Nuguseyo?

50 2 0
                                    

Napabangon si Sunoo at saka na napaupo sa higaan niya. Matapos ay huminga siya nang malalim.

Buong araw na siyang nakahiga sa higaan niya habang pinapalamig ang ulo niya. Once he had cleared his mind, he started remembering Sunghoon's expression when he left him. His face looked horrible, sad, and tired all at once. He must have been very worried for Yeji.

Yes, it is true that Sunghoon could have told him about Yeji's feelings, but it's not like he could have done better. He had failed to tell his friends his own feelings after all. Siguradong nahirapan si Sunghoon lalo na at kapatid niya 'yon.

Napagtanto ni Sunoo ang lahat nang ito habang magdamag siyang nakatingin sa kisame. At ngayon ay pinagsisisihan niyang iniwan niya si Sunghoon. He's regretting that he let his emotions come first and failed to be a reliable and understanding boyfriend when Sunghoon had always been understanding to him.

Kinuha ni Sunoo ang cellphone niya at saka na tinawagan ang numero ni Sunghoon. Inilapat niya ang cellphone sa tainga niya, ngunit ang maririnig lamang sa kabilang linya ay the number you have dialed cannot be reached.

Napatingin si Sunoo sa screen ng cellphone niya. "Nakita niya na kaya si Yeji?" tanong niya sa sarili.

Muli niyang tinawagan ang numero ni Sunghoon, ngunit 'yon pa rin ang naririnig niya. Naisip niyang tawagan si Yeji, pero naisip niya na baka hindi ito magandang ideya.

Napalupaypay na lamang ang mga balikat ni Sunoo. Napagdesisyunan na lamang niya na kausapin si Sunghoon bukas sa eskwelahan.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Sunoo sa eskwelahan. Palagi kasing mas maaga sa kanya si Sunghoon simula no'ng naging sila. Kaya inaasahan na niyang matatagpuan niya ito sa silid aralan habang natutulog ito sa lamesa. Ngunit mali ang inaakala niya. Wala si Sunghoon sa silid aralan nila pagdating niya.

Siguro ay late lamang ito. 'Yon ang naisip ni Sunoo. Kaya hinintay na lamang niya itong dumating. Hindi pa rin niya kasi ito matawagan kaninang umaga.

Halos mabilang na niya ang mga estudyanteng dumaraan sa labas ng silid nila habang hinihintay si Sunghoon. Ngunit dumating na lamang ang guro nila ay hindi pa rin pumapasok si Sunghoon.

'May nangyari kaya sa kanya?' pag-aalala ni Sunoo.

Kinuha niya ang cellphone niya at saka na binuksan ang chatbox nila ni Sunghoon. Nagsimula siyang mag-type roon ng mga salitang 'Eodiya? Gwenchana?'.

Hinintay niyang mabasa ito ni Sunghoon, ngunit ilang minuto nang nagsasalita ang guro nila ay hindi pa rin ito nasi-seen ni Sunghoon.

Napahinga na lamang nang malalim si Sunoo at nagsimulang makinig sa klase.




Student Council Meeting




"After ng exam sa Wednesday, we'll start preparing for the upcoming movie night on Friday. EJ, have we secured any painter's tarp or king-size sheet that we could use to project a movie?" tanong ni Jungwon kay EJ na nasa kabilang dulo ng lamesa.

"Ne, hoejang-nim," sagot ni EJ. "There's a student who volunteered to lend their king-size sheet."

Tumango si Jungwon. "Good. Since it started snowing already, we'll use the school gym instead."

"So... Are The Dude in Me and My Annoying Brother the final set list for the movie night?" tanong ni Yuma habang nakatingin sa papel na hawak niya.

"Ne," sagot ni EJ. "There are several other movies suggested by the students, but the faculty declined them because the themes were too dark and might not be suitable for a family movie night. Only those two movies were accepted."

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now