XV. THE YOUNG MASTER

17.8K 511 64
                                    

Matapos ang pagbisita ko sa ospital kay inay ay agad din akong bumalik sa mansyon. Nais ko sanang makita si Sab pero noong dumaan ako sa condo nya ay walang sumagot. Marahil ay busy sya ngayon. Natapos na nya ang thesis at graduation na lang ang iniintay naming parehas. Pero nasaan na kaya sya?

Kaya naman bumalik na lang ulit ako dito sa mansyon. Nadatnan kong abala ang mga kasambahay sa paglilinis ng mansyon at sa pagpapalit ng mga kurtina sa buong kabahayan.

Anong meron? Naitanong ko sa isip. Nang makasalubong ko si Mildred, isa sa mga kasambahay ay tinanong ko sya, "anong meron?" Tanong ko habang patuloy na nililibot ng mga mata ang mansyon na ngayon ay medyo naging light ang theme. Parang pang-bagets ang color na napili nila. At hindi nga ako nagkamali ng sumagot si Mildred ng..

"Hindi mo ba alam? Darating si master ngayon." Pahayag nya na hindi mapakali.

"Sinong master?" Napakunot ang noo ko dahil wala akong kaalam alam kung sino ang dadating. Hinanap ng paningin ko si Mr. Blaire pero wala pa sya. Buong akala ko ay sya ang master na tinutukoy ni Mildred pero nagkamali ako.

"Si young master Ramzel dadating na. Sinusundo na sya ngayon ni Mr. Blaire." Pinanlakihan ako ni Mildred ng mata at tinignan ako ng, why-didn't-you-know-look. Maghapon lang akong nawala ang dami na agad pangyayari dito sa mansyon. "Oh sige Fey mamaya nalang. Madaming inuutos si manang Elbie sa akin. Chika tayo mamaya." Yon na lang ang nasabi nya at tsaka patakbong lumayo. Marahil ay mas abala na naman si manang Elbie ngayon.

Pero napaisip ako tungkol sa sinabi ni Mildred na young master. Sino si young master?

Ramzel? Tanong ko sa isip. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon. At parang flashback naman na nagrecall ang isip ko hanggang sa pumasok sa alaala ko kung saan ko nga ba nalaman ang pangalang Ramzel.

At..

Oh-my-gosh!

Naalala ko na.

H-he's Trevor's son!

Anak sya ni Mr. Blaire ayon sa pagkakaintindi ko sa nakasulat sa kontrata naming dalawa.

Nanlalaki ang mga matang napailing ako. At tsaka nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto ko upang hanapin ang kontrata. Kailangan kong makasigurado. Kailangan kong makita muli ang pangalan ng batang nabasa ko sa kontrata noon.

At hindi nga ako nagkamali. Ang iniisip ko ay sya ring pangalang nasusulat dito sa kontrata.

Marcus Ramzel Blaire.

Ang batang nakatakda kong alagaan. Ang batang kamukha na kamukha ni Mr. Blaire kahit sa picture pa lang. Ano pa kaya kapag nakita ko sya?

Tinitigan kong muli ang picture ng batang nasa kontrata. Walang duda na parang pinagbiyak silang bunga ng manggang makinis. Photo copy ang mukha nila.

Sa pagtitig ko sa larawan ni Marcus Ramzel ay wala sa sariling naihulog ko ang buong kontrata. Nanlalambot akong tinitigan ang ilang pahina ng kontrata na nagkalat sa sahig.

Pilit ko mang iwaksi sa isip ko ang mga negatibong pwedeng mangyari sa pagdating ni young master ay hindi ko magawa.

Anong gagawin ko? Paano ko sya haharapin sa kabila ng mga nangyari sa amin ng daddy nya. Anong sasabihin ko?

Gulong gulo ang isip na inuusig ako ng konsensya ko. Napakalaking gulo ng pinasok kong ito. Parang wala akong mukha na maihaharap sa batang iyon dahil sa namagitan sa amin ni Mr. Blaire.

At parang gustong gumunaw ng mundo ko ng maisip ang isang bagay na labis kong iniiwasang mangayari..

Yon ay,

THE CEO's DESIREWhere stories live. Discover now