Chapter VII

48 7 0
                                    

—-

Sabi nila, you can only get better through action that is why kahit nakakaramdam na'ko ng pagod dahil sa pag-aaral at pagtatrabaho ay pinipili ko pa ring magpatuloy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.





Sabi nila, you can only get better through action that is why kahit nakakaramdam na'ko ng pagod dahil sa pag-aaral at pagtatrabaho ay pinipili ko pa ring magpatuloy. Hindi naman habang buhay akong nahihirapan. Someday, I know I can make it. Aayos din lahat at aayon din sa'kin ang alon ng buhay.

"Ang asim ng luto mo!" Panlalait ni Felix sa luto ni Peter na adobong baboy.

"Binagay ko lang sa muka mo!" Sagot naman ni Peter. "Nakikihingi ka na lang ng pagkain, ikaw pa'tong may ganang manlait. Kupal na'to."

Tumawa na lang ako sa asaran nila. Sabay-sabay kasi kaming kumaing apat nina Tephen. Nandito kami ngayon sa cafeteria ng campus.

"Hindi ka na mabiro eh," sagot pa ni Felix na maganang kumakain. Hindi naman talaga nila kailangang magdala ng pagkain dahil malalaki ang allowance nilang tatlo. Si Felix, Peter at Tephen. In fact, they came from a rich family. Si Tephen lang talaga ang may gustong magbaon sila ng pagkain para siguro ay hindi ako ma-out of place dahil kapag bumibili sila ay naglalabas lang ako ng packed lunch. May kamahalan kasi ang pagkain sa cafeteria.

"Penge ako ng ulam mo, Tephen," sabi ko at iniabot niya sa akin ang ulam niyang spam at pork steak.

"Here," aniya na nakangiti.

Upon eating his food, napangiti na lang ako dahil masarap iyon.

"Masarap?" Tanong ni Tephen and I just nod dahil masarap naman talaga.

"Penge rin!" Sabi ni Felix and hindi na siya nag-atubili pa at kumuha na rin siya.

Afternoon class came and puro reporting. Nakakaumay pero iyon talaga kapag outcome-base education ang program.
We do the reporting while nag-o-observe and nagpa-facilitate lang ang mga professors and instructors sa'min. If may mali ay itinatama nila. That's how OBE or outcome-base education works.

Last subject, Psychology. We were asked to work on group. Nagkaroon ng maikling debate about sa sikat na linyang 'customer is always right'.

"I do not agree na customer is always right." Panimula ko.

"And how did you say so?" Sabi ng instructor namin na si Sir Pasco.

"Displacement. Sometimes, ginagawang displacement ng mga customer ang mga nasa food service industry kasi alam nilang kahit ano'ng galit sa kanila, hindi sila babalikan. Kumbaga ginagawa nilang labasan ng sama ng loob ang mga crew and staff in a form of anger kahit hindi naman dapat kasi akala nila mas nakakataas na sila. So my point is, customer is not always right." Sagot ko.

"Who wants to oppose Mister Belen's claim?" Sabi ni Sir.

"Wala na, Sir! Si Gian na 'yan eh!" Sabi ni Melanie kaya nagtawanan ang mga kaklase namin. On the other hand, nakita kong nagtaas ng kamay si Tephen.

Waves of Life (BXB 2023)Where stories live. Discover now