Dangerous Encounter #2

267 9 4
                                    


-----------------------

-----------------------

-----------------------

-----------------------

Dangerous Encounter #2

June 15, 2015; Monday, 7:30pm

I went to my room quickly as soon as we arrived. Nilapag ko ang gamit ko sa study table at inihandusay ko ang sarili ko sa kama. Shit. Ramdam ko yung pagod. Sana pala di na lang ako pumasok dahil wala namang masyadong ginawa. Tapos absent pa yung mga professor namin sa morning classes kanina. Tsss. But at least, I feel happy because I got to see my best friends again.

Anong oras na ba?

I checked my clock beside my bed and it's 7:30pm already.

Ugh grabe naman. Ang tagal pala naming nasa Mcdo kanina ni Mommy. Eh paano naman kasi, sino bang hindi magugutom eh sa tinaggal-tagal ng oras ng klase bago mag-uwian dinagdagan pa ng mga boring na professor. HAY BUHAY. Halos na order ko yata lahat nung nasa menu kanina eh.

Nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko.

Then I felt that something was vibrating on my lap. I got my phone from my pocket.

Bree Calling, it says.

"What? Miss me already, Bree?" I said in a husky, sleepy voice.

["Yo girl. Have you copied our homework in English?"]  She asked.

Nawala bigla ang antok ko at napaupo sa sinabi nya. "MAY HOMEWORK TAYO?"

I heard her sigh, ["Hay nako, Genevieve. Hindi ko ba alam kung pabaya ka o sadyang makakalimutin ka lang."] She said as I reached my bag and got my notebook.

"Just a sec, Britney." Nilapag ko muna ang telepono ko at binuklat ang kwaderno ko (kwarderrrnooooooo?! Hahaha). Oo nga noh, may homework kami.

"Uhm Bree! Yes. Meron nga tayong homework. Hahaha."

["Ikaw talaga, Genie. Ano bang meron sayo ngayon ha?"] Natatawang tanong sa akin ni Bree.

"Wala naman, anoba." I chuckled.

["Weeeehh? Eh kanina ka pa aligaga eh."]

"Ako? Aligaga?"

["Ay hindi, si Choco. Diba Choco? Syempre ikaw!"]

I rolled my eyes. Kung nagtataka kayo kung sino si Choco ay yun ang alagang brown teddy bear ni French na matagal nang gustong hingin ni Bree. Hay nako Bree.

"Ewan ko sa'yo." Pagtataray ko sa kanya.

I heard her sigh. ["Ano bang problema ha? May family problem ka ba?"] She suddenly became serious time.

"Wala."

["May kaaway ka?"]

"Wala rin."

["Problema sa studies?"]

"OA mo ha. Magsisimula pa lang ang school year."

["Problema sa amin?"]

"Matagal ko na kayong problema."

["May iniinda kang malalang sakit?"]

"Ikaw dapat ang magtanong niyan sa sarili mo."

["Lovelife?"]

I rolled my eyes once again.

["Siguro di ka pa rin tinatantanan ni Garcia?"]

"Bibigwasan na kita, Charm Britney." I gritted my teeth.

He's DangerousWhere stories live. Discover now