CHAPTER 1

191 122 30
                                    

Ugh, it's Monday again—my least favourite day of the week! I seriously dislike it because I have to wake up early just to go to school. Well, don't get me wrong, hindi naman sa ayaw kong pumasok pero pag lunes kasi ay ramdam na ramdam ko pa 'yong hangover ko sa weekend. Like, ilang days walang pasok, tambay lang sa bahay and then here comes lunes na nagpapaalala sa 'yong gigising ka na naman ng early para hindi ma late sa school.

Anyway, I'm already here in school; my very annoying brother sent me here before going to his own class. He's already in college, by the way. We're still at the same school but on a different campus since the college department is separated from the high school department.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building namin nang bigla na lang may dumamba sa akin from behind.

"Haru!" tumatawang sabi ni Kim na sumabay sa akin sa paglalakad, nakasunod naman sa kan'ya si Aljur na dala dala pa ang kaniyang bag.

"Good morning, Haru" bati niya nang maabutan niya kami.

"Good morning, kadarating n'yo lang din?" tanong ko.

Aljur and Kim have been my friends since elementary. We all went to the same school, and way back then, we made a promise to be classmates all the way through high school. Pero ngayon ay nahiwalay sa amin si Aljur dahil pareho kaming HUMSS ni Kim habang siya naman ay STEM. Nevertheless, ginagawan pa rin namin ng paraan para magkaroon kami ng time para sa isa't isa.

"Yeah! Nakalimutan kong Monday na pala kaya nagulat na lang ako nang sumulpot itong si Aljur sa bahay kanina," maarteng sagot ni Kim habang tinitignan ang makukulay at mahahaba niyang kuko.

Napangisi naman ako nang magawi ang tingin ko kay Aljur. Iniiwas niya na magkasalubong ang mga tingin namin at hindi nakaligtas sa mapanuri kong magagandang mga mata ang pamumula niya. My smile widened nang may bigla akong naisip na kalokohan.

"Bakit naman hindi mo ako dinaanan, Al? Don't you think you're being unfair? Friends din naman tayo pero si Kim lang dinaanan mo." I said while pouting.

I'm not actually upset, in fact I'm genuinely happy for him. I've known about his feelings for Kim for a while now; he's just been hesitant to confess because he values their friendship too much. And aside from that, pareho rin naming alam kung gaano ka maligalig itong babae namin kaibigan. Kung sino sino na lang kasi ang nagiging crush nito sa campus at iilan na rin ang naging boyfriend. There were times na gusto ko na lang sabihin sa kan'ya na gusto siya ni Aljur pero ayoko namang pangunahan 'tong isa. Well, malalaki na naman sila kaya kaya na nila 'yan.

"Hey! I suggested picking you up, but he insisted not to because he knows your brother will be dropping you off here," nakanguso ring sabi ni Kim sabay sulyap kay Aljur at inirapan ito. Palihim na lang akong natawa sa kanilang dalawa.

Hays, sana naman umusad na 'tong dalawang 'to. O kahit magkaro'n man lang sana ng improvement!

"Hay naku! Tara na nga at baka ma late pa tayo," sabi ni Kim saka kami hinila ni Aljur pero siempre nahiwalay din siya sa amin since nasa kabilang building ang classroom niya. Ihahatid niya pa nga sana kami sa door ng room namin kaso tinawag na siya no'ng mga kaklase niya at pinagtulakan na rin naman siya ni Kim kaya ayon, kawawa. Hahahah.

Pagdating sa classroom; may mangila ngilang estudyante na. Iyong scenario ay 'yong typical na makikita mo sa classroom ng mga high school. May kaniya kaniyang grouping at kaniya kaniyang chismiss din. Ang mga girls ay nagbabasa, 'yong iba nagre-retouch ng mga make ups, whilst 'yong iba naman ay nagchichismissan na may kasama pang tili. Hindi ko na nga napigilan ang pag irap at pag simangot dahil nangunguna sa pag tili itong si Danika na akala mo bulateng binudburan ng asin dahil halos mangisay pa. She's always like that naman pero parang mas lumala siya ngayong araw na 'to. Habang ang mga boys naman ay nagkakantahan. Napapangiwi pa ako dahil 'yong isa feel na feel ang pagkanta with facial expressions pa, buti na lang talaga at may ibubuga ang boses niya.

Rain in Summer Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ