Will it change?

83 5 8
                                    

Hindi mapakali ang mga mata ni Jay habang kaliwa't kanan niyang tinitignan sina Heeseung at Sunghoon na naglalakad sa magkabilaan niya.

Seryoso at tahimik ang mga ito sa gilid niya. Kung imo-monologue nga niya ang nasa isipan ng mga ito ay paniguradong madadala silang tatlo sa principal's office.

Bakit ba kasi kailangang iisang tao ang magustuhan ng mga ito? 'Yon ang tanong ni Jay sa isipan niya.

Napaubo siya at saka sabay na inakbayan ang dalawa. "Ang tahimik niyo naman! Kinain ba kayo ng exam?" aniya.

Napatingin sina Heeseung at Sunghoon sa isa't isa na nagkalapit ang paningin dahil sa pag-akbay ni Jay. Sabay na napakunot ang mga noo nila at sabay ring inalis ang braso ni Jay sa mga balikat nila.

Napahinga nang malalim si Jay. "Pwede ba? Kahit ngayon lang lunch break, kumalma kayong dalawa? Hindi ako makahinga sa inyo e!" reklamo niya.

Hinalukipkip ni Sunghoon ang mga braso niya. "Kalmado naman ako e. Ewan ko lang sa kaibigan mo."

Napangisi si Heeseung. "I'm always calm."

"Ah, gano'n?" usisa ni Jay at saka na napahinto sa paglalakad. Napahinto rin ang dalawa at saka na tinignan siya ng mga ito. "Oh sige mag-shake hands nga kayo," utos niya.

"Ha?!" sabay na tigalgal ng dalawa.

"Oh, akala ko ba kalmado?" puna ni Jay.

Napatingin ang dalawa sa isa't isa. Kung pagigitnaan sila ng kandila ay siguradong matutunaw ito dahil sa tindi ng tinginan nila.

"Oh, ano? Shake hands!" pagpupumilit ni Jay.

Sabay na napahinga nang malalim sina Sunghoon at Heeseung. Inangat nila ang kanang kamay nila at saka na kinamayan ang isa't isa.

Napangiting aso si Sunghoon habang nararamdaman niya ang pagriin ng hawak ni Heeseung.

Paano siya kakalma kung kinakayag talaga nito ang pasensiya niya?

"Oh, tama na—" paghampas ni Jay sa nagkakamayang mga kamay ng dalawa. "—may exam pa tayo mamaya! Baka wala na kayong magamit na kamay mamaya!"

Agad na naghiwalay ang dalawa. Ipinasok ni Sunghoon ang kanang kamay niya sa bulsa ng pantalon niya. Damang-dama niya pa rin ang matinding pagriin ni Heeseung dito. Kung hindi lang siya atleta ay baka hindi na niya napigilan ang sarili. Isa pa, ayaw niya ring magalit si Sunoo sa kanya, kaya pinipilit niyang maging mahinahon kahit mukhang pino-provoke talaga siya ni Heeseung.

Nagtungo na ang tatlo sa kantina. Nang makarating na sila roon ay agad na inilibot ni Jay ang paningin niya sa mga bakanteng pwesto.

"Doon na lang—"

"Let's sit with them," sabay na putol ni Heeseung at Sunghoon kay Jay.

Napatingin naman si Jay sa direksyon na tinitignan ng dalawa. Napahinga siya nang malalim nang makita ang pwesto kung saan nakaupo sina Sunoo, Ni-Ki, at Jungwon.

Ayos lang naman sa kanya. Malapit din naman siya sa grupong iyon. Sadyang nababahala lang siya para sa dalawang kasama niya, lalong lalo na kay Sunghoon.

"Fine. Bahala kayo," saad na lang ni Jay.

Nang makakuha na sila ng pagkain ay nagtungo sila sa pwesto nila Sunoo.

"Can we—"

Naputol ang sasabihin ni Heeseung. Napalingon siya kay Sunghoon, na mabilis na ipinatong ang bandeha ng pagkain nito sa tabi ng pagkain ni Sunoo. Tatabi na sana siya kay Sunoo pero naunang maipatong ni Sunghoon ang pagkain niya.

Let Me In (SunSun AU)Where stories live. Discover now