Dangerous Encounter #5.1

173 8 4
                                    

Dangerous Encounter #5.1


Mahigit apat na oras din ang tinaggal namin sa Starbucks. Oo sa Starbucks kami nilibre ni Lily. Nagulat lang talaga kami dahil sagaran talaga ang pagkakuripot nung babaeng yun, eh dun pa kami nagawang ilibre.

Don't get me wrong. Mayaman sila Lily. Siya ang pinakamayaman saming apat. In fact, She studied at Brent International School. Di lang halata. Ayaw niyang ipahalata. At talagang hindi lang DAW siya mahilig gumastos. OA niya ha. Ang sabihin niya, talagang KURIPOT SIYA. HAHAHAHA.

Mag-aalas siyete na ng dumating ako sa bahay. Grabe, napagod din ako ngayon ah. Naabutan ko sila Mommy, Daddy at Manang na kumakain sa dining area. Dumaan muna ako saglit sa kanila at nagmano. Inaya pa nila ako na kumain pero sinabi kong nakakain na ko.

Umakyat na ko sa kwarto at humiga at nagpahinga. Hay. Mabuti na lang medyo maaga na uwian ko ngayon. Hindi tulad ng dati. Jusko. Halos wala na kong tulog. Biruin mo, 7am-7pm ang pasok namin ng MWF tapos 7am-8pm naman tuwing TTHS. Torture? I know right.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako ng antok, at nakatulog ako.

-----

-----

-----

-----

July 9, 2015; Thursday, 7:12am

Lumipas ang dalawa at kalahating linggo. Same routine. Same stupid people. Same things to do. Same professor. Ugh. Kaya minsan ayoko nang pumasok. Dagdag mo pa yung tense na nararamdaman ko dahil kaklase ko si Ian sa LAHAT ng subject namin. Napapadalas din yung pagsalubong ng mga mata namin. Ewan ko ba. Pero may nagtutulak sakin na lapitan siya. Na kausapin ko siya. Pero syempre di ko maiwasang matakot. Hay.

Today is Thursday. Maaga akong pumasok dahil magaadvance reading ako sa Philippine Literature namin. Eh kasi naman parang si Mr. Grande yung professor namin dun. Full of surprises.

Bago ako pumuntang library ay dumaan muna ko sa locker ko para kunin ang PE uniform ko para mamaya.

"HAHAHAHA. YEAH. And girls I'll tell you ang cheap cheap niya tingnan..."

Napalingon ako sa direksyon kung saan narinig ko ang mga halighikan. I narrowed my eyes so I could see them clearly. Tss. Di ako nagkamali sa inisip ko.

Sino pa ba? Edi ang 3A. Sila Aya, Ara, at Aecie. Malamang may binubully naman tong mga to. HAY KAINIS. Di na sila tumigil. Naalala ko naman tuloy yung nangyari last 2 weeks. Lalo tuloy akong nainis. Aish!

*flashback*

June 23, 2015; Tuesday, 12:58pm

Papunta kami sa next class namin, bitbit ang mga pagkain namin. Eh pano naman kasi ang tagal tagal magpasa ng essay ni Bree tapos ang tagal pang pumili ng pagkain, Carbonara, Oreo Cheesecake and Mocha Frapp lang pala ang kukunin. HAYS. Kala ko buong Cafeteria bibilhin eh.

"Hey Genie, are you sure that we are allowed to eat in Mrs. Castro's class?" Lily asked me, full of doubt in her tone. Mrs. Castro is our Logic professor.

"Yeah. Baka later on, di tayo papasukin." Bree took a sip on her frapp.

"Girls, ipapadala ko ba yan sa inyo kung di pwede. And you." I looked at Bree and raised an eyebrow. "This is your fault, kung binilisan mo yung pag-inarte mo sa essay kanina, edi sana ngayon makakakain kami ng maayos." Pagtataray ko sa kanya.

She rolled her eyes. "Ugh, shut up. At least makakakain pa rin tayo diba? Tss."

"Tas ang tagal tagal mo pang pumili ng pagkain." Lily groaned.

He's DangerousWhere stories live. Discover now