Fox Versus Peach

73 5 11
                                    

Gamit ang ballpen ay itinuro ni Sunoo ang ekwasyon na nakasulat sa kwadernong nasa harapan ni Sunghoon.

"Uunahin mo munang i-solve iyong real numbers na nasa labas ng parentheses. So, isu-subtract mo muna iyang three at five, kaya magiging negative two times, open and close parentheses, three x minus eight," paliwanag ni Sunoo at saka na tinignan si Sunghoon na nasa tapat niya.

Kumunot naman ang noo ni Sunghoon at saka na napasandal. "Hindi ko pa rin gets," siphayo niya.

Napabuga ng hangin si Sunoo. "Ano bang hindi mo ma-gets? Kanina ko pa pinapaulit-ulit sa 'yo iyan e."

"Hindi ko ma-gets 'bat kailangan nating hanapin si eks! Magagamit ba natin iyan sa pang araw-araw na buhay? Pag nahanap ba natin si eks, mareresolba na din ang mga problema natin?"

Napangalit ang mga ngipin ni Sunoo. "Yah!" bulyaw niya. "Umayos ka nga!"

Napapitlag si Sunghoon. Napakurap siya habang hindi makapaniwala sa narinig.

"Y-Yah?" Tumayo siya at saka na tinignan si Sunoo. "D-Did you just talk down to me? Now that I think about it—" Napamewang si Sunghoon. "—Hindi mo ako tinatawag na hyung. Aren't I older than you?" pagku-kwestiyon niya.

Napaubo si Sunoo. "E ano naman?" aniya at saka na napaiwas siya ng tingin. "Kung tutuusin dapat sunbae mo ako kasi ngayon ka lang pumasok sa school," dahilan niya.

Napabuka ang bibig ni Sunghoon at saka na napaupo. "Sunbae? What kind of logic is that?"

Napaimpis lamang ang mga labi ni Sunoo habang hindi pa rin nito tinitignan si Sunghoon.

"Call me hyung," saad ni Sunghoon.

Napasulyap si Sunoo sa kanya at saka na iniwas muli ang mga tingin niya. "Ayoko nga."

"Abat—"

"Okay sige, fine!" Napatinging muli si Sunoo kay Sunghoon. "I will call you hyung kapag nakapasok ka sa top thirty ng first grading exam."

"T-Top thirty?!" tigalgal ni Sunghoon.

"Oo. Bakit hindi? Tutor mo lang naman ang laging nagta-top one sa mga exams. So dapat makapasok ka man lang sa top thirty," pagbibida ni Sunoo. "Bakit? Hindi mo kaya?"

Napabuga ng malakas na hangin si Sunghoon. "Ha! Hinahamon mo ba ako?"

Napahalukipkip ang mga braso ni Sunoo at saka na napasandal siya sa upuan. Tumango siya at saka na napangiti nang bahagya.

Nagising naman ang pagiging competitive ni Sunghoon. Hindi siya kailan man uurong sa ano mang hamon.

"Sige! Pumapayag ako. Kahit top twenty pa e," proklama ni Sunghoon.

Natawa nang marahan si Sunoo. "Don't esteem yourself. Hindi ka makapapasok sa top twenty."

Sinandal ni Sunghoon ang dalawang braso niya sa lamesa at saka na nilapit ang mukha niya kay Sunoo. "Paano 'pag nakapasok ako? Anong gagawin mo?"

Napangisi si Sunoo at saka na pinatong din ang dalawang braso niya sa lamesa. Lumapit din siya sa mukha ni Sunghoon. "I'll call you hyung and I'll grant you any wish," aniya.

Ngumiti si Sunghoon. "Okay!" Muli siyang napasandal sa kinauupuan niya. "Ituro mo na ulit sa 'kin paano hanapin si eks. Kahit lahat pa ng letra sa alphabet hahanapin ko."

Natawa naman si Sunoo at saka na napailing.

Hindi naman niya inaasahang magagawa ni Sunghoon ang hamon niya. Gusto niya lang mapwersa itong aralin ang Algebra. But still, he finds Sunghoon cute whenever he becomes competitive.

Let Me In (SunSun AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon