XV. THE YOUNG MASTER

Start from the beginning
                                    

Paano kung kasama ni Marcus Ramzel ang kanyang ina? Ayon kay Mildred ay sinusundo na daw ni Mr. Blaire ang kanyang anak. Paano kung magkakasama na sila ngayon at isa na silang masayang pamilya?

Parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa mga naisip. Hindi matanggap ng puso ko ang pwedeng mangyari. Pero ang isip at konsensya ko ay nagkakaisa sa desisyong umalis na ako sa mansyon na ito dahil makakasira ako ng isang buo at kompletong pamilya.

Pero..

Paano ang pinirmahan kong kontrata? Baka idemanda ako ni Mr. Blaire kapag pinutol ko ang kontrata ng walang paalam.

Gulong gulo ang isip ko.
Sinabayan pa ng matinding pagkirot niyon.

Third Person's POV

"Daddy, daddy. Malapit na ba tayo?" Tanong ng isang batang lalaki sa tinawag nyang ama. Parang hirap na hirap magsalita ng tagalog ang batang lalaki. Nasanay sya sa banyagang linggwahe kaya naman sa pagsasalita nya ng tagalog ay may tonong banyaga pa din.

"Yes. We're almost there Ram." Sagot ni Mr. Blaire sa bata habang nagmamaneho ng sasakyan. Maya't maya nyang sinusulyapan ang batang lalaki sa katabing upuan. At parang may malalim itong iniisip.

Sa edad ni Ram na limang taong gulang ay madami na itong nakamit na achievements. Para syang matanda na kung mag-isip. Pina-I.Q test sya ni Mr. Blaire noon sa America at lumalabas na isa itong brilliant kid. Ang I.Q level nya ay masyadong mataas, hindi normal para sa batang kagaya nya.

At nahasa pa ng husto ang kaalaman ni Ram ng ipasok sya ni Mr. Blaire sa isang International school sa America. Madalas ay humahakot ito ng awards sa larangan ng academics at maging sa physical activities. Mahilig si Ram sumali sa mga sports events at sa murang edad nya ay nakakamit na sya ng gold medal sa larangan ng chess sa junior division. He is also a junior varsity in a swimming team. Ram excel's in almost everything but one thing that lacks his life.. One thing that he is longing..

is a mother.

Everytime Ram saw his schoolmates and classmates with their mom and dad Ram's feel in deep pain. He never wishes anything in his childhood life except for a mother. Ram always went to church praying that someday he will meet her lost mother. He is longing for the love that only a mother can give.

He feels envy of those child having a good foundation of family. Whenever family day comes to celebration in his school he choses to be absent on that day. And what pained Ram the most was when he's doing a greeting card that says..

Happy Mother's day mom! Wish you were here.

Love,
RAM

Taon-taon tuwing mother's day gumagawa si Ram ng mother's day card at itinatago nya lang iyon dahil hindi nya alam kung saan nya pwedeng ipadala o ibigay ang greeting card dahil wala syang mommy sa harap nya na pwedeng pagbigyan noon.

"Daddy, you told me I will finally get to see mommy. Is that true?" Halos pumiyok ng sabi ni Ram sa tinawag nyang daddy na si Mr. Blaire.

Tanging isang tipid na ngiti lamang ang tugon ni Mr. Blaire sa bata. Nasa isip nya na ayaw nyang biguin ang bata dahil nasabi nya noon kay Ram habang magkausap sila sa telepono na nakita na nya ang mommy ng bata para hindi na ito labis na mag-isip pa at malungkot. Sa sobrang excitement at pagkatuwa ay hindi na nakalimutan ni Ram ang sinabi nyang iyon.

Gusto lamang nyang pasayahin ang bata ng mga oras na iyon pero hindi nya lubos maisip na sobra itong aasa na makikita nya ang kanyang ina.

Humigpit ang pagkakakapit ni Mr. Blaire sa manibela ng kotse sa nakikitang epekto kay Ram ng kawalan ng isang ina. Nais nyang magalit pero pinipigilan nya. Hindi ito ang oras upang magpadala sya sa galit dahil baka ikasira pa ng mga plano nya. Madami na syang naisakripisyo upang makamit ang mga plano nya at isa doon ay ang magdesisyon syang magkalayo muna sila ni Ram dahil alam nyang baka hindi matuloy ang plano nya kapag malapit si Ram sa kanya.

THE CEO's DESIREWhere stories live. Discover now