Hindi sya sumagot. Nasa pagkain ang tingin nya habang maingat na hinihiwa ang beef steak na nasa plato nya.

"Baka nagugutom na sila, Akill. Puwede naman silang sumabay sa atin kumain eh, tsaka madarami rin naman to. Hindi natin mauubos lahat ng to."

Tinignan ako ni Akill. Parang gusto ko na lang saksakin ang dibdib ko ng tinidor na hawak nang maramdaman ko na naman ang hindi normal na pagtibok ng puso ko.

"N-naisip ko lang, kasi di ba..." pilit akong nangangapa ng isasagot. "maghapon silang nagtatrabaho, baka nagugutom tsaka pagod na sila hehe."

Tumingin sya sa dalawang maid na nasa gilid namin dahilan para mapalunok ang mga ito.

"Sir Akill, ayos lang ho kami---"

"Join us." he said full of authority.

Napangiti ako. Nahihiyang lumapit sa dinning table ang dalawang maid at maingat na kumuha ng pinggan. Tahimik silang bumalik sa kaninang pwesto nang makasandok na ng pagkain. Hindi ko na rin binalak na kulitin sila na makiupo pa sa amin dahil baka hindi sila komportable.

Samantala, ramdam na ramdam ko naman ang titig sa akin ni Akill. Ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin at tahimik na lamang na kumain. Naging tahimik na ang aming pagsasalo haggang matapos iyon.

"Manang, accompany her to her room." si Akill nang matapos kaming kumain.

Tinanguan lamang sya ng matanda na sa tingin ko ay mayordoma ng mansion.

"I need to go back to the company, I have important things to do." saad nya, pinunasan nya ang bibig gamit ang table napkin bago tumayo. "Babalik ako agad. Stay here and don't you dare go somewhere else."

Tinanguan ko lamang sya bilang sagot. Naglakad na sya palabas ng dining area habang sinamahan naman ako ni manang sa magiging kwarto ko.

"Napakasuwerte sayo ni sir Akill, ang ganda nyo ho, ma'am."

She said while we're heading up to the grand staircase.

"S-salamat po." nahihiyang sagot ko. "Wag nyo na po akong tawaging ma'am, Illara na lang po."

tumango ito. "Ilang taon ka na ba?"

"20 po."

"Napakabata mo pa pala, Illara."

"Opo. Actually, birthday ko nga po ngayon, eh."

"Kaya pala kanina, bago umalis ng mansion si sir Akill ay aligaga ang mga nasa kusina, marahil ay inutusan nya ang mga ito na ipaghanda ka."

Nakagat ko naman ang labi sa narinig.

"B-baka hindi naman po."

"Ay naku! halos hindi nga namin yan masilayan dito sa mansion. Dahil kung hindi naman gabing gabi umuuwi, napakaaga namang umaalis. Ni hindi nga rin yan kumakain dito, eh. Kaya ganon na lang ang pagtataka ko na makitang dito yan ngayon na nanghalian. Kung hindi mo rin kasi alam ay talagang napakaworkaholic nyan ni sir Akill, halos 24/7 yang nagtatrabaho. Masyadong busy at walang oras magsaya. Parang ginawa na ring mundo ang pagtatrabaho kaya ni minsan ay wala yang nadalang babae rito o naipakilala man lang sa lolo nya, kaya siguro walang ibang choice si Don Haderous kundi ang ipitin ang apo sa sitwasyon na mapapapayag ito." mahabang paliwanag nya.

Hindi ako umimik, naghintay pa ako ng maaaring sasabihin nya.

"Nag-iisang apo at anak lang rin kasi yan si sir Akill at taga pagmana rin ng lahat ng mga ari-arian kaya siguro minamadali rin ni Don Haderous ang apo sa pagpapamilya. Sayang rin kasi kung mawawala ang angkan ng mga Bloodmore, bukod sa isa mga maimpluwensiya ay napakaganda rin ng lahi." tumingin sya sa akin. "Kaya sana ay biyayaan na agad kayo ng supling." nakangiti nitong sabi. Naubo naman ako sa narinig.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum