Blind Date

58 3 2
                                    

Napapakunot ang noo ni Sunghoon habang niyuyugyog siya ng mga kasamahan niya sa team.

"Sige na, Sunghoon-ah. Jebal, pumayag ka na," pagpupumilit nila sa kanya.

Napailing si Sunghoon. "Ayoko nga," naiinis na sagot nito habang sinusuot ang skates niya. "Yah!" sigaw niya nang makitang lumuhod sa harapan niya ang isa pa nilang kasamahan.

"Sige na, hoon. Parang awa mo na. Ayaw nilang makipag-blind date sa amin 'pag hindi ka raw kasama e. Ikaw lang ang makakatulong para maputol ang pagiging no girlfriend since birth namin," pagsusumamo nang nakaluhod niyang teammate.

Tumango-tango naman ang isa pa niyang teammate na nasa tabi niya.

Napapikit at saka na napahinga nang malalim si Sunghoon. Ilang araw na kasi siyang kinukulit nang mga ito. Naririndi na nga siya dahil palagi na lang siyang hinaharangan nang mga ito sa tuwing darating siya. Kulang na nga lang ay sundan siya nang mga ito pauwi.

"Oo na, sige na! Pumapayag na ako," ismid ni Sunghoon upang matigil na ang mga ito sa pangungulit sa kanya.

"Yes!" pag-angat ng braso ng ka-teammate niyang nakaluhod.

"Pero labas ako riyan ah. Sasama lang ako pero wala akong ie-entertain sa kanila," paglilinaw niya.

Napatango naman ang mga ka-teammates niya. "Promise!" pangako nang mga ito sa kanya.

Napailing na lamang si Sunghoon. Buti na lamang ay hindi sila magkikita ni Sunoo ngayon dahil may lakad din ito kasama nina Jungwon at Ni-Ki.

Matapos ng ensayo nila ay minamadali na siya nang mga teammates niya. Alas singko daw kasi nang hapon ang meeting time nila sa mga ka-blind date nilang gymnasts. Sa sobrang pagmamadali na nga nang mga ito sa kanya ay hindi na niya na-message si Sunoo.

"Ayun na ata sila!" masiglang pagturo ng isang teammate ni Sunghoon sa apat na babaeng nakatambay sa tabing ilog.

"Hi, girls!" sigaw ng isa pang teammate ni Sunghoon.

Agad namang napalingon ang mga babae sa kanila. "OMG! Park Sunghoon!"

Mabilis na nagtungo ang mga babae sa kanila at saka na pinalibutan si Sunghoon.

"Buti naman sumama ka," aniya ng babaeng nakasuot ng kulay kahel na bestida.

Hahawak na sana ito sa braso ni Sunghoon pero agad na iniwas ni Sunghoon ang braso niya.

"Ha-ha!" pilit na pagtawa nang isang teammate ni Sunghoon at saka na pumagitna kay Sunghoon at sa babae. "Syempre naman hindi palalagpasin ni Sunghoon ang mga magagandang dilag na kagaya niyo," aniya.

Magre-react na sana si Sunghoon pero hinila siya ng isa sa mga teammate niya. "Makisakay ka na lang, Sunghoon-ah," bulong nito sa kanya.

Tumalikod na lamang si Sunghoon mula sa kanila.

"Ha-ha! Pagpasensiyahan niyo na si Sunghoon. Pagod kasi 'to sa practice," dahilan ng isang teammate ni Sunghoon.

"Ah, gano'n ba? Kawawa ka naman, oppa. Gusto mo ng masahe?" suwestiyon ng babaeng nakakulay puting bestida.

Lalapit sana ito kay Sunghoon pero hinarangan siya ng isa sa mga teammate ni Sunghoon. "S-Siguro kailangan lang niyang kumain. Tara, kain na tayo?" pag-aaya nito.

"Okay," pagsang-ayon na lamang ng mga babae.

Nagtungo sila sa malapit na restaurant. Kahit ayaw ni Sunghoon tumabi sa mga babaeng ito ay napilitan siya dahil sa pagmamakaawa ng mga kasamahan niya. Nakapwesto sila sa pang waluhang lamesa, habang katabi ni Sunghoon ang babaeng nakakulay kahel na bestida.

Hindi alam ni Sunghoon kung nagtungo nga ba sila roon para kumain dahil hindi naman talaga kumakain ang mga babaeng kasama nila. Walang ginawa ang mga ito kung hindi paulanan siya ng mga tanong. Nanghihinayang na nga siya sa mga pagkain sa mga plato ng mga ito. Sigurado siyang hindi masasayang ang mga ito kung si Sunoo ang kasama niyang kumain.

He misses Sunoo so much, and he's the only person he only thinks about the entire time. Hindi nga niya maalala anong pangalan ng katabi niya.

"Si Sunghoon hyung ba 'yon?" tanong ni Jungwon habang naglalakad sila nina Sunoo at Ni-Ki sa labas.

Napatingin si Sunoo sa direksiyon nang tinitignan ni Jungwon at mula sa salaming dingding ng restaurant ay nakita niya si Sunghoon.

"May date yata," komento pa ni Jungwon.

Kung laser lang ang mga mata ni Sunoo ay natunaw na niya ang salaming dingding. Kanina niya pa iniisip kung nakauwi na ba si Sunghoon dahil hindi ito nagre-reply sa message niya. Tapos dito lang pala niya ito madadatnan kasama ng ibang babae.

"Tara," pag-aaya ni Sunoo papasok sa loob ng restaurant.

"Akala ko ba sa Japanese restaurant tayo kakain?" usisa ni Ni-Ki.

Napalingon si Sunoo sa kanilang dalawa. "Dito tayo kakain," diin niya.

Nagkatinginan na lamang sina Jungwon at Ni-Ki. Wala silang nagawa kung hindi sundan si Sunoo papasok sa loob ng restaurant.

Umupo sila sa may hindi kalayuan sa pwesto nina Sunghoon. Hindi naman napansin ni Sunghoon ang pagpasok nang mga ito dahil nakatuon ang mga mata niya sa plato niya.

"Mukhang blind date," komento ni Jungwon habang nakatingin sa direksiyon nila Sunghoon, matapos ay napatingin siya kay Sunoo.

"Ano pong order nila?" tanong ng waitress na lumapit sa kanila.

"Kumukulong tubig," sagot ni Sunoo habang pinagmamasdan ang bawat paglalandi ng babaeng katabi ni Sunghoon.

"P-Po?"

"Ha-ha!" pilit na pagtawa ni Jungwon. "Pahingi na lang muna kami ng malamig na tubig. Titingin muna kami sa menu," aniya.

"Ahhh... O-Okay po," saad na lamang ng waitress at saka na iniwan sila nito.

Inilabas ni Sunoo ang cellphone niya at saka na binuksan ang chatbox nila ni Sunghoon. Mula roon ay nag-type siya ng mga katagang, 'nasaan ka?' habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa direksyon ni Sunghoon.

Agad namang kinuha ni Sunghoon ang cellphone niya mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Napatingin siya sa mensahe ni Sunoo at saka na napangiti. Magre-reply na sana siya rito nang biglang dumikit ang katabi niyang babae sa kanya at hiniga nito ang ulo nito sa balikat niya.

"Please focus on me," pagmamaktol ng babae at saka na kinuha ang cellphone ni Sunghoon mula sa kamay nito.



That's it.



Ang kanina pang pinipigilang dragon ni Sunoo ay tuluyan nang kumawala sa hawla nito. Napatayo siya, sinalubong ang waitress na hahatiran na sana sila ng tubig, at saka na hinablot niya ang pitsel ng tubig na bitbit nito.

Kasabay nang paglayo ni Sunghoon sa babae at pag-agaw niya sa cellphone niya mula rito ay ang pagbuhos ng nagyeyelong tubig sa ulo ng babae.

"Argh!" Napatayo ang babae at saka na napalingon sa likuran niya. "Who the hell are you?!" naiiritang singhal nito.

Napatayo rin si Sunghoon at saka na nanlalaki ang mga matang napatingin kay Sunoo.

"Ako?" sagot ni Sunoo at saka na itinaas ang pitsel na hawak niya. "Ako lang naman ang bubuhos nang lahat ng laman ng pitsel na 'to sa mukha mo kapag hindi mo tinigilan ang boyfriend ko."

"Eh?!" sabay-sabay na reaksiyon ng mga kasamahan ni Sunghoon.

Natigilan lamang sina Jungwon at Ni-Ki sa kinatatayuan nila na pipigilan na sana si Sunoo sa binabalak nito.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now