Chapter X

40 7 0
                                    

—-

With consistency and hard work, I remained on top

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


With consistency and hard work, I remained on top. Ako ang top student ng aming department with general weighted average of 1.11. Pinakamataas iyon sa aming paaralan at sinundan naman iyon ni Tephen na 1.13. Dikit na dikit talaga ang aming scores at grades. Nalamangan ko lamang siya sa Law at nalalamangan naman niya ako sa Accounting.

Sa pagtatapos ng ika-unang semestre o first semester, kapansin-pansin ang distansya ni Tephen at Ivy.

"Sabi sa inyo, past time lang ni Tephen si Ivy eh!" Bulalas ni Ivan habang kumakain kami sa cafeteria. Kakatapos lang kasi naming mag-asikaso ng aming clearance.

"Ang dami mong alam. Mag-toothbrush lang hindi!" Sagot naman ni Melanie kaya nagtawanan kami ni Maricar at Diana na naging ka-close ko ngayong semester.

"Kapal mo! Kahit dito ka pa tumira!" Rebate naman ni Ivan. Muli ay napatawa nalang kami.

"Eh 'di napaaga naman ang buhay ko sa gano'n?" Pang-aalaska pa ni Melanie.

Ganoon lang parati ang routine ko. Medyo sumasama na ako sa iba dahil mahirap din naman parati ang mag-isa. Nga lamang ay hindi ako ganoon ka-talkative. Si Ivan at Melanie lang parati ang nagbabardagulan.

Buwan ng Disyembre. Abala ang lahat sa planong Christmas Party pero ako, hindi ko iyon inaabala dahil iniisip ko kung paano ko isi-survive ang holidays gaya ng pasko at bagong taon na mag-isa. Ito na siguro ang pinakamalungkot na holidays ng buhay ko kung sakali.

"Ikaw, Belen, what are your thoughts about Monito-Monita?" Tanong ni Tephen sa'kin at nag-thumbs-up lamang ako.

Bakit niya na ako kinakausap?

After giving hum a thumbs-up, I decided to give him a look—what the fuck look and he smiled as a response. Nilalandi ba niya ako?

Long day of preparation, wala rin namang napagpasyahan na Christmas party. Napagkasunduan na lang ng klase na mag-swimming sa Pansol sa Calamba, Laguna.

"Pass muna ako," I uttered. Mas gusto ko kasing mag-work na lang para double pay.

"KJ mo," sabi ni Maricar.

"Sorry," sabi ko.

"Melanie, bawi na lang ako sa inyo," iyon ang sabi ko at naunawaan naman nila.

Gusto ko sanang sabihin na magtatrabaho ako no'n pero hindi ko nagawa dahil ayokong isipin nila na kailangan kong magtrabaho kaya hindi ko piniling sumama sa kanila. Ayoko naman ng gano'n.

Ayoko ng kinakaawaan.


Bisperas ng pasko. Wala akong duty kaya binabad ko ang sarili ko sa pagbabasa ng kahit ano pero ang totoo ay wala naman talagang pumapasok sa isip ko kaya naman mas minabuti kong tumambay sa tabing dagat.

Sakto namang nandoon na ako ay biglang bumuhos ang ulan at kasabay din no'n ang pag-agos ng mga luha sa aking mukha. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang 'tong naramdaman. Basta ang alam ko, malungkot ako.

If only rain could wash away my pain, I will dance in storm unrestrained. Hindi ako magrereklamo.


Umikot sa bahay-trabaho ang mga nagdaang araw kaya naman ngayong araw ng pasko ay masaya akong nanonood sa mga magkakaibigan na kumakain. Mayroong family. Mayroong mga magkasintahan ay may mangilan-ngilang nag-iisa gaya ko.

Hapon ang duty ko ngayon at sa cashier ang work station ko ngayon. Sobrang daming tao pero mas isang taong nagpabagal ng mundo ko.

"What's your order, Sir?" Si Tephen ang taong iyon. He's wearing a sando na pantone ang kulay at may tote bag siyang hawak sa gilid. Naka-relos din siya na nagpaganda ng aura niya. Simple. Gwapo.

"Hanggang ano'ng oras ka rito?" Tanong niya kaya napaisip ako.

"Sir, order niyo po," iyon ang sinagot ko.

"Dalawa nito, niyan at noon," pagtuturo niya.

"Two Large fries, two spicy chicken, two cheese burger, and two up-sized iced tea," pag-uulit ko kay Tephen ng order niya.

Tumango lang siya at ako na mismo ang nagdala ng order niya sa table niya.

"Merry Christmas!" Bati niya sa akin at nakangiti pa siya. 'Yang ngiting 'yan na naman!

"Merry Christmas!" Bumati ako pabalik at ngumiti ako.

"Matagal ka pa ba?" Tanong niya.

"Ten minutes na lang. Bakit?" Tanong ko naman.

"Samahan mo'kong kumain dito," sabi niya at napatingin ako sa mga order niya. Kaya pala napakarami niyang in-order at lahat ng iyon ay doubled.

Napalunok ako.

Out of all the people na bumati sa'kin ngayong araw ng pasko, hindi ko inaasahang ang pagbati ni Tephen ang magpapalambot ng puso ko ng ganito.

Muntikan ng pumatak ang mga luha ko pero pinigilan ko dahil ayokong makita niyang apektado ako sa presensya niya; sa ginawa niya.

He wants me to eat with him.

Kahit may ilang minuto pa'ko na duty ay agaran na akong magpalit at naglinis. I thanked and greeted everyone bago ako dumiretso kay Tephen.

I sat beside him. I immediately smelled his scent. Napapikit pa ako ng ilang segundo.

"Salamat, Tephen!" Sabi ko. "You never failed to amazed me." Nginitian ko siya and he smiled back.

"Kumusta ka na?" Tanong niya.

"Maayos lang ako," sagot ko. "Sometimes, I felt alone pero kinaya naman," sabi ko pa and his eyes began to touch my inner soul. Ang sincere ng tingin niyang iyon.

Ang dami kong kilalang tao pero siya lang talaga 'yong unang taong nagtanong kung okay lang ba ako. Kung kumusta na'ko.

"Ikaw, kumusta ka? Hindi ka sumama sa outing?" Tanong ko kasi alam ko ay 25 ngayong gabi ang alis nila papuntang Laguna.

"Miss ka," aniya at tumingin pa siya sa akin. "Miss na miss," sabi pa niya.

"Kinakamusta kita. Hindi ko tinanong kung miss mo ba ako," panunuya ko.

"Bakit, hindi mo ba'ko na-miss man lang?" Tanong niya.

"Pwede na rin," sabi ko at lumabi siya na parang bata.

Today, I'll let him have me and I'll let him enjoy my company.

"Kidding aside. I really missed you a-lot," and I hugged him.

Itutuloy...

Waves of Life (BXB 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon