Kabanata 12: Gawk

0 0 0
                                    

[Via's POV]

Lalapitan ko na sana si Krae para batukan pero natigilan ako nung magsalita si Rose.

"Hala, Krae, akala ko nahilom na yung pasa mo noong nakaraan. Bago yan?" Turo ni Rose nang nakanguso sa black eye ni Krae na hindi naman mapapansin agad kung hindi tititigan nang lubos.

"Oo, eh... may napikon kasi." Ngisi niya habang hinihimas ang gilid ng mata. Sumulyap siya sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Ba't ayaw mong sabihin na ako yung sumuntok sayo, ah?

"Kapatid mo?" Umiling si Krae bago nagkwento nang kung ano para mapalitan ang topic.

.

Agad akong lumabas ng room nung matapos kong kumuha ng exam. As usual, ako na naman muli ang naunang nakatapos.

"Sa'n punta mo?" Namilog ang mga mata ko nung may nagsalita sa aking gilid. Gulat ko siyang hinarap at mabilis akong napaatras nang mapagtanto kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

"Lalabas na. Ikaw? Akala ko bawal mag-cr during exam."

"No, lalabas din ako."

"Tapos ka na rin?" Hindi na napigilan at kusang humimig ang pagkagulat sa boses ko.

"Yeah, shall we?"

I absent-mindedly started walking. Nakasunod lang siya sa akin pero hindi ko siya pinansin at binilisan na lamang ang paglalakad.

How the hell...? I'm pretty much sure mali-mali ang mga answers niya

"Stop," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. "I'll go that way, don't follow me." Mariing pagkakasabi ko at mabilis naglakad papalayo.

When I finally got out of the campus, I put on my earphones and started walking. This is my way of unlocking the relief. These past few days are burning me out, I'm mentally drained dagdag pa ang hidwaan sa pagitan namin ng mga kapatid ko at ni Shine.

You're waking meadows
in my mind, making
waves across my tide
Oh no
Oh nooo

I got a strange magic
Oh, it's a strange magic

People might perceived me as someone who is powerful, someone who is always the boss but that's not always the case. Sa totoo lang, people-pleaser ako. I'm quite the control freak 'cause I hate it when I don't live up to others' expectations of me kahit na hindi pa naman nangyayari.

I'm quite frightened that it might come to me one day. Life is inconsistent, I know it for sure. Kahit anong paghihirap na gawin mo para ma-maintain ang isang bagay, aabot talaga sa punto na masisira o magbabago ito.

Just like sa trabaho, kahit gaano ka na katagal na nagtatrabaho o gaano kagaling, time will come talaga na magkakamali ka pa rin kahit anong iwas mo.

Tumigil ako sa paglalakad nung mapagtanto ko kung saan ako dinala ng mga paa ko... sa park.

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa duyan at doon umupo. Weekdays kaya kakaonti lang ang tao ngayon. Karamihan sa mga nandito ay mga kaedad ko na out-of-school youth. Maiksi ang mga damit na kanilang suot at lahat sila ay may hawak na sigarilyo. Mas malakas pa ang tawanan nila kesa sa tunog na nanggagaling sa earphones ko.

Naalala ko noong bata pa ako, kung gaano ko kinamumuhian ang lugar na 'to. I find it foolish tuwing makikita ko ang mga batang kaedad ko na naglalaro tuwing dumadaan kami rito.

I always ask myself kung bakit mas pinipili ng mga bata na maglaro sa labas kesa sa mag-aral ng alpabeto, ng bagong lenggwahe, at iba pa.

But deep inside, alam kong naiinggit ako. Naiinggit ako kasi wala silang responsibilidad na gagampanan hindi tulad ko. From the moment I was born, the state of the clan was dependent on me.

Maya-maya ay umalis na rin sila kaya napuno ng katahimikan ang buong parke. Malaya akong naririnig ang sariling hininga.

It might not be obvious, but I'm stressed. Hindi lang sa exam at sa gaganaping bazaar kundi pati na rin sa bahay at sa buong clan.

Umabot ako ng 30 minutes na nakaupo lang at kuntentong pinapakinggan ang sariling paghinga nung mapagdesisyunan kong tumayo at umuwi na.

This is my way to relieve myself from stress. To be alone, in order not to feel lonely. To concentrate and focus on my breathing... and nothing else.

I was about to call my driver when I heard a glass shattering from nearby. Kasunod ng pagkabasag ay halinghing ng isang lalaki ang aking narinig.

Nilibot ko ang tingin sa paligid at doon ko napagtanto na nag-iisa na lamang ako sa parke. Tahimik at seryoso kong sinundan ang pinagmulan ng ingay hanggang makarating ako sa isang maliit na pasilyo katabi ng inabandonang building

Nalaglag ang panga ko sa natuklasan. It was not other than Krae! I'm only seeing the side of his face, nakatutok ang kanyang mga mata... sa isang lalaking nakahilatay sa harap niya na duguan. Ang sahig ay puno ng bubog dahil siguro sa paghampas niya ng bote sa lalaki.

Nung maramdaman ang presenya ko ay humarap siya sa akin nang may malawak na ngiti. Napaawang ang mga labi ko nung mapansin ang pagdudugo ng gilid ng kanyang labi at ang pamamaga ng panga niya.

"Oh, I was about to go after you. Tapos ka na ba sa pagmumuni-muni?" He asked nonchalantly as he make his way towards me with both hands inside his pockets.

I am quite taken back by his swift reaction. Patuloy ito sa paglalakad hanggang sa tumigil ito sa akin harap.

"W-what did you do?" I asked, still in disbelief. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa nakahilatay na lalaki. Hindi ko maisip na kaya niyang manghampas ng bote at makipagbugbugan.

He is not the kind of person I expected him to be. Hindi ko aakalain na ang project partner ko na responsable, focused, at competitive ay basag-ulo.

"He was gawking at you," sagot niya at seryoso akong tinitigan. His stares were intense that I would back down if it wasn't for my pride. Nilabanan ko ang nakakapaso niyang mga titig pero nananatiling ganoon ang kanyang mga mata, as if he looks unbothered.

"And? I don't think it's a justifiable reason to knock someone out just because they are gawking at me."

"Not justifiable? Why wouldn't it be?" His voice was hoarse that I quickly took a step back when he was about to come closer. "No one should gawk at you. You're not a heiress just to be gawk at."








Her Unveiled LoveWhere stories live. Discover now