Dangerous Encounter #4

194 9 2
                                    

Dangerous Encounter #4


June 17, 2015; Wednesday, 2:00pm

Natapos ang klase namin na tulala ako. Di pa rin ako makapaniwala na kaklase ko siya. Tsk. Sa dinami-dami ba naman ng mga estudyante, bakit si Ian pa? The worst part of it is that he isn't just my classmate, he is freaking my seatmate. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano eh. He won't cause any harm, will he? 

I sighed.

"Genie, ano? Nagiging hobby ang pagiging tulala?" Sabi ni French na halos sigawan ako.

Inirapan ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hay nako. Bothered lang siya. Eh paano, si Ian pala ang katabi niya." Bree commented while texting.

I sighed. "Tumigil nga kayo. Di na nga ako mapakali dito eh. Pinapaalala niyo pa."

Lily leaned in and asked. "Eh bakit ba kasi bothered ka?"

"Eh sino bang hindi?" Nakasimangot kong sinabi. Yung isipin ko nga lang na magiging schoolmate ko siya, kinikilabutan na ko, paano pa kaya kung kaklase ko na?

"Baka mamaya kung anong gawin sakin nun."

"Sus. OA ha." Pinagdilatan ako ng mata ni French. "Pero kung sabagay diba?"

"Wag kang nang mabother! Ikaw na rin ang may sabi na wala siyang kasalanan diba? So ano bang dapat mong ikatakot." Seryosong sabi ni Lily sakin.

"Pero alam nyo, infairness! Gwapo pala siya noh?" Bree said habang namumugay ang mga mata niya.

"PINAIRAL MO NAMANG YAN KALANDIAN MO!" Sabay sabay naming sinabi.

"Grabe naman kayo. Eh sa totoo naman eh. Diba French?" Siniko niya si French.

"Hala. Idamay mo pa ko dyan sa mga kalokohan mo, Bree."

"Suuuusss. Aminin! Agree ka rin sakin eh!"

"Ano ba! Tumigil ka na nga dyan! Tutuktukan na kita eh! Di ako naguguwapuhan sa kanya, pwede ba!"

"Weeeh! Eh ang lagkit kaya ng tingin mo sa kanya kanina."

"Aish! Malamang nagulat ako kanina. At tsaka..."

Di ko na sila pinakinggan dahil nauna na ko na paglalakad. Aish. Ang ingay kasi nila eh. Tsaka anong oras na rin late na kami sa English 3. Oral Communication pa naman yun.

"Hey Genie, Where are you going?" Nilingon ko si Lily na nasa tabi ko na pala.

"Wala. Nauna na kong maglakad ang ingay kasi nila eh." Tumawa naman si Lily.

"Oo nga. Kaya nga iniwan ko na rin eh." I laughed lightly.

"Pero seryoso nga, ano yung iniisip mo kanina?" Takang tanong ni Lily sakin.

"Ah. Yun? Wala yun. Wag mo nang pansinin." I gave her a wry smile.

"Sus. Ano nga?" She raised her both eyebrows.

"Wala nga! Ano ba naman yan."

"Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"Fine! Nakakainis."

Then she looked at me in the eye.
"Kasi nitong Monday lang. Simula nung napag-usapan natin siya sa Cafeteria, talagang masama na yung kutob ko." Hanggang ngayon din naman eh.

"Bakit naman?"

"Ewan ko ba. Because maybe I figured out that he's our classmate?"

"Don't worry, Genie. Isang subject lang naman eh. Tsaka, parang hindi naman siya gagawa ng masama. Nakalaya nga eh diba?" She pated my back. "Hayaan mo na. As long as hindi tayo inaano, okay lang yun."

He's DangerousWhere stories live. Discover now