Chapter II

67 10 0
                                    

After a long night of crying medyo gumaan ang pakiramdam ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After a long night of crying medyo gumaan ang pakiramdam ko. I was able to find myself again. I was able to regain my reasons on why I love this life. Kung bakit ba ako nagpapatuloy at kung bakit ba kailangan kong mabuhay.

P.E subject namin ngayon pero nakalimutan kong dalhin ang P.E ko kaya ito ata ang unang beses na liliban ako sa klase. No P.E uniform kasi, no attendance. Saklap!

"Absent muna ako," sabi ko kay Melanie.

"Why?" Tanong niya.

"Nakalimutan ko ang P.E uniform ko," sagot ko naman.

"Oh siya, mauna na kami. Hindi kami sanay na wala ka sa klase. Kainis ka!" Sabi ni Melanie at tiningnan niya ako ng may simpatya bago umalis.

Habang nakaupo ako at nag-iisa sa classroom ay nag-relapse na naman lahat sa utak ko. Nakakalungkot pero I need to find my own happiness.

"Ikaw na muna ang gumamit ng P.E ko. Exempted naman na'ko sa P.E dahil part ako ng varsity," biglang sabi ni Tephen na nasa likuran ko lang pala.

Pinatong niya sa balikat ko ang P.E uniform niya at dalawang beses akong lumunok bago ko iyon isuot.

Literal na lunok pride ang ginawa ko. Ayokong ma-deduct-an ang grade ko dahil sa isang absent. Hindi naman ako athlete dahil matagal ko nang itinigil ang pagsali sa sports dahil distraction lamang naman iyon sa'kin, sabi ng parents ko.

"Pa-dry-clean ko na lang pagkatapos," sabi ko kay Tephen hanang isinusuot ko ang P.E niya.

Medyo malaki iyon sa akin pero hindi ko na kailangang mag-inarte pa. Hindi ko na rin inisip na may tao sa likod ko. May shorts naman akong pang-ilalim. Na-expose lang ang likod ko pero hindi naman iyon big deal sa akin.

"Sige," iyon ang sabi niya at tinitigan niya ako habang naglalakad papalabas ng klase.


"P.E ni Tephen 'yan ah! 'Di ba ayaw mo ro'n kasi nasasapawan ka sa ibang subjects?" Sabi ni Melanie.

"Hindi ko kaingang magpaliwanag. Basta ang mahalaga ay hindi ako magka-absent," sabi ko.

"Ikaw na 'yan eh!" Natatawang tugon ni Melanie at nag-focus na lang kami sa pagba-badminton na main sports ko. Hindi ko na lamang nga naituloy dahil ayaw ng parents ko. Binali pa nga nila ang raketa ko noong high school ako at ayoko ng maulit pa iyon.


Mabilis naman na lumipas ang araw. Birthday ng bunso namin ngayon. Nagplanong lumabas ang family pero wala akong balak na sumama. Ni hindi rin ako nag-abalang bumati. Noong birthday ko nga walang bumati, ganoon din ang gagawin ko.

"Aalis na kami, kuya. Hindi ka ba sasama?" Tanong ni James mula sa labas ng kwarto ko.

I did not respond. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko at paghahanap sa account ni Tephen. Balak kong ibalik ang P.E uniform niya.

Ayokong makita at makausap pa siya sa school at lalong ayokong magkalapit kami.




Me: Busy ka ba?

Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas ang Tephen Bartolome replied to your message.

Tephen: Hindi naman. Why?

Me: Kita tayo sa tapat ng school. Babalik ko ang P.E mo.

Tephen: sige. After lunch.



Dahil sa school lang naman kitaan namin ay nagsuot na lang ako ng maong shorts at white oversized na shirt. Nag-cap na lang din ako at pinili kong magbisikleta.

Nang makarating ako sa tapat ng university ay wala pa si Tephen pero mayamaya lang din ay nakita ko na siya. Nakasakay siya sa road-bike at gaya ko ay nakasumbrero at oversized shirt din siya. Nagkaiba lang kami sa pambaba dahil naka-cycling shorts siya at naka-cleats shoes siya.

"Gian Belen!?" Aniya na nagpabalik sa aking ulirat.

"Ah, salamat sa P.E uniform!" Mababang tono na sabi ko habang inaabot ko ang uniporme niyang ako mismo ang naglaba.

"Always welcome! Nga pala, tea muna tayo," paanyaya niya.

Hindi ako kaagad nakasagot.

"Libre ko, don't worry," sabi niya pa.
Since wala rin naman akong gagawin ay um-oo na lang din ako.

Akala ko ba ayaw mong maging ka-close? Napatanong na lang ako sa sarili ko.

Kaysa naman magmukmok ako sa bahay.

"Macha sa'kin," sabi ko sa cashier.

"Macha rin po sa'kin," nakangiting saad ni Tephen.

"Ako na ang magbabayad. Umupo ka na ro'n," sabi ko at ngumiti na lang na napakamot si Tephen sa ulo niya. Ang ingay pa ng sapatos!

"Sir, boyfriend niyo po?" Tanong ng babaeng kahera.

"Kaklase!" Diniin ko ang salitang iyong.

"Bagay po kasi kayo. Parehas matangkad at parehas sobrang gwapo!" Kinikilig pa siya.

"Past time mo bang mang-asar ng customer?" Casual lang din na tanong ko.

"Sorry po, Sir. Peace po tayo," natatawa pa ang huli kaya nang magawa niya ang order namin ay dinala ko na iyon sa mesa kung saan naroon si Tephen na maamong naghihintay sa order namin.

"Thanks sa macha! Favorite ko'to," nakangiting sabi ni Tephen. Favorite niya. Ayoko na nito.

"Don't get me wrong, Tephen pero I am not interested," sabi ko kaya nawala ang ngiti sa mga labi niya.

Lumampas ba'ko?

"Ah, Gian galit ka ba sa'kin?" Tanong ni Tephen bigla.

"Hindi. I just don't like you," sabi ko.

"Why?" Tanong pa niya.

"Because you are always on top. Ikaw ang parating best. Ako ang palaging buntot mo. Pangalawa ang I hate that!" Sabi ko pa.

"Competitive," sabi niya pero hindi ako nag-react.

"I am." Sagot ko.

"Ikaw na 'yan eh," sabi niya pa.

"Anyway, gravel bike ang gamit mo, 'di ba?" Tanong niya na nakangiti sa akin.

"Yes." Sagot ko.

"Ang sungit mo naman pero nice choice na rin," niya.

"Niyayabangan mo ba'ko ng road-bike mo?" Tanong ko.

"Hala, hindi ha!" Sagot niya naman and there. Nawala ang composure ko at natawa ako kasi nadumihan ng iiniinom niya ang kaniyang puting damit na suot.

"Lagi na pala akong magdudungis sa harap mo para naman tumawa ka. Rare moment 'to. Napatawa kita," aniya at napatigil na'ko sa pagtawa.

Hindi naman ako masamang tao at hindi rin siya pero I need to focus on my goals. Hindi ko dapat hinahayaang sumaya ang sarili ko kasi the last time na naging masaya ako, naging malungkot 'yong balik.

Parang pattern na lang talaga lahat sa buhay. Re-occurring pattern. Sasaya ka bigla pero later on mas triple pa 'yong lungkot na balik.

"Sige na, Tephen. Salamat uli!" Sabi ko bago ako tumayo at umalis.

Itutuloy...

Waves of Life (BXB 2023)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon