Kabanata 7: He's Yours

0 0 0
                                    

[Via's POV]

Dahil sa naging project namin sa Marketing ay palagi na kaming magkasama ni Krae– well, more like... palagi siyang nakabuntot sa akin.

"I don't know why, but I feel like you're stalking me." I said when I also found out that he's my classmate in all of my other classes. Parang sinasadya niya. Like, siya lang talaga ang kakilala ko na classmate ko sa lahat ng subjects! Ang weird pa dahil sa kalagitnaan ng sem siya nag-transfer.

"Kinda," he replied without glancing at me. Nakatutok ang mga mata nito sa laptop habang tina-type ang mga kakailanganin sa proposal.

"Why?" I asked, curious about his reason.

"I heard that you're the smartest in your batch, so I want to compete with you." Nalaglag ang panga ko matapos marinig ang kanyang sagot. Hindi pa rin niya ang tinatapunan ng tingin kahit na inabot niya ang mga designs sa gilid ko.

"Then, you must be rich enough to give the school that kind of authority to transfer you."

"Kinda," tipid siyang ngumiti at kumibit-balikat. Sa wakas nung inangat niya ang kanyang tingin ay agad akong napaiwas. Hindi bagay sa kanya na ngumiti nang ganoon. He has that badboy kind of vibe. Mas bagay sa kanya ang magsungit. Hindi ko alam pero nababanas ako sa kanyang pagngiti.

"Ayoko nito," sabi ko sabay abot ng isang design sa kanya. Masyadong colorful ang damit para isuot ng isang lalaki. "Ayaw ko sa pattern ng design at sa color. Masyadong maliliit ang mga stripes at hindi nababagay ang yellow, orange, at black sa iisang damit. Make it simple." Tumango siya at tinanggap ang papel. Agad niyang pinatay ang laptop at itinuon ang buong atensyon sa pag-sketch ng panibagong design.

Anim na designs na ang kanyang nagawa at anim din ang akin. More on dresses ako at croptop since iyun ang uso ngayon.

"Ba't hindi natin i-try iyung pang-couple na design? Tas denim."

Hindi ko talaga maiwasang humanga sa kanya. Lalaki siya pero mas maalam pa siya sa akin sa klase ng damit, tela, at designs. He always think outside the box... and he's more creative. Masyado akong lohikal sa pag-iisip at inaalala palagi kung ano ang gusto ko, hindi iyung magugustuhan ng mga costumers.

.

"May something sa inyo ni Krae, noh?" Inirapan ko lang siya at hindi sinagot. Abala ako sa pag-eexpand ng notes ko para bigyang pansin ang mga walang katuturang tanong niya.

"Kasi palagi na kayong magkasama," paliwanag nito nung hindi ko pa rin siya sinasagot.

"Project partner kami. Alam mo namang pinilit niya ako."

"Wow, lakas naman niya. In fairness din ah, hindi ka napikon."

"Hindi ako pwede mapikon sa isang transferee."

"Narinig ko rin kasi ang mga usap-usapan sa hallway at cafeteria na madami sanang gustong makipag-close at lumandi diyan sa Baby Krae mo kaso walang gustong umagaw sa pag-aari ng isang Cortez."

Hindi ko na napigilan at hinarap siya. Gusto ko siyang sampalin dahil sa pagbigkas niya ng Baby Krae mo. Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis niyang inangat ang magkabilang braso bilang depensa.

"Heto naman, parang hindi mabiro."

"Biro pala 'yun? Ba't hindi ako tumawa?" Malamig na usal ko.

"Never ka kayang tumawa sa kahit anong biro! Pero sabihin mo nga, ba't maayos na kayo ni Krae?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago siya sinagot. "He's a productive partner and I think the project's efficiency increased by four percent because of him. Truth to be told, he's talented."

Matagal na hindi siya nakaimik kaya nilingon ko siya at agad akong tumingin sa kanya nang matalim dahil sa paraan ng kanyang pagtitig.

"Don't start," babala ko dahil sigurado akong tutuksuhin na naman niya ako.

"Okay, okay. Chill."

.

"Sasama ako," habol ni Krae sa akin nung papalabas ako ng gate.

"Saan?"

"Sa pamimili ng mga supplies na kailangan natin, especially ng tela."

Tumigil ako sa paglalakad. Matagal akong napatitig sa kanya bago ko napagdesisyunang tumango.

"Sige." Agad siyang ngumiti nang napakalawak kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko. Kahit nagkakasundo na kami, nababanas pa rin ako tuwing ngumingiti siya. When it comes to Krae, I find myself to be unreasonable most of the times.

Kaya ko namang bumili at mamili ng tela na mag-isa but since he insisted, sige pagbibigyan ko. Baka rin kakailanganin ko ang opinyon niya about sa gagamitin para sa men's wear.

"Here!"

Napalaglag ang panga ko sa pag-abot niya ng isang design. Iyun ay ang pina-revise ko sa kanya kamakailan. Ang stripes na design at pinalitan niya ng graphic na parang mga random lines lang na kulay black and white. Simple lang pero stylish.

"It's unisex." Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Napalunok ako at mabilis na binaba ang tingin dahil baka mapansin niya kung gaano ako humahanga sa kanyang mga obra.

"That's great," bulong ko. "I want to wear it."

"Wow! The best compliment I ever received!" Mayabang siyang ngumisi at binalik ang design sa kanyang portfolio.

"Don't be cocky," seryosong sabi ko.

"I'm not! I'm happy!"

Krae is naughty sometimes. Mapagbiro kahit wala namang nakakatawa sa mga sinasabi niya. Kapag naman kasama namin si Rose ay naiinis ako dahil sa ingay nilang dalawa. Kapag sa trabaho naman, tahimik si Krae at sobrang seryoso. Hindi ito tumitiklop kahit gaano pa kakulit si Rose.

"We're working here! Can you please leave?"

"Weh? Gusto mo lang ma-solo si Krae, e!" Napasimangot ako sa sabat niya.

"Wala ba kayong marketing project?"

"Meron naman pero mas madali 'yung sa amin, noh!"

Hinayaan ko siya sa pagsasalita at pagkukwento tungkol sa mga lalaking tina-target niya para sa buwang ito.

"Buti na lang at feel ng mga babae rito sa campus ay may something sa inyo ni Via. Naku! Baka marami nang umaaligid sayo."

Agad na natigilan si Krae sa ginagawa. Ako naman ay hinihintay si Rose na bumaling sa akin para bigyan ko siya ng matalim na titig pero nasa kay Krae ang atensyon nito.

"Talaga?" Nagsalubong ang kilay ko dahil interesado niyang hinarap si Rose. Bakas ang tuwa sa tono ng boses at sa mukha niya.

"Oo! Kaya kahit gaano ka pa kagwapo kung pag-aari ka ng isang Cortez, walang lalapit sayo."

"What?! He's not my–"

"I don't mind that. I actually prefer that way... being marked as Via's property." Tinaasan ko siya ng kilay pero iniwas lang niya ang kanyang mga mata.

Her Unveiled LoveWhere stories live. Discover now