CHAPTER ONE: GAME CONQUEROR'S GRAND ENTRANCE

5 1 0
                                    

R E I S S   F R A N C Y S E

"DAD! Ito na ba yun?!" excited kong turo sa malaking ksrton na nasa may salas ng bahay. Sa itsura nito, aakalain mong ref na nakahiga sa sobrang laki.

"Yup! Your very own full dive gear. I'm lucky enough to get that as a gift after the successful launching of GENESIS last week. Mas magandang gear yan kesa sa binili ko sa dalawa mong kuya." Dad said na kakababa lang galing sa second floor ng bahay.

"Francisco, ini ispoil mo na naman si Rei." rinig kong sabi ni Mom na nagpatawa lang kay Dad.

"Mahal, Reiss is a responsible child, plus alam mo namang sa field ng course nya ay kailangan niya rin ng information about games." mahinahong sagot ni Dad kay Mom.

"Oh sya, iha, ipabuhat mo na lang yan kay kuya North mo." sabi ni Mom habang tinuturo ang kumakain kong kuya.

"Ma, si France na lang, kumakain pa ako oh." reklamo nito sabay turo kay Kuya France na nanonood ng live stream sa phone niya at para bang walang naririnig.

"Parang hindi mga lalaki ah, sabihin niyo lang kung hindi niyo kayang buhatin at ipapabuhat ko na lang kay manong Jacob, mga bakla." sabi ko sa kanila at akmang tatawagin na si manong Jacob ng tumayo si Kuya France mula sa panonood.

"Oo na, eto na, mahal na prinsesa." nakabusangot na tugon ni Kuya France bago hatakin si kuya North na busy pa rin sa pagkain.

"Ano ba? Kumakain yung tao oh." reklamo ni Kuya North na nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Kuya France.

"Kita mong kay laki laki ng gear na toh eh. Hindi ako si superman para mabuhat 'to mag-isa!" sigaw naman ni Kuya France na ikina-iling na lang ng ulo ko.

Kuya North and Kuya France are just a year apart from each other kaya naman normal lang sa kanila ang ganyan, while me, I was born three years later after Kuya France. Kaya masasabi nyo talagang medyo may pagka-spoiled child ako.

"Hime, saang part ng room mo ba ito ilalagay?" tanong ni Kuya North bago pa man ako pumasok sa kusina.

"Sa tabi lang ng kama ko Kuya North." ngiti kong sabi bago tuluyang lisanin ang salas. Kakain muna ako, mahirap maglaro ng gutom eh.

...

"Hime, be responsible okay? 3-4hrs is enough to play." paalala saken ni Dad habang nakasandal sa doorframe ng kwarto ko.

"Yes, Dad! Thank you for the gift again!" he just nodded at my response before leaving me alone in my room.

I slowly touched the tinted glass of the gear before pressing the button to open the gear. I sat comfortably inside before putting it in my head. Genesis, here I come!!!

"Link Start..."

=•=

"Welcome to Genesis, New Player."

A girl with white hair and blue eyes welcomed me. Nakatingin siya sakin gamit ang asul niyang mga mata. Hala, ito ata si Milan, or mas kilalang Project G1-A, ang kauna-unahang AI na nagsimula bilang sanggol at pinalaki ng mga GM dito sa Genesis.

"I am Milan, this world's guide. I will be the one to guide you as you start your new journey in this world."

"Cool, parang nakikipag-usap lang ako sa totoong tao."

"What would you like me to call you, New Player?"

[Please Insert a Name]

"Name... name... hmmmm..." gusto ko pa naman  yung unique para wala akong kaparehas.

GENESIS: OUTLAWSWhere stories live. Discover now