Cold

51 3 0
                                    

Napakunot ang noo ni Sunghoon nang makita niya ang nakatakip na pagkain sa lamesa. Binuksan niya ito at nakitang narito pa rin ang itinabi niyang pagkain para kay Yeji kagabi.

'Is she sick?', pag-aalala niya.

Agad siyang nagtungo sa kwarto ni Yeji at kumatok sa pintuan nito.

"Yeji?" pagtawag ni Sunghoon, pero wala siyang sagot na narinig.

Inisip niya kung natutulog pa rin ba ito, ngunit napagtanto niya ring imposible ito dahil maaga itong nagigising.

Kumatok siyang muli nang mas malakas kaysa sa kanina. "Yeji? Okay ka lang ba?" tanong niya habang kumakatok.

Pero wala pa ring sumasagot. Nagsimula nang mag-alala si Sunghoon kaya naman sinubukan niyang buksan ito. Natigilan siya nang mapaikot niya ang busol ng pintuan. Lagi kasing nila-lock ito ni Yeji sa tuwing natutulog ito.

Agad na binuksan ni Sunghoon ang pintuan.

"Yeji?" tanong niya, kahit nakikita naman niya sa buong kwarto na wala si Yeji.

Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng shorts niya upang tawagan ang cellphone ng kanyang kapatid, ngunit bago pa man niya ito matawagan ay may pumasok na tawag. Agad naman niya itong sinagot.

"Sunghoon-ah, nasaan ka na? Hinahanap ka na ni coach," tanong ng kasamahan niya sa kabilang linya.

"Ha?" pagtataka ni Sunghoon. "Hindi ba sa tanghali pa ang practice natin?"

"Hindi ba nasabi sa 'yo ni Yeji? Tumawag ako kagabi sa 'yo pero si Yeji ang nakasagot. Sabi niya sasabihin niya sa 'yo na maaga ang training natin ngayon."

Lumalim naman ang gatla sa noo ni Sunghoon. "Wala siyang sinabi sa akin."

"Gano'n? Sige sasabihin ko na lang kay coach. Pero pumunta ka na."

"Hmmm," huni ni Sunghoon at saka na ibinaba na ng kausap niya ang tawag.

Napatinging muli si Sunghoon sa cellphone niya at natigilan siya nang makita ang larawan nila ni Sunoo sa screensaver niya. Muling sumagi sa isip niya ang sinabi ng kasamahan niya.

"Tumawag ako kagabi sa 'yo pero si Yeji ang nakasagot."

"Seolma..." aniya sa sarili.

Agad niyang tinawagan ang numero ni Yeji, ngunit ang naririnig niya lamang mula rito ay 'The subscriber cannot be reached, please try again later.'

Mabilis na napalabas si Sunghoon mula sa condo unit. Pagkalabas niya ay agad siyang kumatok sa katabing unit. Magsasalita pa nga lang sana si Jake na bumukas ng pinto pero hindi na siya nakapagsalita pa.

"Nandiyan ba si Yeji?" mabilis na tanong ni Sunghoon.

"Ha? Wala. Ano namang gagawin ni Yeji rito?" pagtataka ni Jake.

"Eh kasi wala siya sa bahay. Hindi ko rin siya ma-contact," nangangatal na saad ni Sunghoon.

"Baka naman lumabas lang?"

Umiling si Sunghoon. "Hindi. Hindi, Jake—basta. Hanapin ko muna si Yeji," aniya at saka na mabilis na umalis.

"Sunghoon-ah!" pagtawag ni Jake pero hindi siya nilingon nito.

Agad na nagtungo si Jake sa kwarto niya at saka na mabilis na nagsuot ng gloves, dyaket at bota, dahil nagsimula nang umulan ng nyebe sa Korea. Kumuha pa siya ng isa pang ekstrang dyaket at saka na mabilis na lumabas ng condo unit.

Let Me In (SunSun AU)Onde histórias criam vida. Descubra agora