Kabanata 5: Running Away

5 0 0
                                    

[Via's POV]

Napakunot ang noo ko dahil naging kaklase ko rin si Krae sa Marketing Management. It's unusual to have someone get transferred in the middle of the semester. Hindi ko inakala na Marketing din pala ang major niya.

Mas nadagdagan pa ang gulat ko dahil kapares ko rin siya sa isang marketing report. We'll be thinking of a product, then we'll hand out survey forms to see if our product meets our customer's satisfaction.

I immediately stormed out of the room when our class dismissed. Parang wala ako sa sarili at ito ang unang beses na nagiging balisa ko. Parang may kung anong kumontrol sa katawan ko at bigla-bigla na lang akong tumakbo matapos maramdaman na nakabuntot si Krae sa aking likuran.

Humaharentado ang puso ko sa hindi malamang dahilan. I don't want to talk to him. I don't want to see his face, bakit? Dahil naiirita ako.

Natigilan lang ako sa pagtakbo nung may humarang sa akin na mga second-year. Agad ko silang tinaasan ng kilay dahil sa iritasyon.

"Ikaw si Quennelle, 'di ba?"

"Yes," sagot ko at umiwas na pero hinarangan na naman nila ako ulit. Tatlo sila, ang isa na nasa gitna ay nakasuot ng salamin. Ang dalawang mas matangkad naman ay mukhang mga athlete dahil sa built ng kanilang mga katawan. The three of them are from the Engineering Department because of their ID cords.

"Kung pwede sana ay gusto kang makausap ng kaibigan namin. Nahihiya kasi siya at malaking bagay na iyun kung bibigyan mo siya ng kaonting minuto." They spoke with gentleness. Ang dalawang lalaki ay inakbayan pa ang nakasalamin na ngayo'y namumula ang magkabilang pisngi kaya mas lalo itong napayuko.

"Pasensya, nagmamadali ako." Mabilis akong umiwas pero hinarangan ako ng pinakamatangkad sa kanila.

"Isang shot lang, Via." Pamimilit nito. Nakakunot ang noong bumaling ako sa kaibigan nilang nakasalamin at bumaba ang tingin ko sa mga kamay niyang nanginginig.

Bumuntong-hininga ako bago siya nilapitan. "What is it?" Agad kaming iniwan ng dalawa niyang kaibigan.

"I-i... was wondering if..." Humugot siya ng malalim na hininga at inayos ang kanyang salamin. Namumula ang mga tenga at ang kanyang leeg. Napapalunok kong hinawakan siya sa balikat at agad siyang napabuntong-hininga na parang nabunutan ng tinik.

"I like you!" Sigaw niya at natatarantang napaatras. "Please, go out on a date with me–" Agad kong hinawakan ang kanyang kamay para hilahin siya bago pa siya tuluyang matumba.

"Hinay lang," I said and his face flash red after recovering from the almost-fall.

"I'm so sorry for being so clumsy." I cringe because he talk so fast.

"It's just that... I'm so nervous right now." Inangat niya ang kanyang tingin at napaawang ang labi ko dahil sa itim niyang mga mata. I saw how honest he is and I couldn't help chuckling because of it.

"I like you... yeah, and I admire you... so much. Oh, I forgot to tell you my name." Napasapo ito sa sariling noo at napakagat naman ako ng sariling labi para pigilan ang pagngisi. He's adorable, all right, plus that he's so honest.

"The name is Zeus Raoul Lopez."

Oh, Lopez. He's the son of the Lopez Motors. Their company is most well-known in Europe, specifically in Italy and France.

"Would you date me, Miss Cortez?"

Nakayuko na itong umalis matapos ko siyang i-reject. I admit, he's nice and honest, but I don't date. I don't want any man in my life.

"Poor guy."

Mariin akong napapikit matapos marinig ang pamilyar na boses sa likuran. Oh, I forgot why I was running earlier.

Hinarap ko siya at pinasadahan lang ng tingin bago nagsimulang maglakad na parang hindi ko siya tinakbuhan kanina.

"We need to talk about our marketing project," he said as he blocked my way. Pilit akong ngumiti habang nakaharap sa kanya. "We can talk about it later, may klase pa kasi ako. Finance na ang next sub ko, if you'll excuse me." Lalampasan ko na sana siya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso na ikinairap ko.

"Don't touch me." Malamig na suway ko at binawi ang braso mula sa kanyang pagkakahawak.

"Finance is that way, Miss Cortez."

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis lalo na dahil sa tono ng boses niya, full of sarcasm. Mabilis na akong umiwas at naglakad papalayo papunta sa kabilang direksyon.

"I'll wait for you after class!" Sigaw niya at halos dumugo na ang labi ko dahil sa pagkagat. Freaking calm down, Via. I don't have any rights to be pissed over some transferee. I need to keep my posture.

I am a woman of class.

I need to keep that in mind dahil nakakalimutan ko kapag si Krae na ang kaharap ko, the naive transferee.

I was so focus and productive during our Finance class. Kahit todo kwento si Rose na katabi ko ay tutok na tutok pa rin ang atensyon ko sa aming professor.

"Ayaw ko namang tumabi sa kanila at baka mahalata nila na nagpapansin talaga ako ay Zane pero kahit hindi ako lumapit kay Zane alam ko namang mapapansin niya ako. I caught him staring at me, Via, pero syempre dinedma ko lang siya. Baka akala niya'y easy to get ako."

Patuloy ito sa pagkukwento tungkol sa concert na naganap noong Sunday night. Hindi ko na lubusang maintindihan pa ang kanyang kwento dahil busy ako sa pagti-take down notes.

"In fairness light lang ang make-up ko that time." Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang pabulong niyang boses ay unti-unti nang lumalakas.

"Pay attention to class, Rose." Suway ko. Kailangan niyang mag-aral nang mabuti dahil scholar siya sa ICC. Rose came from a middle-class family. Housewife ang kanyang ina habang ang ama naman nito ay paramedic.

Pangalawa si Rose sa apat na magkakapatid pero sa kanilang lahat ay siya lang ang pinakatamad. She manage to stay here in ICC as a college student because of me, because I need her– well, more like we need each other. I need her socializing skills and bright personality while she needs my brain and authority.

"Mauuna na ako, Vi." Paalam niya nung dismissal na.

"Alright," I said without glancing at naramdaman ko siyang umalis na. Nagulat lang ako nung bumalik siya.

"May naghahanap sayo sa labas!" Tumatakbong lumapit siya sa akin habang abala ako sa pagliligpit ng mga notes ko.

Hindi na ako nagtanong pa kung sino dahil kita ko sa pinto ang pagpasok ni Krae.

Her Unveiled LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon