Kabanata 9: Likewise

1 0 0
                                    

[Via's POV]

Nakahalukipkip kong pinanood si Krae habang naglalakad patungo sa gawi ko. Napakaaga, ang lawak ng ngiti niya... it's burning my eyes!

"Hi–"

Nung tuluyan na siyang makalapit ay agad akong tumalikod at lumapit sa Wagon namin.

"Get inside," malamig kong utos bago pumasok ng front seat. Pinanood ko siyang pumasok ng backseat at bahagya pa itong napaatras sa gulat nung makita ang kapatid kong si Ashton. He pursed his lips before going in.

"MRB tayo, Kuya." I said to the driver.

"Yes, Ma'am."

Habang nasa biyahe ay panay ang sulyap ko sa front mirror para tingnan ang sitwasyon ni Krae.

"Who are you?" Magkasalubong ang kilay na tanong ni Ashton sabay kuha ng headphones niya. Busy siya kanina sa Ipad kaya ngayon niya lang napansin si Krae.

"I'm Via's classmate. My name is Krae."

"Really, Ate? You're hanging out with a classmate apart from Rose?" Bakas ang pagkairita sa kanyang boses.

"We're project partners, Ash."

"You've got to be kidding me." Bulong niya na parang hindi makapaniwala.

"You're his boyfriend, tama ba?"

"Ash," suway ko nung harapin niya si Krae. Krae was caught off-guard by his question. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming magkapatid.

"N-no, we're just project partners. Why? Boto ka ba sa 'kin?" Hindi ko na napigilan at agad akong napaharap sa backseat.

"Don't make it worse, Krae." I glared at him but he just smirked before looking away. "Ash, you know that I don't like guys. What's the matter with you?"

"Naninigurado lang."

"Bakit? Bawal ba si Via magka-boyfriend?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Krae. I'm pretty sure na makakakuha talaga ng pasa si Krae mamaya sa 'kin.

"Via? Damn, she can do everything she wants! Gusto ko lang malaman kung may pinagkakainteresan siyang lalaki para makaganti ako."

"Makaganti saan?"

"Krae, enough!" Tumaas ang boses ko at bakas na sa mukha ko na malapit na akong makasapak.

Mabilis namang binalik ni Ashton ang suot niyang headphones at hindi na pinansin si Krae.

.

"Why was he glaring at you?" Tanong ni Krae nung mapansin ang masasakit na titig ng kapatid ko matapos naming makalabas ng sasakyan.

"He hates me," sagot ko habang naglalakad papasok ng MRB.

Ashton hates me for manipulating his precious relationship with his girlfriend, Julia. Binayaran ko ang kakilala ko noon sa kabilang section para landiin si Julia and the bitch gave in. Binalita ko iyun sa harapan ng family namin with a video pa as an evidence.

Dapat ay magpasalamat pa nga siya. Sa una pa lang, masama na ang kutob ko kay Julia. I don't like her vibes, kilala ko siya dahil magkaklase kami since eighth grade. Malapitin siya sa mga lalaki, hindi iyung nakikipag-friend pero iyung type na nanlalandi. I don't want a girl like that for my brothers or anyone in my family.

"No doubt," dinig kong bulong niya. Haharapin ko na sana siya para kausapin pero nilapitan kami ng isang empleyado. Matangkad, bakla, at sobrang linis ng suot niyang suit.

"Good afternoon, Miss Cortez and Mister Thomas."

Napataas ang kilay ko dahil pati si Krae ay kilala niya rin. Sumulyap siya sa akin bago itinutok ang mga mata kay Krae na sobrang lapad ang mga ngiti.

"We're expecting you. Kindly follow me and I'll show you the finest textiles in the Philippines."

Hanggang walo ang palapag ng building. Hindi gaano karami ang mga empleyado at ang interior ay simple lang, hindi engrande o masamang tingnan.

"First, the cloths!"

Sobrang dami ng selection ng mga tela. All comes with different fabrics and every shade is also complete. I guess hindi na namin kailangang maghanap pa ng ibang supplier.

"Here are also the threads, sequins, and other designs. Please, feel free to look around."

Nagkatinginan pa kami saglit ni Krae bago kami sabay na naglakad patungo sa mga tela.

"Bagay 'to sa dresses mo," turo ni Krae sa maroon na tela. By the looks of it, mukhang gawa sa silk.

"Come on, hawakan mo." I did what he said and the corner of my lips rose in amusement.

"It's fine quality."

"It's fine quality."

Agad na nawala ang ngisi ko nung sabay kaming nagsalita. Napakunot ang noo ko bago tumingin sa kanya.

"What are you smiling at?" Inis na tanong ko dahil sa malapad niyang ngiti. Mukha itong natutuwa nang sobra... parang bata.

"We'll, it's nice to know we're thinking the same."

"No, it's not." Usal ko sabay talikod at lumapit na sa mga cotton fabric. I want to personally pick the cloth for Krae's masterpiece... the graphic unisex one.

"Iyung sa croptop, anong design nga ang idadagdag mo?"

"Damask design. I want to make it look vintage."

"You're concise with your designs." Lumapit siya sa akin at tinabihan ako habang abala sa pagsusuri ng mga sequins, pearls, at laces.

"I am concise with everything I do." I answered without taking my sight off the rubies. Pinong-pino ang mga 'to at bagay kung ilalagay sa dulo ng isang itim na gown.

"So, you like to design clothes?"

"Not really." Umiling ako bago sinenyasan ang bakla kanina na kukunin ko ang maroon silk at ang puting cotton fabric. Nakangiti itong tumango bago tinawag ang dalawang empleyado mula sa labas.

"30 yards each."

"We'll only make 12 clothes, Vi, for the project and for the upcoming bazaar. 30 yards is too much."

"That's what you were thinking all along? Come on, hindi pang-bazaar lang ang mga designs natin."

"So, what are you planning?" Bulong niya matapos inilapit ang kanyang mukha sa akin.

"I'll sell it nationally."

"So, tutukod ka ng clothing line mo?"

"Yeah, what about it? I have the capital and the man-power." Magkasalubong na ang mga kilay niya kaya dinagdagan ko ang mga sinabi ko. "If you're worried about your designs, bibigyan kita ng commission."

"No, Vi." It was my turn to show my furrowed eyebrows because of confusion.

"Don't tell me you're just gonna give it for free?"

"I actually want to invest. Let's be partners, Vi."

"What if I won't allow you to invest?" Kinagat niya ang gilid ng  kanyang labi, naglalaro ang pagkamangha sa kanyang mga mata. I hate it when he looks at me like that.

"You still don't know who I really am. I always get everything, Via. Everything," he ended in precision. I gave him a challenging look. Looks like he forgot who he's talking to.

"Likewise, Krae. Likewise."

Her Unveiled LoveWhere stories live. Discover now