Ang nagniningning na mga mata ni Atong ay halos lumuwa sa pagkagulat. "Uy, gago masaksak mo nga ako!"


Napaatras ito pero seryoso ang mukha na umabante rin ako. "Alam mo bang kahit saksakin kita, walang maniniwala sa 'yo kapag isinumbong mo ako? Alam mo kung bakit? Unang-una, nasa lowest section ka, may record pa sa guidance. Eh, ako?" Itinaas ko ang aking ID gamit ang isang kamay. "Nakikita mo ito? Nasa special section. Kilala ako ng mga teachers na mabuting estudyante."


"Nagdyo-joke ka lang, di ba?" Sinimulan na itong pagpawisan.


"Bakit, natatakot ka ba?" Inalis ko ang patalim sa tagiliran niya at itinutok na lang iyon sa akin. "What if sarili ko ang sugatan ko at sabihin ko na ikaw ang may gawa? Natatakot ka pa rin ba?"


"B-baliw ka ba?!"


"Ano ang mas gusto mo, taba? Magkagripo o tuluyang masuspende at makasuhan pa dahil nanaksak ka ng graduating student mula sa science class?"


Tagaktak na ang pawis ni Atong nang mula sa building ng Grade 11 ay may matanaw ako. Si Asher na ngayon ay nakatingin na rin sa amin habang salubong ang mga kilay.


"Hoy!" sigaw niya dahil nakitang kasama ko si Atong.


Bigla kong itinago ang aking teddy bear slash secret weapon. Ang malamig na ekspresyon ko ay agad kong pinalitan ng ekspresyong malambot at may halong takot. "A-Asher," garalgal na sambit ko sa pangalan niya sabay hikbi pa.


Si Atong ay napapantastikuhan naman sa biglang pagbabago ng mukha ko. Napabulalas ito. "Putangina..."


Inilang hakbang ni Asher ang pagitan namin saka ako hinawakan sa braso. "Anong ginawa sa 'yo?!" pasigaw na tanong niya.


Nangangatal naman ang mga labi na humawak ako sa kanyang braso. "W-wala... Wala pa, kasi mabuti dumating ka. P-pero bigla niya akong nilapitan kanina. Parang may sasabihin siya," sumbong ko habang mababasa ang takot sa aking mga mata.


Madilim ang mga mata na hinarap ni Asher si Atong. "At anong sasabihin mo sa girlfriend ko?"


Si Atong ay nginisihan ko nang tingnan ako, pero agad ko ring binalik ang takot na ekspresyon dahil baka lingunin ako ni Asher.


"G-girlfriend?" gulat na tanong ni Atong. "Girlfriend mo iyan?!"


"Oo, girlfriend ko, may angal ka?" Nakataas ang noo at maangas na balik ni Asher dito. "Girlfriend ko ito, kaya anong sasabihin mo sa girlfriend ko?!"


"W-wala! Wala akong sasabihin!" agad na tanggi ni Atong. "Wala akong ginagawa riyan! Siya nga ang may balak na—"


"Asher, hayaan mo na!" naiiyak na awat ko kay Asher. "H-hindi naman na siguro siya lalapit sa akin dahil alam niya ng girlfriend mo ako. Natakot lang talaga ako sa kanya kanina."


Iyong gulat at pagkakangiwi ni Atong ay wala nang mapaglagyan. Iiling-iling ito na umatras na. "Putangina, wala akong kinalaman sa inyong magsyota!" Sabay takbo na nito palayo.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now