Kabanata 6: Project Partner

0 0 0
                                    

[Via's POV]

"Well, mauna na ako sa inyo!" Kinindatan ako ni Rose bago lumabas ng room. Ngumisi pa siya at nagpaalam kay Krae matapos siya nitong tanguhan.

"Actually, sasabay ako kay Rose ngayon." Dire-diretso akong naglakad at agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang harangan niya ako. He's like the door itself. Sobrang tangkad niya at malaki ang kanyang mga braso na kapag hahawakan niya ako ay maaari akong matulak papuntang kabilang building.

"Let's settle this project partner issue. Sabihin mo ba't gusto mong gumawa nang mag-isa?"

Bago pa ako makasagot ay hinila niya ako at pinaupo sa isang upuan. Tumabi siya ng upo sa akin at humalukipkip habang nag-aabang ng sasabihin ko.

"Working alone is much faster."

"It'll be much faster if you let me help. Trust me, I won't be a burden." Puno ng pagsusumamo niyang usal.

"It's time consuming, Krae. Pupunta pa ako sa inyo."

"Then, I'll come to your house."

"I don't let anyone in," malamig kong sabi na ikinalambot ng mga mata niya. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at tumikhim.

"Then I'll just meet you in any place close to you."

"It's really time consuming, Krae. Ayaw kong mag-isip pa kung saan tayo pwedeng magkita kung kaya ko namang gawing mag-isa." Tumayo na ako na ikinataranta niya. "I suggest you do yours alone too."

"Wait!" Inis na inis ako nung hinarangan niya muli ang aking lalakaran.

"What about we'll do it next to your house?"

"You are not permitted to enter our village. End of conversation." Hindi ko na natiis nung harangan niya muli ako matapos kong subukan na dumaan sa kanyang gilid.

"Step aside," I said in a cold tone. "You don't have any rights to block a Cortez."

"Then I'll turn you into a Thomas."

.

Napatingin ako sa labas ng room dahil sa mga kaklase kong nagsilabasan. Hindi ko na sana sila papansinin at babalik na sana sa pagbabasa nung marinig ko ang tili nila.

"Gwapo talaga, parang artista!"

"Shet!"

"Mmmm sharap, ang igop!"

Napakunot ang noo ko dahil sa mga naririnig. Ang aga pa at ang iingay nilang lahat. May recitation mamaya kaya kailangan kong mag-review.

Napabuntong-hininga ako at nanggagalaiting hinampas nang malakas ang arm-desk ko gamit ang libro dahilan para tumahimik silang lahat.

Matalim ko silang tiningnan matapos nila akong lingunin. Kagat-labing bumalik sila sa kanilang mga upuan at nakayuko.

"Kinabahan ako ron."

"Kaklase pala natin siya, nakalimutan ko."

"Shet, patay."

Nagkunwari akong walang narinig habang nakatutok ang mga mata sa librong binabasa.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang aming professor.  Bago pa siya magsimula ay natigilan siya at napatingin sa may bandang likod.

"Can you take your shades off, Mr. Thomas?"

Lahat ng aming mga mata ay napatuon sa kanya dahil sa sinabi ni Prof. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi ko nung makita ang pasa sa gilid ng kanyang mata.

"What happened to your eye, Mr. Thomas?" Nag-aalalang lumapit ang Prof namin na may hawak na libro.

"Napikon kasi ang kausap ko kahapon, Sir." Tumaas ang kilay ko sa kanyang rason. Sumulyap pa siya sa akin pero mabilis ko siyang inirapan at itinuon na ang mga mata sa harapan.

"Gamutin mo 'yan, Mr. Thomas. Sayang ang mukha mo kung puno ito ng pasa."

Nagsimula nang magturo ang aming Prof. Abala ako sa pagti-take down notes at pakikinig sa usapan ng mga nasa likuran ko.

"Anong sayang? Gumwapo pa nga siya dahil sa pasa."

"Kawawa naman siya, kailangan niya siguro ng kiss ko para gumaling."

"Parang hulog ng langit si Krae, mas gwapo siya kung may pasa."

Gwapo? Eh parang mga demonyo yata ang hinuhulog ng langit.

"What do you want this time?!" Pasinghal na tanong ko dahil inabangan niya ako sa labas ng room matapos ang aming klase.

"We'll do it after class, so it won't be time-consuming." Napataas ang kilay ko dahil sa kanyang suhestiyon. He doesn't just give up, argh!

"Come on, Miss Cortez. What else do you need?"

"Gusto kong gawin ang project nang mag-isa dahil ideya ko lamang ang gusto kong sundin."

"Done. Ikaw ang masusunod. I'll follow your lead, just let me help." Napabuntong-hininga ako dahil tiyak akong wala na akong magawa. He's just so persistent.

"We'll be selling dresses?" Napaangat ang tingin ko nung magtanong siya. Abala ito sa pagtingin ng mga printed out products ko ng mga damit.

"We're not just going to sell them. We'll design them at first, then we'll sew."

Napatango ito bago nagsalita. "I'll also design some... for men, specifically. I can also help you sew."

Hindi ko siya pinansin at abala sa pagta-type ng mga cost ng materials tsaka ang target consumers.

Nagulat ako kinabukasan nung bigyan niya ako ng printed out designs for men. Nakaawang ang labing sinuri ko ang mga iyun. I honestly can't design any men's wear. His designs were precise, even the fabric used are visible and so detailed. It's also excellent, anyone can be pursued to buy these things.

"What do you think?" I looked at him and he look so nervous with his furrowed brows and bothered eyes.

"Impressive," I said before handing the papers back to him. His eyes illuminated because of my comment. I can't believe that a guy like him can be so happy with just one word.

"Can you design some for women?" I asked.

Dinilaan niya ang kanyang pang-ibabang labi at napahawak sa batok bago umiling. "I've tried it before and it didn't turn out pretty well... but I can try!"

"No, it's okay. Ako na ang bahala para sa mga babae. Just focus on the men's wear. I will also be needing your report tomorrow about the materials needed and its approximate cost."

Krae is cooperative and productive. He's the most productive person I ever had in a group and I like it that he always ask for my permission before making changes in our paper.

I also noticed how dangerously workaholic he is and when I say dangerously.... I mean it. He takes his work seriously and the results always exceed my expectations. For the first time, I want to admit that having a partner is way better and faster than working alone.

Her Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon