Kiss

74 3 0
                                    

Abala ang bawat miyembro ng Student Council sa kanya-kanyang nakatalagang tungkulin sa kanila. May nakatalaga sa food stalls at taga-litrato sa photobooth. Ang iba naman ay nasa supplies area at registration area. Mayroon ding taga-organisa sa mga dumadating na bisita.

Si Sunoo naman ang taga-salubong sa mga pumapasok na bisita sa gym.

"Good evening po," bati ni Sunoo sa pamilyang pumasok sa loob. "Doon po ang registration area," pagturo ni Sunoo sa mahabang lamesa na nasa kanan niya.

Tumango naman ang pamilya sa kanya.

"Enjoy po," ngiti ni Sunoo sa mga ito at saka na dumeretso na ang pamilya sa registration area.

"Sunoo-ya!"

Agad na napalingon si Sunoo at saka na napangiti nang malawak. "Noona! Eomma!"

"Hindi na nakasama ang papa mo. Pagod kasi sa trabaho," saad ng mama ni Sunoo.

Ngumiti naman si Sunoo. "Okay lang, ma. Naiintindihan ko naman," aniya.

"In fairness ang cool ng setup ah!" puri ng ate ni Sunoo habang pinagmamasdan ang gym.

"Nandito ako e. Ako pa ba?" pagyayabang ni Sunoo.

"Tsss..." tauli ng ate niya at saka na napangiti.

Napangiti na lang din si Sunoo at saka siya napatingin sa kanan niya. "Jungwon-ah!" sigaw niya kay Jungwon na nakaupo sa registration area.

Napalingon si Jungwon sa kanya at saka na napatayo. Kinausap nito si EJ na katabi niya at saka siya nagtungo papunta kay Sunoo.

"Good evening po, eomoni!" bati ni Jungwon sa mama ni Sunoo.

"Good evening, Jungwon-ah. Nandito na ba ang magulang mo?" tanong ng mama ni Sunoo.

"Ah, opo. Nakapwesto po sila sa tabi ng magulang ni Ni-Ki. Kung gusto niyo po, sasamahan ko po kayo papunta roon para magkakatabi po tayo mamaya," sagot ni Jungwon.

"Sige," ngiti ng mama ni Sunoo.

"Sumunod po muna kayo kay Jungwon, ma," saad ni Sunoo. "Susunod po ako kapag nasa loob na ang lahat."

"Sige, 'nak," saad ng mama ni Sunoo.

"Tara po," pag-aya ni Jungwon sa mama at ate ni Sunoo.

Sumunod naman ang mga ito kay Jungwon.

Muling ibinalik ni Sunoo ang tuon niya sa nakabukas na pintuan ng gym. Hindi niya maiwasang malungkot nang bahagya habang inaabangan ang bawat papasok mula rito. Kahit alam niyang hindi darating si Sunghoon ay nagbabakasakali pa rin siya na isa siya at ang pamilya nito sa babatiin niya sa pintuang 'to.

Matapos ang ilang minuto ay napatingin si Sunoo sa relos niya. Labing-limang minuto na lamang ay magsisimula na ang unang pelikula. Namarkahan na rin ang lahat ng pangalan ng estudyante sa registration form maliban kay Sunghoon.

Napahinga na lamang nang malalim si Sunoo at saka siya nagtungo sa pwesto ng mama at ate niya.

Natutuwa naman si Sunoo habang nakikita na masayang nanunuod ang pamilya niya kasama na rin ang pamilya ng mga kaibigan niya. Minsan lang mangyari ang ganito. 'Yong magkakasama sila—nanunuod at nag-uusap habang walang iniisip na ibang bagay.

Masaya si Sunoo na makita ito. Pero hindi pa rin niya maiwasang malungkot at manghinayang. Napayuko siya at saka na pinisil sa mga kamay niya ang peach keychain na binigay ni Sunghoon.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now