Chapter 9 - Dark Plans

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang banta iyon. May binalikan siya sa labas na basket na may laman na damit. Sa akin ang damit na 'yon. Malinis na, tuyo at mabango at hula ko ay nalabhan na.

"Magbihis na ka na at umuwi. Huwag ka na munang pumasok ngayon."

"Pero-"

"Hindi ko babanggitin sa Ina mo ang tungkol dito. Ngayon, umuwi ka na," sansala niya sa sasabihin ko pa sana. At nagtungo na siya sa malaking glasswall para hawiin ang makapal at malaking kurtina na nakatabing doon.

At nagliwanag ang magarbong silid. Mas lalo itong gumanda ngayong tinatamaan na ito ng liwanag mula sa labas. Tahimik tumalima para makapagbihis. At gano'n din katahimik ang pag-alis ko sa silid na 'yon. Nasa hallway ako nang matigilan ako sa presensiya na nasa harapan ko. Namilog ang mata ko nang masilayan ang mukha niya.

"Inneya..."

Nakatupi ang sleeve ng polo niya hanggang siko at maayos na nakabutones ang polo. His hair is a bit messy, and he's wearing boots. It's obvious he came from outside. Or maybe he just went horseback riding? I don't know.

Nag-iba na rin ang awra niya sa malapitan. He has grown taller and has a very youthful posture. He's completely different from the young Diego who used to be my friend. Masasabi mong ang bilis ng panahon para pareho kaming lumaki ng ganito. Katulad ng pagbabago ng katawan at awra ay ang pagbabago na rin ng sitwasyon naming dalawa. Sana katulad lang noong bata pa kami na patawa-tawa lang at palaro-laro lang sa labas. However, the situation is not the same now.

Siya, natupad na ang pangarap niya sa buhay. Naging kanang kamay na siya ng kapatid niya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Mas umunlad pa ang buhay nila na sa tingin ko ay siyang future asset pa ng Harvoc. Habang ako, heto pa rin, nasa baba. At mukhang mas lalo pang lumalangoy sa putik. Wala na nga akong narating sa buhay, tapos maari pang makapahamak sa pamilya ko. Baka may mali talaga sa'kin. Baka malas talaga ako.

Kita kong may pagtataka sa mga mata ni Diego. Halatang nagtataka siya kung bakit nandito ako ngayon sa taas. Ngunit kahit may pagtataka sa mga mata niya ay nagawa niya pa rin na ngumiti ng tipid. Hindi pa rin nagbago ang liwanag sa mga mata ni Diego tuwing kaharap ako. Nagbinata't nagbago ang pangangatawan at naging successful, pero siya pa rin ang Diego na nakilala ko noon. Maalala mo pa rin ang batang siya dahil sa ngiti na nakikita ko ngayon sa kaniya.

Imbes na ngitian siya ay pormal lang akong yumuko at kaswal na nagsalita.

"Magandang umaga po."

Nasulyapan ko ang pag-awang ng labi niya. Gusto niyang magsalita pero hindi ko na hinintay na gawin niya 'yon, agad akong umalis sa harapan niya ng walang anumang salita. Naramdaman ko ang tingin niya sa likuran hanggang sa nakababa na ako sa grand staircase.

Matagal ko nang iniiwasan ang kahit na sino sa magkapatid. Sinisikap ko naman na hindi magkrus ang landas namin. Pero habang lumalayo ako ay tila nilalapit kami sa isa't-isa. At tuwing naglalapit kami ay parating may napapahamak.

Hindi na tulad ng dati ang lahat. Kailangan kong magbago dahil iyon ang dapat. Kahit pa labag sa loob ko.

......

Kahit alam ni Manang Odessa na magiging abala sila sa araw na ito dahil kaarawan na ngayon ni Madam Saonna ay nagawa niyang pauwiin ako ngayon at pinag-absent. Dahil tulog pa sina Mama at Papa nang dumating ako kaya nagawa kong makapuslit sa bahay at nag-iwan ng pinagkainan para isipin nilang nakauwi na ako kagabi. Tapos ay nagtungo ako sa malaking puno na parati kong inaakyatan noon.

Hindi ko kayang umakyat. Hindi na tulad noon. Ang magagawa ko na lang ay maglatag sa baba para makaupo. Mula doon ay matatanaw ang mansyon at ang malawak na lupain ng mga Harvoc. Malakas ang ihip ng hangin dahil nasa mataas na bahagi.

Dark Obsession / Dark Plans - tagalog (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon