PROLOGUE

5 1 0
                                    


Mabilis and pagtakbo ko habang tinatrack ang ibang guild member ng Outlaws. Napaismid ako ng makita si Hades na pinalikibutan ng myembro ng Olympus. Mukhang plano ata nilang unahin ang kapwa kong unique class dahil sa advantage nya sa laro. Alam na alam talaga nila kung paano kunin yung inis ko.

[Guild Master: Agares, malapit ka lang ba kay Hades?]

[Agares: Yes, Guild Master.]

[Guild Master: Please give him some support until I reach the both of you.]

Masyadong lugi kung bilang ang pag-uusapan. Hindi man dito nababase ang event na ito, malaking advantage pa rin sa Olympus ang bilang nila. Sana makaabot pa si Agares kay Hades dahil malaki ang magiging disadvantage namin kung mamamatay siya.

Wind Skill: Sprint

Everything became blur after I used the skill. Wala pang isang minuto ay nakarating na ako sa kinaroroonan ng dalawa. Kitang kita ko mula sa aking kinatatayuan ang nanghihinang pigura ni Hades habang pinoprotektahan siya ni Agares.

Walang pag-aalinlangan akong tumalon mula sa sangang tinutungtungan ko at mabilis na nag-chant ng skill. It's now or never. Take risk or lose chance.

Reaper Exclusive Skill: Death Slash

Dahil sa ambush na ginawa ko, dalawang olympus member agad ang namatay na ikinabigla ng natitira. Hah, akala ba nila sila lang ang magaling sa ganito? Sayang naman ang exclusive skill ko kung hindi ko magagamit para mang-ambush no.

Aphrodite [OLYMPUS] has been slain
Nyx [OLYMPUS] has been slain

"You barely made it." nakangising sabi sakin ni Hades bago ayusin ang tayo nya habang tango lang ang binigay ni Agares sa akin. Hinagisan ko na lang sila parehas ng HP potion na meron ako sa inventory.

"I should've let you die then." balik ko sa kanya na ikinasama ng tingin nya saken.

"Deicide." napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at napangisi ng makilala kung sino ito. Kung makatawag sa ign ko parang hindi natalo sa pustahan ah.

"Zeus, long time no see, kamusta ang pagbaba ng level?" ngisi kong pang aasar dito. Kitang-kita ko kung pano nagyukom ang isang kamay nito habang humigpit naman ang kapit ng kabilang kamay nya sa espada. Pikon.

[Mortis: Guild Master, 50m away from you.]

[Guild Master: How about you, Haleth?]

[Haleth: 8 o'clock, waiting for your order]

Kahit kailan talaga napakatipid ni Haleth sa laway. Mahal ata bili niya sa laway niya eh, tipid na tipid. Joke lang, baka panain ako ng archer na yun. Well, atleast he's dependable. Especially when it's about ambush and assassination. Dinaig pa ako na Assassin ang sub-class.

[Guild Master: Strike after I give signal.]

[Haleth: noted.]

"Mukhang natahimik ka ata, Deicide." isang panibagong boses (na sobrang tinis pa) ang nagsalita kaya napatingin ako sa gawi ng pinagmulan non, "Ano, nag-iisip ka na ba kung pano kayo makakatakas?" dagdag nito.

Agad na nagtaas ang kilay ko ng makita ko ang saintess (na mukhang hindi dahil sa hapit at kapos sa tela na suot nito) na nakatingin sakin. Pinapaikot-ikot pa niya ang daliri sa pekeng kulay blonde nyang buhok.

"Oh, buhay ka pa pala? Lakas ng kapit kay Lord ah." balik ko dito. Aba kung sa pang-aasar lang ay umatras ka na kung ako kalaban mo, baka buong pagkatao mo ay ma-judge dahil saken. Hinasa ata to ng mga kapatid kong basher ata ang isa't isa.

| A N N O U N C E M E N T |
GUILD WAR RANKINGS
1. OUTLAWS
2. OLYMPUS
3. SOVEREIGN
4. THE LIONESS
5. VERSATILE MAGES
6. HOLY ARCHIVES
...

"Hala, pano ba yan, kami pa rin pala ang una." asar ko matapos i-anunsyo ang guild rankings. Si GM talaga gusto akong samahan mang-asar.

"Huwag kang pakampante Deicide. Tatlo lang kayo, anim pa kami." sabat ni Artemis habang nakatutok sakin ang kanyang palaso. Hmph. Still as cold-hearted as ever, kaya bagay sila ni Apollo eh.

"Chill, Artemis." sabi ko sabay taas ng aking dalawang kamay na parang susuko. Meh, as if ganun talaga yun.

"Sino bang may sabing tatlo lang kami?"

[Guild Master: Go!]

A N N O U N C E M E N T
The Guild [OLYMPUS] has fallen


  G  E  N  E  S  I  S  : O  U  T  L  A  W  S
START!

GENESIS: OUTLAWSWhere stories live. Discover now