Chapter 10

7 2 0
                                    

Third Person Point of View

Mabilis ang at mabibigat ang mga yapak ni Jonah nang sa wakas ay matagpuan niya ang kinaroroonan ni Aeryn. Nang mapansin niya itong bumagsak sa lupa ay dumausdos siya patungo sa kaniya atsaka umupo sa tabi nito. Ilang beses niya tinawag ang pangalan ni Aeryn ngunit hindi ito sumasagot at patuloy lang ito sa pagsisigaw. Nang huminto ito sa pagsigaw ay sinuri niyang mabuti hanggang sa napansin niya na hindi na rin ito gumagalaw.

"Aeryn?"

Napaawang na lamang ang bibig ni Jonah nang makitang dahan-dahan na naging maputla ang mukha ni Aeryn. Hinawakan niya ang ulo nito at maingat niyang inihiga ito sa kaniyang hita. Hinawakan niya ang pisnge nito bago marahang hinaplos ang buhok ng dalaga habang patuloy na tinatawag ang pangalan.

Nanatiling tahimik si Aeryn. Hindi na ito gumagalaw. Hindi na rin ito humihinga.

"A-Aeryn..." Bulong niya. "Teka lang...Aeryn..."

Inilipat niya ang kaniyang isang kamay upang pakiramdam ang pulso nito sa kaniyang leeg at kaniyang pala-pulsohan. Ibinaba niya rin ang kaniyang ulo upang suriin ang hininga nito ngunit wala siyang naramdaman o naririnig galing kay Aeryn.

Kahit nanginginig ang kaniyang mga kamay ay sinubukan niyang ilagay ang kaniyang kamay sa tiyan ng dalaga upang pigilan ang pag-agos ng dugo nito. Mabilis niyang pinunit ang manggas ng kanyang damit at idiniin ang sugat, umaasang pipigilan nito ang pagdurugo.

"Aeryn, wake—Fuck! Wake up, Aeryn!" Hinila niya ito palapit sa kanya at inilapit ang tenga sa dibdib nito, umaasa na maririnig niya ang puso nito. "A-Aeryn, please don't do this to me."

Walang anumang pintig ng puso. Wala siyang marinig. Hinawakan niya ang malamig niyang kamay at humagulgol habang sinubukan niyang tumayo habang karga niya ang katawan ni Aeryn. Sa sandaling iyon ay dumating si Grim na may nanlalaking mata nang mapagtanto niya ang sitwasyon.

"Let's go to the infirmary. We have to hurry!"

Wala na siyang pake na sumisigaw siya habang kausap niya ngayon ang leader ng organisasyon. Natatakot siya na kapag mag-aaksaya siya ng oras ay talagang babawian ng buhay si Aeryn at hindi niya mapapatawad kung mangyari iyon.

Mabilis na gumawa ng portal si Grim. Saglit na napatingin si Jonah sa bunton ng abo na nasa lupa at napagtanto ang sakripisyong ginawa ni Aeryn. Agad niyang sinisi ang kaniyang sarili dahil hinayaan niya ang dalaga na pumunta sa kalaban ng mag-isa kahit na alam niyang delikado ito. Ngunit sa pagkakataong iyon, alam niyang hindi siya dapat magkaroon ng anumang kahinaan sa sandaling iyon, at dapat ituon ang kanyang atensyon kay Aeryn.

Nakarating sila sa infirmary ng kanilang headquarters at maingat na inilapag ni Jonah ang kanyang katawan sa kama. Nagmamadaling pumasok ang doktor at mga nurse matapos silang tawagin ni Grim at agad na inasikaso si Aeryn.

Nanginginig pa siya habang nakatitig sa doktor at mga nurse na sinusubukang buhayin si Aeryn. Nagsimula siyang pawisan ng todo at ang kanyang tibok ng puso ay napakalakas at mabilis sa takot sa kung ano ang malapit nang mangyari. Namumula ang kanyang mukha nang pigilan ang sarili sa pag-iyak at patuloy na humahawak sa kanyang buhok upang makaramdam ng sakit sa ibang lugar, at hindi sa kanyang puso.

Hinayaan niya ang mga luha niyang umagos sa sakit na nararamdaman niya. Halos mabaliw siya kakahintay sa kung ano ang sasabihin ng doktor. Ngunit ayaw niya man magkaroon ng negatibong pag-iisip, alam na niya agad ang resulta ng makita ang ekspresyon ng doktor.

Napatingin ulit si Jonah kay Aeryn atsaka niya lang napansin ang nangyari sa balat nito. Hindi man siya sigurado sa kung ano ang nangyari sa kaniya pero ayon sa nakikita niya ay parang may nangyari sa mga ugat nito. Pulang-pula ito at parang nasunog. Ngunit hindi naman nadamay ang balat nito, tanging ang ugat lang nito sa loob.

The Tale of Aeryn Glaze (Tag-Lish Version)Where stories live. Discover now