Chapter 18

569 20 2
                                    

Syempre, hindi ako pumayag sa gusto ni Gave. Isang malaking kabal*wan kung maniniwala ako na totoong nagsiselos si Kinse. Sigurado akong nainis lang siya dahil nag-aalala rin siya na baka ano nang nangyari kay Gave. Sinamahan niya ako sa gubat kahit umuulan ng malakas. Tapos malalaman lang din niya na nandito lang pala galing si Gave sa kubo namin.

Nang pumasok na kami ni Gave ay hindi kami kinausap ni Kinse. Pagkatapos niyang magbanlaw, diretso na siya sa kuwarto niya at hindi na lumabas pa. Hinayaan ko na lamang siya, ito naman si Gave kinukulit parin ako. Pero hindi ako nagpapadala sa kalokohan niya.

Kami na lamang ang bumalik ni Gave sa Kampo, hindi na namin niyaya pa si Kinse. Dahil baka ngayon ay naiinis parin siya kay Gave.

Huling gabi na pala namin ngayon dito sa Camp Hugot at bukas ay lunes na, babalik na kami sa Manila. Kaya kami pinababalik nina Trixie at Trisha sa Kampo ay upang dumalo ng isasagawa nilang farewell party para sa amin at magbo-bonfire na rin.

Kaya sinabi namin ni Gave na susulitin na namin ang gabing ito, dahil alam namin matagal na naman kami makakapunta dito  sa Camp Hugot.

Bakas sa mukha naman ng mga kasama namin ang lungkot nang malaman nilang hindi sumama si Kinse. Ngunit hindi doon naudlot ang aming kasiyahan, ipinagpatuloy parin namin ang farewell party na inihanda para sa amin nina Trisha at ang paggawa ng malaking bonfire.

Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-anong bagay. Ibinahagi rin namin sa kanila kung ano ang aming naging karanasan sa ilang araw namin dito sa Camp Hugot. Syempre masaya kami at hindi rin talaga namin makakalimutan ang mga masasayang ginawa namin sa lugar na 'to na kasama silang lahat.

Hinihiling ko na  sana magkita-kita pa kaming muli.

Matapos ang ilang oras ng aming pagbabahagi. Nakaisip na naman ng laro si Trixie, pero di tulad kanina na kailangan ng matinding effort para matapos. Ngayon ay simple lang na laro na makakadagdag kasiyahan sa aming pagtitipon-tipon.
Tulad ng Spin the bottle at Truth Or Dare.

Nang magsawa sa aming nilalaro ay nagsi-upo kami sa harap ng mahabang lamesa na pinaglagyan kanina ng mga pagkain namin. Nagsimula silang magkantahan habang may isang gumagamit ng gitara. Syempre nakisali na rin kami ni Gave sa pagkanta. Doon ko nalaman na maganda pala ang boses ni Gave. Dahil nakakasabay siya kina Trisha na maganda rin ang boses. Minsan napapatingin pa sa kaniya ang iba naming mga kasama habang pasekreto siyang kinukuhanan ng video.

Ito ang kauna-unahang beses na narinig kong kumanta si Gave. Ang masasabi ko sa boses niya ay sobra itong nakakabighani. Magkakaroon ka talaga ng paghanga sa kaniya kapag marinig mo ito. Tulad ng mga ibang babae na kasama namin ngayon na pinipigilan ang kanilang mga kilig habang tutok na tutok sa kumakantang si Gave.

Ewan ko ba, sa tuwing tumitingin siya sa akin habang kumakanta ay bumibilis ang kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang naman ulit ito naranasan.

Gantong-ganto ang epekto sa akin ni Gave nang nasa Highschool pa lang kami. Sekreto ako dating kinikilig sa tuwing umaakbay siya sa balikat ko at kapag nasa tabi ko siya. Pero nang umalis siya, nawala ang sparks na iyon.

Pero bakit nararamdaman ko ulit ang epektong iyon na dulot niya sa akin? P..posible ba na bumalik iyong nararamdaman mo sa isang tao na matagal mo nang hindi gusto?

Mahina akong napasinghap nang sekretong hinawakan ni Gave ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.

While singing, I saw a beam of sweet smile on his lips.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa sobrang pagkailang sa ginawa niya. Pinilit kong kumilos ng normal sa harap ng mga kasama namin. Inisip ko na lang na hindi nangyari iyon. Nakisabay parin ako sa kanila sa pagkakanta ganun din ang ginawa ni Gave.

The Heartthrob Is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon