ballpen itong damuhong 'to.

Lord, bigyan n'yo pa po ako ng mas mahabang pasensya please. Masyado pa po akong bata at masyado rin po akong maganda para maging isang kriminal.

"Ah, alam ko na kung bakit ka masungit," muling bulong niya at ramdam ko ang pagtundig ng mga balahibo ko sa leeg nang tumama ro'n ang mainit niyang hininga. "Is it the time of the month?"

Nagtataka ko siyang binalingan at lalo lang yata akong naasar dahil kahit gustong gusto ko na siyang saksakin sa mata, hindi ko pa rin mapigilan purihin ang napakagwapo niyang mukha. Despite how much I dislike him, I can't help but be captivated by his almost flawless face. His skin is incredibly smooth, with the exception of a small cut by his thin, pink lower lip. Oddly enough, it adds to his charm. His nose bridge is perfectly sculpted, and his enchanting copper-brown eyes are simply mesmerising. Kung hindi lang talaga ako naaasar sa kan'ya ay baka naging crush ko ma siya.

"I know, I know I'm handsome." malapad ang ngisi niyang sabi sabay kindat sa akin at ramdam ko ang pag balot ng init sa aking buong mukha, hindi ko nga lang alam kung dahil pa rin ba sa inis o dahil sa katotohanang ang lapit lapit ng gwap niyang mukha sa akin, o dahil sa pag kindat niya. Pero mas gusto kong isipin na dahil lang 'yon sa matinding inis ko sa kan'ya. Oo tama, 'yon lang ang dahilan at wala ng iba.

"Tigilan mo 'ko, pwede ba?!" pabulong kong singhal sa kan'ya saka muling bumaling sa harap pero napapitlag na lang ako nang bigla na lang niyang sinundot ang tagiliran ko!

"Bakit ka muna kasi masungit? Ah, dahil ba meron ka ngayon?"

Namimilog ang mga matang hinarap ko siya. I can't believe he just said that! Is he a pervert or he's just an idiot?! His irritating grin got even wider as he gazed at my horrified expression. It's almost like he finds amusement in seeing my shocked face.

"So ano, tama ako noh?"

Pilit kong kinalma ang aking sarili dahil baka tuluyan ko na talaga siyang masaksak sa ngalangala. Sayang naman at madudumihan pa ng dugo niyang kulay berde ang mamahalin kong ballpen.

"Oh, so alam mo pala 'yon?"

"Oo naman. Ako pa ba!" mayabang niyang sagot na para bang proud na proud pa siya. Mabuti na lang talaga at nasa dulong parte kami kaya hindi gaanong pansinin ng teacher sa harap.

"Alam mo, I've heard people say women love gossip, so when did you become a gossip girl?" ako naman ang napangisi nang makita ko ang pagkabura ng yabang sa pagmumukha niya at napalitan ng pagtataka. "What? Answer me, kailan ka pa naging chismosang babae?"

Bahagya akong napaatras nang bigla na lang niyang mas inilapit ang kaniyang pangit na mukha sa akin hanggang sa halos magdikit na ang mga ilong namin!

"Are you implying that I'm gay?" bulong niya sa mukha ko. Halos mapapikit pa ako nang tumama sa mga labi ko ang mainit niyang hininga  na parang kumiliti pa nga sa mga labi ko. I could sense something wasn't quite right with my body as I continued to feel his warm, fresh breath on my face. That manly fragrance from his cologne didn't help my racing heart either.

Rain in Summer Where stories live. Discover now