Chapter 9

6 2 0
                                    

⊱∘──AERYN──∘⊰

They talked about that 'he' again.

Whoever he is, or what kind of creature it is, demon, or anything, the shadow demons seemed to be following him, under the same hold as the others. The two of them had made me feel a stronger force, stronger than what I felt when I fought against their likeness. That could mean they are from a higher rank.

Grim and I took a step back from the shadow demons as I took out my sword from my scabbard, the long steel blade with the color of silver shined through the night, and the hilt as black as the smoke that was on the shadow demon's body.

Itinuon ko ang tingin ko sa nilalang sa kanan ko at napahawak ng mahigpit sa hawakan ng espada ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanila, desididong labanan ang panginginig ng aking katawan.

"Aeryn," Tawag ni Grim sa pangalan ko, pero hindi ko siya nilingon. Nakatutok lang ang mga mata ko sa dalawang nilalang. "There were three of them with the same dark energy."

"What?" I whispered asking. I couldn't possibly know that. I was so caught up in my fear that I couldn't feel their energy. "What do you mean there were three?"

"I'll explain it to you after this. But for now, we'll have to stick together to defeat them."

Ang shadow demon na nasa aking kaliwa ay sumugod patungo sa amin gamit ang kanyang espada. Napahugot ako ng malalim na hininga sa pagkakataong iyon, handa na akong harangan ang pag-atake gamit ang aking sandata nang si Grim mismo ang gumawa ng aksyon. Napaatras ako palayo sa kanila, at sa mismong segundong iyon, tumakbo ang isa pang nilalang sa direksyon ko.

Ipinuwesto ko ang aking espada sa isang pahalang na posisyon para harangin ang kanyang pag-atake ngunit dahil sa kanyang lakas, napaatras ako at muntik nang matumba. Hindi tumigil ang nilalang sa pag-atake sa akin at sa ilang saglit, alam kong kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko bago ako gumawa ng counterattack. Nang makakita na ako ng timing para umatake pabalik, mas nilakasan ko pa ang galaw ng espada bago gumawa ng isang mataas na talon at ibinaba ang espada patungo sa nilalang.

Sa kabila ng ginawa ko, wala itong naging apekto sa kalaban ko. Madali lang niyang naharangan ang aking espada atsaka ako itinulak palayo. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngisi atsaka iniikot-ikot ang kaniya espada na para bang sinasabi niya sa akin na wala lang sa kaniya ang ginawa kong pag-atake. Aminado naman akong mahina ang naging atake ko. Malakas siya atsaka mabilis ang kilos niyang umatake at dumensa habang ako'y nangangalay na.

Sinubukan kong i-relax ang mga kamay ko at inayos ang pagkahawak ko sa espada. Iniharap ko ang aking kanang paa, bahagyang yumuko, at pagkatapos ay iniunat ang aking mga braso pasulong kasama ang espada.

I made an aggressive attack this time. Patuloy kong iginalaw ang katawan ko kasama ang espada ko at hindi na pinansin na natatamaan na ako ng espada niya. Pangalawa ko siyang natamaan sa balikat sa kaniyang gilid bago siya sumubok na lumayo sa akin. Hinayaan ko lang siya upang maibalik ko ang lakas ko.

"Such an incredible strength," he said, and when he wiped something off his shoulder, I noticed how the black smoke moved away from his touch and then returned when he removed his hand.

I pat a hand near my stomach and felt the liquid–my blood–coating my fingers as I thought hard about what I saw. If the black smoke was their magic and it is really where the poison came from, why would it move away from his touch but he can touch his sword that still has black smoke on it?

Pinunasan ko ang dugo sa mga daliri ko para mahawakan ko ng maayos ang espada ko habang nakita ko siyang itinaas ang kaniyang kamay. Akala ko ay humahanda na siyang umatake ulit pero bigla na lamang akong hindi nakagalaw. Telekinesis? Nanginig rin mga braso ko kaya nabitawan ko ang aking espada. Hindi rin ako makapagsalita at parang may malaking kamay na humawak sa akin na nagpapadikit ng mga braso ko sa gilid ng katawan ko.

The Tale of Aeryn Glaze (Tag-Lish Version)Where stories live. Discover now