Chapter VI

52 8 0
                                    

—-

Sabi nila, kapag daw pagod ka na, madali raw magpahinga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sabi nila, kapag daw pagod ka na, madali raw magpahinga. Pero for someone na maraming nakalinyang pangarap, parang hindi dapat uso 'yong pahinga.
It's a luxury to rest.

Ang bilis bilis talaga ng panahon. It's been a month simula noong umalis ako sa bahay. I learned to budget my money more. I also learned not to be picky on food.

"Gian, pengeng papel," sabi ni Melanie na nasa likod ko. May long test kasi kami ngayon.

I gave her a one whole sheet and she mouthed 'thank you'.

As usual, I got the perfect score and I hate to admit this, pero hindi na talaga mawawala sa'kin 'yong pagsusunog ng kilay.

"Ang galing mo talaga!" Sabi ng ilan kong mga kaklase. Kung alam lang nila ang hirap para lang makapag-review ako ng maayos kagabi ay baka mahilo sila. Paano ba naman kasi ay alas dose na ng madaling araw ay may nagka-karaoke pa sa kabilang kalsada. Sobrang lakas ng tunog kaya naman nag-adjust na lang ako. Alas tres hanggang alas sinco ako nag-aral.

Isa sa mga toxic traits din ng mga Pilipino talaga ang pagiging insensitive paligid nila. Makapagsaya lang, sasagasa sila ng peace ng iba. Hindi na nila naisap na baka may naaabala sila o kaya naman ay baka may nagagalit na sa kanila. May tamang oras naman kasi ang pagka-karaoke. Hanggang ten lang. Mahirap ba 'yong sundin?


Naging routine na lang din talaga ang nangyayari sa buhay ko. Uwi sa apartment, mag-aaral, pasok na naman sa school kinabukasan.

One afternoon, I got very sick kaya hindi ako nakapasok sa trabaho na naintindihan naman ng manager ko.

I was about to text Melanie na puntahan ako sa bahay pero naisip ko na magiging burden pa'ko sa kanya lalo na't babae siya at malayo ang bahay niya mula rito sa apartment.

Mula sa isang araw na lagnat ay naging dalawang araw. Mabuti na lang talaga at sanay akong alagaan ang sarili ko kaya hindi na ako nahirapan. Kahit naman noong nasa bahay pa ako kasama ang family ko, ako lang din ang nag-aalaga sa sarili ko dahil kapat nagkasakit ako. Sermon lang ang inaabot ko kapag nagsabi ako.

The moment I felt good and light headed, I eventually promised myself na mas aalagaan ko pa ang sarili ko para hindi ako magkasakit.

"Tephen, why do you like swimming so much?" Random na tanong ko habang nasa pool area kami ng school. Nasa gilid lang ako actually at si Tephen naman ay nag-eensayo. Malapit na rin kasi ang laban nila.

"It relaxes me. Kapag nasa tubig ako wala akong ibang iniisip kundi ang mag-move forward," sabi niya at ngumiti siya sa'kin bago niya ako sinabuyan ng tubig.

"Tephen!" Sigaw ko at tumawa lang siya.

Since wala naman ng klase at half day lang kami ay tumambay ako kasama si Tephen. Wala pa ang iba niyang kasamahan kaya napilit niya ako. Gabi pa rin naman ang pasok ko sa part time job ko.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now