"Ma, si Asher po." Hindi ko pa ipinakilala na boyfriend ko, hindi naman nag-usisa si Mama. Gayunpaman, kakaiba ang mga tingin at ngiti nito. Halatang simpleng nang-iintriga.


Proud naman ako na papasukin sa bahay namin si Asher. Hindi man malaki ang bahay namin ay malinis naman. Proud na proud din ako na ipatikim sa kanya ang masarap na luto ni Mama. Ang ulam namin ngayong gabi ay chicken humba.


"Sa iisang school pala kayo," ani Mama habang nasa hapag kami.


"Nanay niya rin ang kahera ni Tita Judy sa Buenavista, Ma."


"Siya nga?" Napangiti si Mama. "Pambihirang pagkakataon, ano?"


"Oo nga po," magalang na sagot naman ni Asher. Mukha namang feel-at-home na siya, kasi pangalawang dagdag na niya ng kanin.


Pagkatapos kumain ay nagpaalam na rin si Asher. Eat and run siya. Hanggang sa labas ng gate ng bahay lang namin. Ayaw niyang magpahatid sa mismong gate ng subdivision dahil gabi na raw.


"Mabait ba ang mama ko?" tanong ko sa kanya.


"Oo. Pero nakakakaba pa rin. First time ko, e."


"Ingat ka!" Kumaway ako habang habol ng tingin ang paglayo niya.


Wala na si Asher ay nakatanaw pa rin ako sa daan. Hindi pa ako titinag kung hindi pa may tumikhim sa aking likuran. Sa likod ko ay naroon pala si Mama.


"Mukha namang mabait na bata," komento ni Mama na nakatingin din sa daan na dinaanan ni Asher. "Halatang may pagka-pilyo, pero marunong rumespeto."


Masayang niyakap ko si Mama. Sabay na kaming pumasok sa loob pagkatapos.



SI ATONG-TABACHOY!


Tapos na ang klase namin at hinihintay ko si Asher sa may quadrangle nang makita ako ni Atong. Ayon kay Asher ay na-suspende raw ito at ang mga alipores nito noong mga nahuli. Matapos ang dalawang linggo ay naririto na ulit.


Dinuro agad ako. "Oy, ikaw iyong babaeng humila kay Asher noong nakaraan, ah! Ikaw iyong syota ko!"


Pumintig yata lahat ng ugat ko sa sentido dahil sa sinabi nito.


Ngingisi-ngisi ito paglapit sa akin. "Oy, baket ka andito, hinahanap mo ko, ano?"


Tumingin muna ako sa paligid bago ito nilapitan. Sa lace ng aking ID ay kinuha ko ang nakalambitin na maliit na teddy bear. Cute iyon pero kapag tinanggal ang ulo ay may maliit na patalim na lalawit. Pasimple ko iyong itinutok sa tagiliran ni Atong.


"Kapag sinaksak ko ito sa 'yo, magkakaroon ng puncture wound ang first layer ng taba mo."


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now