CHAPTER TWO: RABBITS , WOLF AND TWO GUYS

13 1 0
                                    


F R A N C Y S E   R E I S S

Dalawang oras na ang nakakalipas simula ng mag-log in ako sa Genesis, meaning, 6 hours na akong naglalaro.

Playing the game itself wasn't that hard, ang mahirap lang ay ang paglelevel up mo. Experience Points are very essential for leveling up, they are easy to get naman basta pumapatay ka ng monsters or mag complete ng quest. Yun lang, different monsters gives different amounts of experience points.

Gaya na lang nitong horned rabbits na napatay ko gamit ang throwing daggers. 15 exp lang ang makukuha mo sa bawat isa, tapos hindi pa lahat ay may drops.

Drops are the items that you'll get once you killed a monster but it's only up to ypur luck if the monster you kill will have a drop or not. Sa labing-tatlong rabbit na napatay ko, bukod sa meat ay horn lang ang na drop.

Nauumau kong binuksan ang status window ko para maayos ko na yung extra points ko habang nagpapahinga.

[Deicide]
[Level: 7]
[No Class]
HP:     500/550
MP:     175/200
TRUST:     0/100
EXP: 1187/2500
STR   15                                DEX   15
AGI    15                                 VIT    17
DEX   10                                 INT    20
EXTRA POINTS: 10

Bakit kamo mataas ang Intelligence ko? That's because the higher my Intelligence is, the higher my mana capacity.

"I need to up my Agility for dodging, malay mo biglang may lumitaw dito na hindi ko inaasahan." bulong ko sa sarili bago maglaan ng 5points sa Agility, making it reach 20. I set the remaining points to my Vitality para pataasin ang maximun HP ko.

"Grrrr..."

Napalingon ako sa gawi ng gubat ng marinig ko iyon. Nasa grassland lang naman kase ako dahil dito ang respawn point or ang hunting zone ng horned rabbits.

Mula sa anino ng isang puno, isang pares ng nanlikisik na pulang mata ang nakatitig sa akin. Maya-maya pa ay mabilis itong tumalbo patungo sa puwesto ko.

"AHHHH!" agad akong yumuko para umiwas sa matalim na mga kuko nito.

[Lvl.10 Dire Wolf]

Okay, what the hell?! Bakit may dire wolf dito?! Akala ko ba sabi nung guard ay walang ibang monster dito.

"Grrrr..." napabalik ang tingin ko doon sa lobo na hindi pa rin nawawala ang lisik ng mata. Mahigpit akong napakapit sa kutsilyong hawak ko. Kapag minamalas ka nga naman. Ayokong mabawasan ng level.

Nang makita kong bumubwelo na naman ulit ito ng sakmal ay tinapon ko ang dalawang dagger na nasa kamay ko. Ang isa ay tumama sa kaliwang paa nito, samantalang naiwasan naman niya ang isa.

Mas mataas pa ang HP nung aso kesa saken ah. Ano bang kamalasan ang tinapon saken ngayong araw.

Muli akong kumuha ng tatlong pares pa ng throwing dagger at sunod-sunod na itinapon it habang umiiwas sa atake ng mga kuko nito. Dahil na rin siguro sa level gap namin, hindi ko kayang iwasan ang lahat ng atake nito.

Parehas kaming may sugat sa paa, pero kumpara sa aming dalawa, mas may tsansa pa akong mabuhay dahil na rin sa dodging skills ko. Buti na lang talaga tinaas ko Agility stats ko.

"Nyeta, isang dagger na lang ang meron ako." inis kong sabi habang tinitignan ang HP bar ng wolf na kalaban ko.

Akmang tatakbo na naman ito ng inunahan ko na ng amba sa kanya ng suntok. Sunod ay sinipa ko ang pilay niyang paa bago tusukin ang kanang mata niya ng dagger. Namamanhid na ang paa ko pero hindi ako titigil hanggat hindi natutumba itong aso na 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 30 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GENESIS: OUTLAWSWhere stories live. Discover now