Kabanata 8: I Am Quennelle Sylvian

1 0 0
                                    

[Via's POV]

Binigyan ko siya ng matalim na tingin dahil hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. Si Rose naman ay panay hagikhik sa aking gilid pero agad na tumahimik matapos ko siyang  sikuhin.

"Don't be childish, Krae. Huwag mong patulan ang mga sinasabi ni Rose."

Ngumisi siya bago pinagpatuloy ang ginagawa. "Why? It's like a dream come true to be owned by a Cortez."

"At saan mo naman yan narinig?" Hindi ko na naiwasan at tumaas ang boses ko. Mas lalo akong naiinis dahil sa pagngisi niya.

"Well, I won't be bothered."

"Even if I don't own you, no one will come to bother you if you have the authority."

"Exactly, I don't have it. Hindi ko gawain na itulak ang ibang tao papalayo... 'di ko kayang gawin yan."

"So you'll just nod and agree to what people ask you to do?"

"No, not exactly that way. I just... can't tell people to leave me alone."

"Even if they are bothering you?" Tanong ko na nanliliit ang mga mata.

"Yes... even if they are bothering me." Mapakla akong napatawa. He's smart, alright! But based on what he said, he's not entirely that amazing.

"That's stupid..." I murmured under my breath.

"Papano yan, mauna na ako sa inyo. Happy bonding, lovers!" Kumaripas na ng takbo si Rose at hindi na hinintay ang gagawin kong sermon.

"You know what, Krae, you should learn to ignore people and push them away. What if toxic na sila? You need to cut bad roots in your life or you'll wither!"

"Relax, I'm not a plant."

"What I mean is... you should realize that pushing other people away help us. Sabihin mo nga, paano mo na-survive ang previous school mo?"

"I was... home-schooled."

Nalaglag ang panga ko sa narinig. He is home-schooled? Shit, mag-iisang linggo na kaming magkasama pero ngayon ko lang nalaman na home-schooled pala siya.

"Since elementary?"

"Since birth, yes." Nagsalubong ang kilay ko at nanghihinang napasandal sa backrest ng upuan. Nakangiti ito at bakas ang pagkamangha sa kanyang mukha, na parang naaliw ito sa aking reaksyon.

Now I get it why he doesn't know how to push people away. Hindi siya sanay na napapaligiran ng mga tao kaya naman wala siyang ideya kung paano papalayuin.

"Why?"

"'Cause a lot of people feel weird being around me. I'm too tall and my eyes are blue." Napataas ang kilay ko at hindi ko maiwasang tumayo para lapitan siya. Nagulat siya sa ginawa ko lalo na nung nilapit ko ang aking mukha sa kanya.

My face softenefld when I realized that his statement is true. Asul nga ang kulay ng kanyang mga mata... parehos kami, ang pinagkaiba nga lang ay masyadong madilim iyung sa kanya at natatakpan ng glasses kaya 'di masyadong kita.

"You're half," I said.

"Yeah... half-Irish. Your eyes are blue too... much lighter and beautiful." Ininguso niya sa akin ang aking mga mata.

"Yeah," I seriously nodded. I have electric blue eyes. Sobrang asul na kapag nakatingin ako sa salamin ay parang kaharap ko ang dagat.

"You don't feel weird around other people?"

"No, it's the other way around. They feel weird around me." Seryoso kong sagot na ikinaawang ng kanyang mga labi. The amusement never left his eyes. It was booming in radiance filled with awe.

"Why? Dahil sa apelyido mo?"

"Not entirely. Cortez din ang mga kapatid ko pero iba ang trato na natatanggap ko kumpara sa kanila." Bumalik na ako sa pagkakaupo at sinimulan ang pagligpit ng mga gamit.

"It's because you're the first born, the heiress."

"Hindi ako naging si Quennelle Sylvian dahil lang tagapagmana ako. Naging tagapagmana ako dahil ako si Quennelle Sylvian. I have something in me that makes me worthy for the title that I now possessed. I just don't know what it is, but I am sure it is something inside me." Puno ng pangangatwiran kong sabi.

"I know... you have something that makes everyone drawn to you, that makes everyone tremble with the coldness of your eyes. There is something in you that can make anyone kneel and plea. Hindi ko rin alam kung ano iyun pero sigurado akong mayroon ka nun." Napataas ang kilay ko dahil sa mga katagang narinig mula sa kanya.

I am flattered... for what he said. Unti-unting nalaglag ang mga balikat ko at parang nakahinga ako nang maluwag mula sa matagal sa pagkagapos. It feel like... for the first time... I am allowed to let my guard down.

"Really? Would you beg, Krae? Would you plea?" Panghahamon ko sa kanya.

"I am at your service, Princess." Krae said wholeheartedly.

"Hmm? Dagdagan ko kaya ang pasa mo?" Napanguso siya na parang pinipigilan ang sarili sa pagngisi pero nananatili akong seryoso.

"Okay, go on then."

I rolled my eyes before picking up my things and left. I could still hear him chuckling behind me.

.

"Maaga ako bukas," I said while I was finishing my dinner.

"To where?" My Dad asked.

"To buy a few things. I want to see the products personally."

"Para ba sa dress-making na materials ang bibilhin mo?" Mom asked and I nodded my head before wiping the sides of my lips with a table napkin.

"Ate..."

"Yes, JC?" I turned to my youngest sibling who is 16 years old. He also has electric blue eyes with messy thick hair.

"Totoo ba ang ginawa mo kay Shine?" Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinakita ang pagtaas ng sulok ng aking labi.

"You have no rights to do that."

"Don't stuff your mouth with things you don't know." Matigas ani ko at hindi na siya sumabat pa. I glanced at him and he's throwing me glares. Glaring at me? What's the use of it? Everybody knows I can fucking win any staring contest na kahit ang itim na pusa ay tatakbuhan ako.

Mom and Dad are silently eating with nothing to say. Yes, ako ang batas dito. Dito man sa bahay, sa buong village o kahit sa main house. Hindi dahil first born ako kundi dahil ako si Quennelle Sylvian Cortez. I am born to be the law.

Tumayo ako at nagpaalam na nung matapos na ang lahat sa pagkain. Bago ako makaalis ay nakita ko ang matatalim na tingin na tinatapon ng dalawang kapatid ko.

Her Unveiled LoveWhere stories live. Discover now